Teaser

10.4K 251 118
                                    

Isang malakas na ingay, iyon ang bumasag sa nakabibinging katahimikan sa loob ng tinutuluyang bahay ni Claire Trinidad.

May nabasag nanamang baso.

Buntong hininga, ibinalik niya ang tingin sa kaharap na salamin. Itinuloy ng dalaga ang pagsusuklay sa hanggang braso niyang buhok at binalewala ang narinig na ingay mula sa kusina.

Sa totoo lang ay sanay na siyang marinig ang ganoong ingay tuwing gabi. Makailang beses na rin kasing palaging ganoon ang ganap sa loob ng kaniyang bahay. Lalo na kapag tuwing sumasapit ang gabi.

May mga nababasag na plato at baso kahit wala namang tumatabig, mga nalalaglag na gamit na nakapatong lamang sa kan'yang lamesa o aparador, nawawalang gamit na saka lang nagpapakita kapag hindi na niya hinahanap,.. at ang pinaka malala ay ang mga bagay na bigla na lang lumiliyab kahit wala namang pwedeng pagmulan ng pagliyab ng mga ito.

Alam ni Claire, hindi siya nag-iisa sa lumang bahay na iyon na namana pa niya sa mga yumaong step parents.

Oo, isa lamang siyang ampon. O mas tamang napulot lamang siya nung baby pa siya sa isang basurahan.

Mula pagkabata ay lumaki na siya sa puder ng mag-asawang Mister and Misis Trinidad, na nung nakaraang taon lamang ay magkasabay ding pumanaw dahil sa isang car accident.

Hindi na nakilala pa ni Claire ang totoo niyang mga magulang at wala na rin naman siyang balak na kilalanin pa ang mga ito.

Galit siya sa mga totoo niyang magulang, dahil alam niyang pagkapanganak pa lamang sa kan'ya ay itinapon na agad siya ng mga ito sa basurahan, kung saan naman siya napulot ng ama-mahang si Mr. Trinidad.

Malungkot ang kaniyang naging istorya. Ngunit hindi iyon naging hadlang para maranasan niya ang maging normal at sumaya. At naramdaman niya iyon sa piling ng mag-asawang Trinidad. Kahit papaano, maski sa maiksing panahon lamang ay nabigyan siya ng mga ito ng sapat na pagmamahal at kaligayahan na hindi niya naranasan sa mga totoong magulang.

At ngayon nga na maski wala na ang mga ito ay bitbit parin niya ang pagmamahal na iyon hanggang ngayon. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga ito, kahit pa na siya'y tumanda na rin at pumanaw.

Ngunit kahit puno siya ng pagmamahal, ay hindi parin maiiwasang makaramdam si Claire minsan nang matinding kalungkutan.

Lalo pa't ngayon na bukod nga sa mag-isa na lamang siya sa bahay ay wala pa siyang kaibigan na pwedeng dumamay sa kan'ya tuwing nagkakaroon siya ng mga problema.

Pero pinili din naman niya maging ganito, ang maging mag-isa at walang karamay. Alam din kasi niya sa kan'yang sarili na hindi niya kailangan ng kahit sino para sumaya lagi. Hindi rin naman kasi siya magaling sa pakikipag-kapwa tao.

Lalo na sa mga alam n'yang peke ang ugali at hindi mapapagkatiwalaan.

Aminado siyang introvert siyang tao; mahiyain, hindi komportable na may ibang kasama, tanging kinakaibigan lang niya ay ang mga libro at ang mga kagamitan niya sa pag-guhit.

Mahilig kasi siyang gumuhit.

Hindi nga lang basta-bastang uri ng mga sining ang kaniyang ginagawa, gumuguhit siya o nagpipinta ng mga bagay at nilalang na hindi pangkaraniwan sa mata ng mga normal na tao.

Katulad na lang ng mga nilalang na para sa karamihan ay sa kathang isip lamang pwedeng mabuhay.

Sa madaling salita ay mahilig siya sa kababalaghan.

Kaya siguro ay hindi na rin nakakapagtakang hindi siya nababahala sa mga wirdong pangyayari sa loob ng tinutuluyan niyang bahay.

Totoong hindi talaga siya matatakutin.

Yago, The Naughty DemonWhere stories live. Discover now