"Bakit nandito ang batang yan?" Inis na tanong ni mama habang nakatingin kay Sandro, nakikipag usap sya ngayon sa ibang tao dito sa school, maraming nangyari dito sa graduation namin at malapit na kaming matapos, aakyat nalang kami sa stage at yun nalang yung kulang.
"Bakit ka po ba galit kay Sandro ma?" Tanong ni Camille. "Don't take politics too personal ma." Sambit ko habang nag s-scroll sa phone ko.
"What did you said?" Tanong ni mama. "I said don't take politics too personal at tsaka wag ka ngang galit na galit sakanya like as if na ang laki ng atraso nya sayo ni hindi nga kayo nag uusap eh like duh!" Sambit ko at umirap, tinignan ko naman yung mga kaibigan ko at ngayon ko lang narealize na inaasar na pala nila ako kay Sandro at inirapan ko sila pero nag tawanan lang sila habang si Lily ay hindi inaalis ang mga galit na mata sakin at tinitigan ko sya mula ulo hanggang paa.
"Anong sinabi mo Lorraine? Habang tumatagal nagiging bastos ka na!" Asik ni mama. "Ma remember may mga tao dito naririnig ka nila pano na kaya pangalan ni papa sa politika kung lagi kang galit? Chill." Sambit ko at sumandal nalang si mama sa upuan at suminghal.
"What happened to you Lorraine? I really don't know what's going on with you why your attitude is getting worst day by day, hindi kita pinalaking ganyan!" Asik ni mama pero mahina lang ang pagsasalita nya pero napakalakas ng boses nya sa tenga ko.
"Really mom? Hindi mo ko pinalaki ng ganito?" Balik kong tanong. "Why are you always so mean to your own mom Lorraine?" Tanong ni dad, pag tutulungan nanaman nila ako at graduation na graduation ko ngayon sisirain nila?
Tumingin nalang ako kay Sandro at patuloy syang nakikipag usap sa mga tao sa paligid nya at ang iba ay kinikilig na sakanya at inirapan ko nalang sila, nakatulala lang ako habang nakatingin sakanya at unti unting nawawala ang mga boses ng tao at ang boses ng nag s-speech sa harap namin lahat habang ako ay nakatitig lang sa kawalan, bigla akong bumalik sa diwa ko nang tumingin saken si Sandro at agad na umiwas ng tingin, gosh! All this time habang tulala ako nakatingin pala ako sakanya? Jusko baka kung ano ang isipin ni Sandro!
Maya maya lang ay may mga teachers na lumapit sa mga estudyante at sinabihan nila kame nag mag line up na for awarding pero mauuna ang mga lower section at agad na tumayo sila mama at papa at si Camille.
"Lorraine dito ka lang ha sasabitan lang namin ng medalya si Camille." Sambit ni mama at tumango nalang ako at hindi ko masyadong narinig ang boses nila dahil ang lakas ng graduation song, my gosh.
"Ok ma wala naman akong ibang pupuntahan." Sambit ko at napa buntong hininga nalang at inayos ayos ang buhok ko at tumingin ulit kay Sandro, tumahimik na si Sandro ngayon at nakaupo nalang sya sa harapan pati ang mga kasama nya at nanonood lang sya sa mga inaawardan sa stage kaya I took this opportunity to stare at him habang pumapalakpak lang, maya maya lang ay nilapitan ako ng tatlong bruha at kilala nyo na yon.
"Ay beh bat di kayo nag papansinan parang hindi magkaibigan ha?" Panimula ni Kirsten. "Beh nakikita mo ba yung layo nya sakin? Nasa harap sya nasa dulo tayo tanga!" Asik ko at tinawanan lang ako ng gagang to.
"Sumbong kaya kita sa papa mo sabihin ko sakanila na friends kayo secretly." Sambit ulit ni Kirsten at tumawa at kumunot ang noo ko sa sinabi nya at sinabunutan ko sya.
"Huy gago ka Kirsten!" Sambit ni Janine at nag tawanan kami. "Aray makasabunot si baccla." Sambit ni Kirsten at inayos ayos na ang buhok nya sa dating ayos. "Kaya nyo ba mag usap sa personal?" Tanong ni Veronica.
"Kiss nga kayo." Sambit ni Janine at sinabunutan ko sya, isa ka pa. "Hoy mga tanga ba kayo? Bakit ganyan kayo mag tanong?" Inis kong tanong at tinawanan lang nila ako.
"Isa ka pa ha!" Turo ko kay Janine. "Nag susuggest lang naman ako bat kailangan mong manabunot." Sambit ni Janine at nag tawanan silang tatlo habang ako ay magkasalubong na ang kilay.
YOU ARE READING
The Gap Between Us (Under Revision)
FanfictionChantelle Lorraine, born into a life of privilege in the North, is admired for her poise and perfection-a flawless image that conceals the fractures hidden deep within her heart. Despite her family's wealth, she remains haunted by the pain of her ch...