Chapter Fifty-Six

9.4K 181 17
                                    

Chapter Fifty-Six

Ang bilis lumipas ng araw, parang kahapon lang kakaumpisa palang ng semester pero ngayon patapos na ko sa 3rd year college. One year nalang pala, salamat naman.

Sa bawat araw na dumadaan hindi padin nawawala sa isip ko kung bakit ba pinili ni Kez ang showbiz kaysa sa basketball pero still, pinipilit kong intindihan sya. Hindi naman pwedeng mag-away kami lagi dahil lang doon, He choose showbiz and I promised him na susuportahan ko sya kasi ako ang number 1 fan nya.

May mga araw na hindi kami nagu-usap dahil sobrang busy nya at may mga araw naman na lagi kaming magkasamang dalawa lalo na kapag may occassion yung mga pamilya namin.

Madalas ko silang nakikitang mag-kausap ni Papa at masaya ako na sobrang naging close silang dalawa, si Kez na kasi talaga ang nakikita ko sa future kaya naman hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakali man na hindi sya gusto ng pamilya ko o hindi ako gusto ng pamilya nya para sa kanya.

But I'm so lucky kasi surely kapag kinasal kami ni Kez, I also marry into a family who loves me as much as they love their son.

Nandito ako sa mall ngayon para bumili ng pan-regalo kay Kez, Anniversary na kasi namin bukas at balak kong mag-handa mamaya para salubungin namin yun pareho. It deserves to be celebrated kasi weve been through a lot. Ang dami naming pinaga-awayang dalawa pero at the end of the day pinipilit padin naming ayusin yun kasi ganun naman daw talaga sa isang relasyon at isa pa hindi ko kayang mawala sya sa buhay ko dahil lang toxic ako.

"Uy, narinig mo ba? Si Kez daw at Hailey daw nagli-live-in na?" Dinig kong sabi ng isang babae sa kabilang stall habang namimili ako ng damit sa may department store kaya naman automatic na sinilip ko sila.

"Talaga? paano mo naman nalaman?" Tanong ng kasama nya sa kanya. Sobrang nag-click kasi talaga ang love team nila Kez at Hailey kaya naman hindi talaga sila binitawan ng management nila.

Ang dami na nilang nagawang projects pati endorsementstogether pero nakuha ko nadin na hindi mag-selos sa kanya kasi sinabi naman ni Kez sakin na wala lang yun at trabaho lang atsaka at the end of the day naman sinisigurado nya na ako yung nakakausap nya o nakakasama nya

"Nakita ko sa story ni Hailey, ang sweet nga nila e.. tapos sinabi pa ni Hailey na si Kez daw nag-alaga sa kanya noong nagkasakit sya." Sagot naman ng babae, hindi ko alam kung bakit imbes na lumayo sa kanila ay mas pinili kong mag-stay doon para marinig ko lahat nang sasabihin nya about kay Kez at Hailey.

Maniniwala ba ako doon o hindi? I keep on telling myself na dapat mag-tiwala ako kay Kez kasi yun naman ang sinabi nya, kaya nga hindi nalang din talaga ako nagso-social media nang madalas at tinututok ko nalang ang sarili ko sa paga-aral. Yun din ang sinabi ko kila Nica at Melanie na incase may mabasa man sila na ano about kay Kez, wag nalang nilang sabihin sakin kasi madali akong maniwala sa mga nababasa or naririnig ko kahit na hindi naman dapat ganun. Dapat tanungin ko si Kez ng diretso para malaman ko.

I just settled with two shirt na tingin ko kakasya naman sa kanya, hindi ko alam kung ma-appreciate nya 'to pero sana.. kasi yung ibang T-shirt nya halos ako na nagsusuot pantulog. Sobrang kumportable ko nang suotin yung mga damit nya lalo na kapag wala sya. Wala akong katabi matulog pero kapag suot ko yun, pakiramdam ko kasama ko padin sya.

Bumili nadin ako ng cake at pinalagyan yun ng dedication na 'Happy 2nd Anniversary" Sobrang bilis lang, parang dumaan lang ang mga araw at alam ko na sa mga susunod na taon pa, mas madami pang pag-subok ang pagdadaanan naming dalawa.

Pagdating ko sa apartment ko, agad kong inayos ang mga pang-decor ko sa pader ng kama ko. I wanted to surprise him, sinabi nya naman na wala syang schedule ngayon kaya sure na pupunta sya dito bago mag alas-dose para salubungin namin ng sabay ang anniversary namin. May sasabihin din daw kasi sya kaya naman excited kong inayos yung mga hinanda ko and after that, pinicturan ko iyon para remembrance.

This Confusing Feeling [Completed]Where stories live. Discover now