It starts here

17 0 0
                                    

"Aside from few abrasions, bruises and sprains wala naman dapat pa ipagalala. She's gonna be fine"

Halos hindi ako makagalaw at mga mahihinang boses lamang ang naririnig ko. ramdam na ramdam ko din ang grabeng pananakit ng aking katawan.

"Thank you doc" dinig ko tugon ng isang lalaki. Naramdaman ko ang pag alis ng kausap at paglapit sakin ng lalaki. Binuksan ko ang mga mata ko at nasa isang silid ako na magara.

"Sino ka ano pangalan mo? At anong nangyari sayo?"

Nakaramdam ako ng panlalamig sa kaniyang mga titig. His eyes were dark and his chiseled jaws drew more character from him. He looked at me with his suspicious eyes.

Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko habang dinamdam ang sakit sa kaunti kong pag galaw.

"Miss wag ka muna magalaw. Ang sabi ng doctor--"

"Sancho. Hayaan mo siya." Nanahimik naman ang lalaki. Lumapit pa siya saakin saka ako muling tinignan sa mga mata.

"Anong pangalan mo at pano ka nakarating dito?" Ulit niya sa pagtatanong.

"Solana Fortaleza" sagot ko dito. My voice is still hoarse.

"I think we should let her rest" ulit ng lalaki sa tanda ko ay sancho ang pangalan. Tumingin naman ito sa lalaki ng mariin pagkatapos ay saakin.

"Make sure she's well guarded. I'll be back tomorrow morning" tango naman ang itinugon ng lalaki sakaniya.
Sabay silang umalis sa silid na iyon. Now that the room is once again quiet. Ako nalang mag isa dito at hindi ko alam kung paano ako nakarating sa silid na ito at kung sinong mga tao ang mga nakakuha saakin.

I didn't want to end up here. I didn't even wish to be saved. Wala nako lakas pa para lumaban. Tumulo muli ang aking mga mata at kasabay non ang muli kong panghihina.

Mga panibagong ingay ang narinig ko kinaumagahan. Mga unipormadong babae na may dalang mga tray ng pagkain at ang mga lalaki kagabi.

"Good morning. Kaya mo ba umupo?" Tanong nito. Tumango ako at sinubukan umupo.

"Do you remember what happened to you? By the way I am Sancho Novales." Pakilala nito

"Sancho hayaan mo muna siya kumain. Halika hija kainin mo to sopas" Sabat ng isang halos may edad na babae na palagay ko ay mayordoma.

"P-paano ako nakarating dito? At sino kayo?" Sa wakas ay may lakas nako para magtanong

"Hindi bat kami dapat ang magtanong sayo niyan? Why are you infront of my property? At ano motibo mo?" Agad naman nagbigay ng daan ang mga ito ng bigla nagsalita ang lalaki mula sa pintuan

"M-may mga taong gusto ako mamatay" nagtinginan naman si sancho at ang matandang babae.

"Kaya naisipan mo mawalan ng
Malay sa harap ng property ko? My driver even thought he hit you!"
Nanginginig ko siyang tinignan. He looked at me the same way he looked at me last night. It send shiver to my spine the way he stare.

"Juan Carlos. Hijo. Hayaan mo siya magpaliwanag. Hija kaya mo na ba ikwento ano nangyari sayo?" Ang matandang babae ang nagsalita

"Para saan pa manang? Anong pang teleserye ang ikkwento mo? Sabihin mo sakin ang pangalan mo at kung taga saan ka" ma awtoridad nitong pahayag

"Solana Fortaleza. Galing ako la paz. V-vicensio. Mga vicensio ang pumatay sa mga magulang at kapatid ko. Sinunog nila ang bahay namin a-ako lang ang nakaligtas. M-may mga lalaking tumangay saakin pagkatapos ay...." hindi ko na matapos ang sinasabi ko sa dahil sa bigla ko paghagulgol. Hindi na kaya alalahanin ng sarili ko isipan ang pangyayari at kahit nainis ko magsalita ay hindi ako hinahayaan ng mismo kong utak. I feel paralyzed. A feeling of adrenaline rushes through my head at para bang gusto ko nalang mawala na parang bula at pilit kalimutan ang mga nangyari.

THE GAME OF FORTUNESWhere stories live. Discover now