Kabanata 9

538 9 0
                                    

Salamat sa Diyos at naging maayos na si Rhynee kaya nailipat na siya sa isang private room. Mahina ang puso niya kaya hindi dapat siya ma-stress o mapagod.
The doctor said that my daughter should stay here in the hospital for two days para maayos na talaga siya bago ilabas.
Pinagmamasdan ko ngayon ang anak ko na mahimbing na natutulog napakaamo ng mukha ng anak ko parang hindi ko kakayaning makita na nahihirapan siya.
"Ma'am ito na po mga damit niyo ay ni Rhynee."
Hinatidan ako ni inday ng mga gamit ko dahil gusto kong ako ang magbantay kay Rhynee.
"Sige salamat alagaan n'yong mabuti si Rhysa sa bahay baka malungkot yon wala ang kakambal niya"
"Opo"
Hindi pa bumabalik si Raiser simula ng ihatid niya si Maria. Ang sabi ko sa kan'ya ihatid hindi maglandian pa sila nakakainis. Papano nya natitiis na hindi puntahan ang anak niya, oo nakabuntis siya pero may anak din kami at kailangan din siya ng mga ito.
Ilang oras pa ang lumipas bago dumating si Raiser. Dumating pa siya.
"Babe anong sabi ng doctor?" tanong niya.
"Sana kasi bumalik ka agad kanina para alam mo diba?" sumbat ko sa kan'ya.
Lumungkot ang itsura niya dahil guilty siya. Hindi ko kasi maintindihan anak namin ang nasa panganib pero nagagawa niya pang magtagal kay Maria.
"I'm sorry."
Hindi ko na siya pinansin at tinitigan na lang ang anak ko. Sana paglaki nila hindi sila masaktan I don't want them to experience how cruel the world is.
Para sa isang inang katulad ko pinakamahirap at pinakamasakit ang makitang nahihirapan ang mga anak.
Nanatili ako sa hospital habang si Raiser naman ay umuwi para tignan si Rhysa ayaw niya sana kaming iwan pero wala s'yang nagawa ng pilitin ko siya.
Kinabukasan ay dumating si Eric at ang mama ni Raiser.
"How's Rhynee?" tanong ni tita.
"Okay na po bawal lang mapagod at mastress" sagot ko naman.
Tumango siya at lumapit sa bata hinalikan nya ito sa noo at pinagmasdan. My kids are so lucky having their grandparents mahal na mahal nila ang mga bata kahit gaano sila kabusy ay naglalaan sila ng oras para sa mga bata.
Matapos ang dalawang araw ay inilabas na si Rhynee. Doble ingat ang mga yaya ni Rhynee at maging kami hindi namin kakayaning may mangyaring masama sa anak ko.
"Rhiana can we talk?"
Napalingon ako kay Eric seryoso ang mukha niya at alam kong mahalaga ng pag- uusapan namin.
"Pinatawag ko na rin si Raiser at Maria."
"Eric please stop it, tigilan mo na ang pagsasalba kay Raiser."
Sasagot na sana siya nang dumating si Raiser at Maria. Hanggang ngayon ay hindi parin makatingin sa'kin si Maria.
Nang makaupo sila ay muling nagsalita si Eric.
"Ako ang ama ng bata." panimula niya
"May nangyari sa'min ni Maria before I left."
"Pero alam kong si sir Raiser 'yon," sagot ni Maria.
"No it's me," pilit ni Eric.
Hindi ko alam kung bakit ginagawa ito ni Eric kailan man ay hindi maitatama ang mali ng isa pang pagkakamali.
"Narinig kong tinawag ng lalaking nakatalik ko ang pangalan ni Ma'am Rhiana."
"See? Stop lying Eric ano ba? Andyan na yan hayaan mo na lang," sabat ko sa kanila.
"I know and yeah ako yon."
"Eric ano ba!" sigaw ko sa kan'ya.
Hindi ko alam kung bakit ba pinagpipilitan pa niya halatang halata naman na si Raiser yon.
"That was me! I am fucking inlove with you! Kaya nasambit ko ang pangalan mo!" pag-amin ni Eric.
"What the fuck?" sa wakas ay nagsalita din si Raiser.
Nanlalaki ang mga mata namin sa inamin niya hindi ko alam kung maniniwala ba ako o iisiping palusot niya lang 'yon.
"Ano bang sinasabi mo?" naguguluhang tanong ko.
Tumingin siya sa'kin at kitang kita ko kung paano manubig ang mga mata niya.
"Mahal kita noon pa, sa tingin mo ba gugustuhin kitang pakasalan noon kung hindi? Mahal na mahal parin kita Rhiana kahit ang sakit sakit na!  Kahit alam kong hindi na pwede pa."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko hindi ko alam na nasasaktan ko siya ng hindi sinasadya.
"I'm sorry," tanging sambit ko na lang.
"Don't be just believe me guys 'yon lang please."
Sabay-sabay kaming tumango sa kan'ya para sabihing naniniwala na kami. Hindi ko inaasahan na ganoon pala ang nararamdaman niya hindi kailanman pumasok sa isip ko na mahal pala ako ni Eric.

Slut Machine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon