Chapter 24

4.2K 36 0
                                    

JULIE's POV

Nakahilata ako ngayon sa kwarto ko habang nanonood ng t.v. Birthday kahapon ni ate at tinext ko siya para batiin. Ang swerte ni ate kasi kasama niya si kuya Gabriel mag-celebrate.

Crush ko na talaga si kuya Gabriel dati pa pero scratch that mahal ko na siya. Nakaka-inis lang kasi ang taong mahal niya eh ate ko pa. Ewan ko ba kung anu ang nakita niya kay ate eh tomboy naman yun.

Papatayin ko na sana yung t.v. kasi tapos na yung teledrama na pinapanood ko kaso nahagip ng mata ko ang t.v. bago ko pa mapindot ang remote.

"Ang model na si Gabriel Tolentino ay may nililigawan na, ayon sa mga saksi nag-propose daw siya dito kahapon at saktong birthday naman ito nung babae. Ang pangalan ng mapalad na babaeng iyon ay si Aberdeen Garcia pero kung kanyang tawagin ay Bree. Ayon sa kanya kababata daw niya ito at may lihim na pagtingin daw siya dito noon pa man."


Napako ako sa kinatatayuan ko at tila nabingi ako sa lahat ng mga salitang narinig ko. Nanlalambot ang tuhod ko at nag-blur na ang paningin ko.

Nag-propose? Nag-propose sa kanya si kuya Gab?

Nagsimula ng pumatak ang mga luha ko sa mata. Para lang akong tanga dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin pinapatay ang t.v. Tinitignan ko pa ang mga pictures nila na ibinabalita.

Ayaw kumilos ng mga kamay ko at patuloy lang ako sa pag-hagulgul dito.

"JULIEEEEEEEEEEEEEE!!!" narinig ko ang mga habag ng paa ni mommy "Napanood mo ba yung balita----Bakit ka umiiyak?!"


Pinunasan ko ang mga luhang pumapatak sa pisngi ko pero ayaw talagang tumigil.

"Napuwing lang po mom. N-napanood ko p-po" lalong lumakas ang pag-agos ng luha ko "M-masaya ako kay a-ate! HAHAHAHA! Naging babae na rin siya"


Para akong sira doon na iyak tawa ang ginagawa. Pinatay ni mommy yung t.v. at niyakap niya ko.

"Nasasaktan ka hindi ba?"


"Ma--"


"Shhhh...iiyak mo lang yan"


Bigla naman akong napahagulgul doon ng iyak. Bakit ba kasi sa dinami dami ng babaeng magugustuhan pa ng taong gusto ko eh yung kapatid ko pa?

ADRIAN's POV

Ayoko....ayoko....ayoko....ayokong lumabas ng kwarto....ayoko....ayoko....ayoko....ayokong manood ng t.v.

UWAAAAAAAAAAAAAAAAAA! T_____________T


Ang kalokohan na ginawa ko kagabi sabog ngayon sa balita. Napanood kaya iyon ni Julie? Panigurado umiiyak na yun.

I'm inlove with a ... LESBIAN?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon