Chapter 9

4 2 0
                                    

Chapter 9

Gabi na ng nakarating si Dark ng bahay, pagod pero kahit papano gumaan ang pakiramdam niyang dahil alam niyang tutupad sa usapan nila si Mr. Hayasaki.

Pagkapasok pa lang ni Dark ng bahay, ay ang nakangiting mukha ni Samantha ang bumungad sakanya.

"Good evening Sir, nag dinner ka na? Kakain ka? Ipaghahayin na ba kita? Or gusto mo muna ng maiinum? Tubig? Coffee? Coffee jelly? Orange juice? Cucumber peppermint shake?" Sunod-sunod na tanong ni Samantha na biglang nagpatawa kay Dark, na ikinakunot ng noo niya.

"Sir? Sir pa rin talaga? At isa pa. Isa-isa lang ang tanong, hindi pa nga ako nakakapagsara ng pintuan." Natatawang sabi pa nito.

"Pwede naman kahit ano itawag ko sayo di ba? Hehe." Napailing na lang din si Dark sa sinabi nito.

"Nasaan si Manang at Si Mang Lucio, pati na rin si Tonny? Kumain na kayo?" Sunod-sunod naman ang pag-iling ni Samantha.

"Hindi pa, hinihintay ka namin, para kumain ka ng madami. Diet ka kasi pag nag-iisa." Mahinang tugon ni Samantha, na naabot pa rin naman ng pandinig ni Dark.

"Oh Hijo, andito ka na pala, mabihis ka na at maghahayin na kami. Samantha pakitawag si Lucio, at Tony." Agad naman tumakbo sa garden si Samantha para tawagan ang dalawa.

Si Dark naman ay umakyat na sa ikalawang palapag, sa kanyang kwarto para makapagbihis.

Sabay-sabay silang dumulog sa hapag. Si Dark ang nasa kabisera, kalapit sa kanang side si Samantha at si manang Belen, sa kaliwa naman si Mang Lucio at Tim.

"Manang, bago recipe mo sa adobo? Mas masarap ngayon, may dinagdag kang ingredients." Puri pa ni Dark habang kitang kita na sarap na sarap ito sa pagkain.

"Dapat ba akong magtampo, o matuwa sa sinabi mong bata ka." Natatawanang sabi ni manang.

"Oo nga naman Belen, masarap ang pagkakaluto mo ngayon." Si Mang Lucio.

"Tunay naman inay, masarap ang luto mo ngayon." Si Tonny.

Puri nila sa adobo habang si Samantha ay halos, magkulay kamatis na sa tabi ni Dark.

"Ok ka lang Sam?" Sambit naman ni Dark.

"Masarap ba ang adobo, magtatampo na talaga ako sa inyong tatlo. Palagi akong nagluluto ng adobo pero hindi n'yo man lang ako pinupuri. Pero ngayon, aba ay talagang napansin n'yo." Si manang Belen.

"Masarap naman di ba Sam?" Si Dark, ng may pagsang-ayon pa sa dalawa pang lalaki.

"Ah... eh... ok lang naman.. hehe." Sabay kamot sa ulo na ipinagtaka ng tatlo.

"Hindi ka nasarapan sa luto ni Belen/inay?" Sabay na sambit ni Tonny at mang Lucio.

"Si Samantha ang nagluto ng adobo ngayon. Aba ay may talent pala itong bata na ito sa pagluluto. Hindi ko akalaing masarap pala ang mga luto niya." Gulat naman ang tatlo.

"Wow, iba ka Samantha pwede ka ng mag-asawa." Si Tonny.

"Aba'y pwedeng pwede na ngang mag-asawa itong si Samantha, mas masarap ka pang magluto kay Belen." Na sinamaan naman ng tingin ng asawa sabay irap dito. Na ikinatawa nilang lahat.

Tahimik namang kumakain si Dark. Wala na itong sinabi, pero ramdam ni Samantha na totoong nasarapan ito sa luto niya, dahil napakadami nitong nakain.

Matapos kumain ay lumabas na rin ng kusina si Dark. Nagtungo muna siya sa garden, lalo na at hindi niya inaasahan na ganoong karami ang makakain niya. Hindi niya maipagkakaila na masarap magluto si Samantha.

Dangan nga lamang, na biglang umasim ang kalooban niya ng banggitin ni Tonny na pwede na itong mag-asawa, na sinundan pa ni mang Lucio.

Katatapos lamang maghugas ng pinggan ni Samantha ng mapansin niya si Dark na nakatayo sa may garden. Malamig ang paligid, lalo na at medyo humahampas ang mabining hangin. Hindi nag-atubili ang dalaga na lapitan ito.

Is It Still Love When It's Faded?Where stories live. Discover now