𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 4

372 6 0
                                    

Hindi ko alam kung anong oras na nakauwi si Ford kagabi maaga kasi ako natulog, tuwing nagiinom kasi sila Ford may inuuwing babae dito sa bahay. Tapos maririnig ko yung mga unggol nila at nandidiri ako.

Pagbaba ko ng hagdan ay meron din bumaba na babae. Magulo ang buhok at damit tapos kita pa yung dibdib niya. Napatingin siya sa akin at biglang natakot. Nagmamadali siyang lumabas ng bahay, hindi na bago sa akin yan.

Pumasok ako ng kitchen at umupo sa upuan para kumain. Susubo na sana ako nang pumasok si Ford na naka-short lang tapos umupo sa harapan ko.

"Yaya dalhan mo na lang ako ng pagkain sa backyard. Nawalan kasi ako ng gana." kinuha ko yung coffee ko tsaka tumayo at naglakad palabas ng kitchen. Nakakasuka yung pagmumukha ni Ford.

Pagkadating ko dito sa backyard ay umupo ako sa bench. Pinagmasdan ko yung mga bulaklak na tanim ni mommy. I miss them. Kinuha ko yung cellphone ko at minessage si mom if free ba sila ni daddy.

"Ma'am Elle, ito na po ang pagkain ninyo."

"Salamat." agad naman nag reply si mom and free daw sila ni daddy. So niyaya ko sila mom kumain sa labas mamayang dinner. Alam ko naman kasi na may work pa sila ngayon.

From: Mommy ❤️

Sama mo din si Ford anak.

To: Mommy ❤️

Hindi naman siya parte ng family natin mom kaya wag na.

From: Mommy ❤️

Ang harsh mo naman anak.

Hindi naman talaga siya parte ng pamilya namin so bakit ko pa siya isasama. Kinain ko na yung pagkain na dinala ni yaya kanina. Habang kumakain ako bigla naman bumukas ang pinto at iniluwa nun si Ford.

"What are you doing here?"

"The last time I check...I'm the owner of this house." inirapan ko siya.

"May binigay naman kasi magulang mo na bahay kaya lang ayaw mo doon kasi hindi ka makauwi ng babae." ang sama ng tingin niya sa akin. "Kahit anong gawin mo Ford hindi mo makukuha ang position na yun." I smirked at him.

"Okay! Hindi rin ako papayag na maghiwalay tayo, tsaka na tayo maghihiwalay kapag nakuha ko na yung gusto ko."

"Good luck then." asa ka, Ford. Pwede ko naman sabihin sa attorney na sinasaktan niya ako para pumayag na maghiwalay kami. Tumayo na ako at pumasok sa loob ng bahay at nilock yung pinto. Bonding sila ng lamok.

Naglakad ako papunta sa hagdan para umakyat nang makarinig ako ng ingay sa labas. Sirain mo bahay mo naman ito hahaha. Walang tutulong sayo kasi nagpapahinga na sila yaya at yung driver ko, yung mga security naman nasa labas ng bahay paano siya maririnig.

Pumasok na ako sa kwarto at humiga sa bed. Nagiisip ako kung paano ko pa bwisitin lalo si Ford. Dapat alam ko yung mga weakness niya at yung mga ayaw niyang pagkain. Nakita ko yung business card ni Theo. Napangiti agad ako.

*KNOCK KNOCK* napatingin ako sa pinto ng kwarto ko.

"Ma'am Elle...dumating na po sila madam."

"Okay po! Magpapalit lang po ako!" agad akong tumayo at naglakad sa closet ko para maghanap ng damit. Nakaligo naman na ako kanina. Nagbihis na ako at nagayos ng kaunti baka sabihin ni mommy napabayaan ko na sarili ko char hahaha.

After kong magbihis at magayos ay kinuha ko na yung bag ko tsaka lumabas ng kwarto ko. Bumaba na ako sa hagdan. Habang pababa ako ay nagtaka ako kung sino kasama nila mom at dad. Nakatalikod kasi ito sa akin kaya hindi ko makilala.

"She's here!" nilapitan ko sila mom at dad tsaka bumeso at nagmano sa kanila.

"K-kuya?!" tumayo si kuya Joshua Amos Venus at niyakap ako.

"Alam kong nagtatampo ka sa amin ni Cyrus kaya ako muna ang pinauwi niya dito." si kuya Cyrus James Venus ang panganay tapos sumunod siya at ang bunso nila.

"Too late kuya kasal na ako." sabi ko sa kanila.

"Anak busy kasi mga kuya mo eh." sabi ni daddy sa akin. "Alam mo naman na nandun halos business natin." inirapan ko lang si kuya.

"Busy ba talaga sa business dad? Nakapag girlfriend pa nga eh tapos kinalimutan na nila ako." kuya Joshua chuckled.

"Aleyah, hindi ka namin nakalimutan. Sorry talaga." umiiling ako. Matagal kaming hindi nagkita tapos biglang lilitaw si kuya dito.

"Mom, dad. Napadalaw po kayo?"

"Kuya pala ni Aleyah si Joshua, nak asawa ng kapatid mo si Ford." umupo na lang ako sa tabi ni mommy na nakasimangot. "Itong asawa mo kasi nagaaya ng dinner, gusto mo ba sumama?" kapag pumayag ka Ford humanda ka bukas.

"Sige po, magpapalit lang po ako." agad naman umalis si Ford at nagmamadaling umakyat sa hagdan.

"Kayo na lang po dinner. Nawalan na po ako ng gana." tatayo na sana ako ng pigilan ako ni mommy.

"Hindi ka ba masaya nandito ang kuya Joshua mo? Tsaka gusto mo'ng mag dinner tayo."

"Sana'y po ako na tatlo lang tayo. Next time na lang po sorry." bumeso muna ako kanila mom at dad bago umakyat. Tinawang pa nga ako ni kuya pero hindi na ako lumingon. Nakalimutan na kasi nila kuya yung promise nila sa akin noon.

Pagkapasok ko sa kwarto ay nilock ko yuny pinto. Dito na lang ako kakain ng dinner ko may mini kitchen naman ako dito sa kwarto. Binuksan ko yung t.v at nagplay ng music.

Pupuntahan ko na lang sila mom bukas sa kumpanya at magdadala ako ng pagkain namin. Akong malungkot sila sa ginawa ko pero masama talaga ang loob ko kay kuya tapos sasama pa si Ford. Dito na lang ako, babawi na lang ako bukas.






















~••~~••~••~

𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 𝐌𝐚𝐫𝐫𝐢𝐚𝐠𝐞 Where stories live. Discover now