CHAPTER 3

45 2 0
                                    


____________________________________________________________

❤❤....KENNETH POV....❤❤

____________________________________________________________

Napahawak ako sa ulo ko ng magtangka akong bumangon.

'Hang over, tsk ang sakit ng ulo ko, ano ba naman to napasobra ata ang inom ko kagabi.'

Pero teka pano ako napunta dito sa kwarto ko sino ang nagdala sakin dito. Napabalikwas ako ng bangon nang mapansin kong iba na ang suot kong damit.

'shet, anong nangyare sinong nagpalit ng damit ko.'

Nang igala ko ang paningin ko ay nakita ko ang maid namin na nakahiga sa sofa sa loob ng kwarto ko. Napaisip tuloy ako kung sya ba ang nagpalit ng damit ko.

Hindi pwede, baka nakita nya yong ano ko.

Tatayo na sana ako ng mapatingin ako sa side table, may planggana kasi dun na may towel at gamot na para sa lagnat.

'Nilagnat ba ko?'

Agad kong kinapa ang noo ko. Medyo mainit pa nga ang pakiramdam ko. Wag nya sabihin na inalagaan nya ko. Buong gabi kaya sya nakatulog sa loob ng kwarto ko.

"Mama" Napatingin ako kay nam, ng magsalita sya."Mama" inulit nya pa.

Naalala ko na may sakit nga pala ang mama nya. Kamusta na kaya ito.

Bago ako tumayo ay inalala ko muna ang lahat ng nangyare. Naalala ko ulit tuloy ang pangloloko na ginawa sakin ng babaeng minahal ko ng todo at ang kaibigan ko.

Hindi ako makapaniwala na kaya nila gawin sakin yon. Mga wala silang kwenta. Sinayang nya lang ang pagmamahal ko sa kanya, halos lahat ay binigay ko na. Tapos nagawa nya pa sakin yon.

'Napakawalang-hiya nila.'

Nang tumayo ako ay lumapit ako kay nam para gisingin ito. Napansin ko na parang hindi sya nagpalit ng damit nya dahil yon parin ang suot nya kagabi.

'Natulog sya ng basa ang damit, nagawa nya kong alagaan pero yung sarile nya binabayaan nya.'

Napapailing nalang ako dahil sa ginawa nya.

"Nam" tawag ko sa kanya. Pero tulog parin to daig nya pang nag-inom eh hindi man nga lang sya tumagay kahit isang beses."Nam, gising na may pasok pa tayo." Dahan-dahan nyang iminulat ang mga mata nya. Kinusot-kusot nya pa yon bago sya bumangon.

"Ser." Sabi nya tapos naupo sa sofa. "Kamusta po pakiramdam nyo?" Agad na tanong nya.

"Okay na ko."

"Salamat naman!" Buntong-hiningang sabi nya.

"Bakit natulog ka dyan?" Tanong ko. Napatingin naman sya sakin.

"Huh?, Pasensya na po ser. Hindi ko po namalayan na nakatulog na po pala ako dito." Nahihiyang sabi nya. Napanguso na naman sya at biglang tumungo.

"Hindi okay lang, pero bakit hindi ka nagpalit ng damit natulog ka ng basa ang suot mo." Paliwanag ko napatingin naman sya sa suot nya.

I ACCIDENTICALLY MARRIED TO THE BADBOY HEARTROBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon