Chapter 7

3K 156 20
                                    

***
Chapter Seven

Isang linggo ang nakaraan at ngayon ang simula ng pasukan sa papasukan naming tatlo. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin sa bagong papasukan ko pero sana mabilis akong makahanap ng kaibigan.

"Riley, are you ready?!" nagulat ako sa lakas ng katok at sigaw ni Axl sa labas ng kwarto ko.

Binuksan ko naman ang pinto at pinapasok s'ya. "Oo inaayos ko lang yung bag ko." umupo naman ito sa higaan ko at bigla akong niyakap qt nagulat naman ako dahil inamoy nya leeg ko.

"Did you wear perfume? You smells so good!" amoy nito sakin kaya tinanggal ko agad yakap nya sakin. "Magpabango ka din para mas maging gwapo ka" saad ko habang natatawa.

"Pahingi ako ng perfume mo pwede ba?" nagpacute naman sya kaya humalpak na ko ng tawa. "Bakit ka natawa, ang sama mo naman buti nga nagpaalam ako!"

"Ang cute mo kasi kaya ako natawa." binuksan ko naman yung maliit na bulsa ng bag ko at kinuha yung pabango at agad na iniabot sa kanya. Ang loko halos maubos dahil nag spray ba naman sa buong katawan.

"Ang bango! What kind of perfume is that?" tanong nito sakin at tumayo para humarap sa salamin.

"Secret." sabi ko na lang kasi hindi ko talaga binibigay kung anong pabango ginagamit ko. "Damot mo naman, gagamitin ko na nga lang perfume ni Daddy."

Lumabas na kami ng kwarto ko at nagpunta akong kusina para magpaalam kay nanay. Binigyan naman ako nitong lunch box na may Adobong baboy at tatlong saging para daw kung sakali na gusto nung dalawa pwede silang kumuha.

"Tara na!" yaya sakin ni Axl papuntang kotse nila kaya naglakad na kami patungo rito. Pumasok kami sa kotse at nakita kong nandon na sa Duke sa left side sa may bintana. Bali tatlo kami dito sa likod dahil maliit naman ako kaya kasya kaming tatlo.

Nang makaupo kami ay umayos ng upo si Duke at nag angat ng ulo habang naka kunot ang noo. "Whose perfume is that?" tanong nito at sumagot naman si agad si Axl. "It's Riley's, I used it too kuya." pagmamalaki nito kaya palihim na lang akong napalukot ng mukha.

Hindi naman na kaagad nagsalita si Duke kaya medyo nabawasan ang kaba ko. Habang nasa byahe ay walang nagsasalita samin. Nagcecellphone si Duke at si Axl naman ay iidlip daw. Ako nasa gitna nakatutok sa mga dinadaanan namin para maging pamilyar ako sa lugar. Ngayon lang ako nakalabas ng masyon at ditong lugar kaya kinakabisado ko.

Nakarating kaming matiwasay sa harap ng school na papasukan namin at napakaganda ng harapan nito. Tanging mayayaman lang ang nakakapasok rito at kahit sa lugar namin noon ay sikat ito dahil ito ang gustong pasukan ng mga tao doon.

"Mag ingat ka, Riley." paalam ni Kuya Rolly bago ako bumaba. Matagal na s'yang driver ng magkakapatid pero ngayon ko lang s'ya nakasabay.

Nauunang maglakad sakin ang magkapatid kaya nasa likuran nila ko habang papasok kami ng gate. Tinitignan kasi isa-isa para tignan kung tama ba ang suot nila sa unang pasukan. Grade 6 na 'ko at kasama ko sa silid aralan si Axl samantalang si Duke naman ay nasa grade 10 na dahil 15 na sya

"You're being too slow! You're supposed to be our assistant but you're so slow!" singhal sakin ni Duke nang lingunin ako nito. Nagulat ako sa biglaang pagsusungit n'ya pero hindi na pala dapat dahil nag expire na siguro ang subscription ko sa pagiging mabait ng senyorito.

"S-sorry"

"Kuya you're so rude, it's early in the morning." sabi ni Axl at hinigit ako dahil sabay naman kaming papasok.

"Whatever, gays." irap nito at umalis na sa harapan namin at may tumakbo sa kanyang dalawang lalaki at umakbay. Natulala naman ako sa isang lalaki dahil napaka gwapo nito kung titignan mo at mukha rin syang mabait. Ano kayang pangalan n'ya?

"Let's go, Riley pasok na tayo" yaya sakin ni Axl at tumango ako para sumunod sa kanya papuntang classroom namin.

"6 - Aphrodite" isang magandang pagkakaukit sa itaas ng pintuan ng classroom namin. Napaka ganda ng pangalan ng section namin. Pangalawa ito sa section pero dapat ay Zeus akoa for section 1 pero nag request si Gob na samahan ko na rito si Axl para daw sumabay sa pag aaral ko.

Pumasok kaming dalawa ni Axl sa loob at nakita kong medyo maayos naman sila. Medyo kasi hindi naman talaga maiiwasang may mga magugulo. Wala namang espesyal na inaakala ng marami samin halos kaparehas lang ng public school pero dito may aircon at walang hindi pinagpala sa hitsura dahil lahat ay may ipagmamalaki.

"Yo, Axl what's up?!" sigaw ng kung sino nang makapasok kami sa loob. Ngumiti naman si Axl at napunta don pero niyaya nya ko kaya sumunod ako.

"I'm good, man!" sabi ni Axl at talagang nakipag fist bump pa. Umupo s'ya sa tabi ng dalawa nyang kaibigan kaya nasa gitna s'ya. Ako naman ay umupo sa likuran nila kung saan katabi ng bintana ng corridor kaya medyo nakakahiya dahil kitang kita pagmumukha ko dito ng kung sino mang dadaan.

Hindi nagtagal ay may biglang tumabi sa'king lalaki. Ang gwapo n'ya! "Hi bago ka dito?" tanong nito sa'kin kaya tumango naman ako.

"I'm Lucas by the way and you're cute! may part na mukha kang babae." Compliment nito kaya nagpasalamat naman ako. "I'm Riley, nice to meet you and thanks!"

"Nakita kita kanina na kasama mo pumasok si Axl, kaano-ano mo s'ya?" usisa naman nito sa'kin. Ang aga ha.

"Wala 'yun, sa kanila kasi ako nakatira." bigla naman sumigaw si Lucas kaya nagulat ako. "I'm sorry, I thought I saw a cockroach it's just my pen's cap." sabi nito kaya bumalik sa kanya-kanyang ginagawa ang mga student dito.

"Really?! Edi nakikita mo lagi si Duke tsaka yung tropa n'ya?!" excited na sabi nito. "Hindi, tsaka wala pa kong nakikitang tropa ni Duke, bakit?"

"Huli ka na ba sa bal-" naputol ang sasabihin nito nang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang magandang babae na sa tingin ko ay ang adviser namin.

"Good morning, everyone I'm Ms. Cassandra you're English Teacher and your adviser for this school year. Tumayo naman kaming lahat at nag good morning pabalik.

"We have a new student here pala, will you go here in front and please introduce yourself?" rinig ko sabi nito at mukhang may hinahanap at biglang nagtama ang mata namin "There you are! Come on go here." ako pala ang kausap n'ya.

Tumayo naman ako at nakita kong lumingon at ngumiti pa sa'kin si Axl with thumbs up pa. Lumipat naman ang tingin sakin ng lahat ng tao dito sa classroom at hinihintay akong mapapunta ng harapan.

"Hi good morning, I'm Riley Castasus from Montalban Elementary School and I'm 12 year old." agad naman akong tumingin sa teacher namin sign na tapos na ko magpakilala.

"He's gorgeous"

"Is he really a boy? baka naman in disguised lang."

Marami pa kong narinig na bulungan pero di ko na lang pinansin at nang makaupo ako sa upuan ko ay medyo nanigas pa ko dahil natanaw kong padaan dito sila Duke.

Ito namang katabi ko daldal at kung ano-ano ang sinasabi. "Tignan mo dadaan sila Duke!" impit na sigaw nito at pinaharap ako sa bintana. Iniiwasan ko nga magpakita pero pinakita naman ko sa demonyo.

Nakita kong matalim ang tingin sakin ni Duke at sa kamay na nasa balikat ko kaya medyo inalis ko ito. Nagtindig naman ang panga nya.

Sa pinapakita n'ya ay wala akong ibang magandang gagawin kungdi ang umiwas na nagliliyab na malaking apoy.

***
Please Like Comment and Follow!!

Surprise <3

Lagdameo's Crazy Obsession (ON-HOLD)Where stories live. Discover now