𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 10

1K 32 1
                                    

ANNE (POV)

Hawak hawak ang pang apat na alak sa kamay habang naiiyak parin ako. Ramdam ko naman na lasing na lasing na talaga ako pero gusto ko pang mag lasing hanggang sa mismong bibig kuna ang hihinto sa pag inom.

"Ahhhh!!"sigaw ko habang umiiyak."Geo naman eh, bumalik na nga ako para humingi ng tawad sayo! Geo! Sorry na sorry na nga diba magpakita kana."iiyak parin ako hanggang sa wala na akong malunok na alak sa bibig."ahh! Lintik naman oh ubos na ka agad hindi pa nga ako  lasing!"sigaw ko at agad na tinapon ang alak napatingin ako sa loob ng apartment ni geo.

Bigla naman na alala ang nakaraa kaya naiyak nanaman ako at Napasabunot sa buhok ko kahit subrang sakit na ng ulo ko ay pilit akong tumayo para kumuha ng alak sa ref ni geo. Nangingialam na ako ng gamit niya.

Napatingin ako sa ref ng makitang dalawa nalang ang natitirang alak kinuha ko ang dalawa kahit hirap sa paglalakad ay pinilit ko para makapunta sa sofa at umupo pero hindi ako umupo sa sofa sa sahig ako na upo dahil sa kalasingan.

Kinuha ko ang cellphone ko imbis na sa call pupunta ang kamay ko ay sa music pa ito pumunta.

Oh, whoa

Napakagat labi ako.

Bakit hindi na makita
Ang kislap at saya sa 'yong mga mata?
Bakit hindi na madama
Init ng pagmamahal 'pag yakap-yakap kita?

Mas nakagat kupa ang labi ko at sunod sunod tumulo ang luha ko."Ahhh! Geo! Nasaan kana ba!!"iyak kong sabi pagkatapos ay uminom ng alak.

Wala na ba ako sa 'yong puso?
Hindi na ba ako ang mahal mo?
Bakit ba kailangan na mangyari 'to?

"Geo! Hindi muna ba ako mahal? Kong mahal mo talaga ako nagpakita ka sakin!"

Damdamin ay tuluyang nanlamig
Nagwawakas na ba ang pag-ibig?
Wala na ba o wala na talaga?


Uminom ako at umiyak uli habang nakikiramdam at nakikinig sa kanta.

Paano ba maibabalik
Ang dating pagtingin? Puso'y nananabik
'Pinapangako sa iyo (pangako sa iyo)
Ang pag-ibig kong ito (ang pag-ibig kong ito)
Kailanma'y hindi magbabago

"Geo hindi magbabago ang pagibig ko sayo kaya magpakita kana sakin, ang sakit sakit na."iyak kong sabi habang hawak ang alak at uminom.

Wala na ba ako sa 'yong puso?
Hindi na ba ako ang mahal mo?
Bakit ba kailangan na mangyari 'to?
Damdamin ay tuluyang nanlamig
Nagwawakas na ba ang pag-ibig?
Wala na ba o wala na talaga?

"Wala na ba talaga geo? Suko kana ba? Ano yung mga pangarap natin na gusto mong tuparin kasama ako?"

Sana'y makayanan ko (makayanan ko)
Tanggapin na tayong dalawa'y magkakalayo (magkakalayo)
Magkakalayo, whoa


Napahawak ako sa alak ng wala na itong laman binuksan ko naman ang isa pa at uminom.

Wala na ba ako sa 'yong puso?
Hindi na ba ako ang mahal mo?
Bakit ba kailangan na mangyari 'to?

Bakit ngaba kaylangan mangyari satin to geo? Bakit kaylangan may mga tao pang pipigil sa pagmamahal natin?

Damdamin ay tuluyang nanlamig
Nagwawakas na ba ang pag-ibig?
Wala na ba (wala na ba) o wala na (wala na) talaga?

Soy Tu Novia | SHORT STORY (COMPLETED)Where stories live. Discover now