Part 1

30 1 0
                                    

Kay bilis mo lumisan, ako ay nagdalamhati ng ikaw ay naging taksil sa ating di kanais-nais na relasyon. Ng dahil sa oras tayo ay nagtagpo sa tamang panahon, at dahil din sa kaniya tayo ay lumisan sa bilis ng bugso na umalon sa ating relasyon.

Ating mga damdamin pinaiiral at tayo'y naging emosyonal, tayong dalawa ay nawasak pero sa bilis ng oras, ikaw lamang ang nakabangon sa pag-ibig nating mabilis nawasak.

Tadhana ang nagtagpo sa ating dalawa pero ang oras ang nagtakda sa haharapin nating dalawa, ng ating relasyon.

Oras, isang di kanais-nais na bagay, kay bilis mo, kay hirap mong abutin, kay hirap mong intindihin at ang hirap-hirap mo dahil di kana kayang maibalik pa.

Mga pagsisisi, karapat-dapat kabang iwan nalang sa nakaraan? Paano ko haharapin ang kasalukuyan kong ikaw mismo ang dumedepensa sa aking mga hakbang at desisyon na gagawin?

Aking munting pag-ibig, ikaw man ang nakawasak sa aking sarili, nagdala ka naman ng munting saya na di ko naranasan sa aking buhay.

Oras, kay sakit-sakit mo, pero kaka-iba naman yung mga saya na dinala mo sa aking munting buhay.

Sa bawat oras, masakit man o hindi, dapat tanggapin ang kasalukuyan at kalimutan ang nakaraan.
-Pagtataksil ng Oras

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pagtataksil ng OrasWhere stories live. Discover now