CHAPTER 41

154 2 0
                                    

"Gusto mong mamasyal?" Sabi sa'kin ni Marco nang matapos siya makipag-usap sa telepono.

"Ah sige, sino nga pala 'yong tumawag?" Umupo siya sa tabi ko sa may paanan ng kama at hinalikan ang aking sentido.

"Si Wallace," tipid niyang sagot.

"Ah o-okay, m-magbihis ka na kaya h-hindi ka ba nilalamig?" Nauutal kong wika sa kan'ya, ang lamig dito sa k'warto pero pinagpapawisan ako, masyado naman kasing nakakadistract 'yong katawan niy. Ang abs diyos ko! Para siyang model ng bench sa itsura niya ngayon. Hindi mapaghahalataang doctor. Parang ayoko nang lumabas ng k'warto ngayon gusto ko siyang yakapin na lang buong magdamag. Napatapik naman ako sa aking mga naiisip feeling ko minamanyak ko si Doctor Marco.

"Why? Masakit ba ulo mo?" Napatingin naman ako sa kan'ya na halatang nag-aalala. Bumuntong hininga muna ako saka nagsalita.

"Puwede ba Doctor Marco magbihis ka naman" mas lalo pa siyang lumapit sa mukha ko na halatang inaasar lang ako.

"Why?" Nakangisi niyang tanong.

"E kasi nakakadistract eh! Naiilang kaya ako!" Pag-amin ko sa kan'ya sabay tayo ko sa pagkakaupo. Hinila naman niya ang isang braso ko kaya napaupo ako sa kan'yang kandungan.

"Doc Marco!" Tili ko. Niyakap naman niya ako nang mahigpit at sinubsob ang mukha niya sa aking leeg. Ramdam ko naman sa aking pang-upo ang kanyang mahaba. Hindi ko alam kung gaano 'yon kalaki pero nasisiguro kong malaki 'yon. Napakagat labi na lang ako.

"Let me hug you like this for five minutes," paos niyang wika. Hinayaan ko na lang siya at niyakap din siya nang mahigpit.

Pumunta kami ni Doc Marco sa ibat-ibang p'wedeng pasyalan sa Cebu. Mamamangha ka sa ganda ng lugar dito sa Cebu, nag-enjoy naman akong kasama siya. Ito ang kauna-unahang araw na nakasama ko siya ng ganito katagal. Huli kaming nagpunta sa SM City Cebu do'n na lang kami nagpasyang kumain ng hapunan bago bumalik ng hotel. Pagkapasok namin sa loob mismo ng mall ay pinagtitinginan na kami, lalo na ang mga kababaihan. Hindi na 'ko magtataka sa g'wapo ba naman ni Doctor Marco sinong hindi magkakagusto sa kan'ya? Tatanggalin ko sana 'yong kamay ko sa pagkakahawak niya nang pigilan niya 'ko. At mas lalo niya pa Itong hinigpitan kaya napatingala ako sa kan'ya.

"Bakit?" Tanong niya habang naglalakad kami at naghahanap ng makakainan.

"W-wala naman"

"Ang g'wapo dili"

"Guwapa pud ang babae"

"Wala bay uyab ang lalaki?"

"Dili ba kana si Doktor Marco?"

"Ngano nga ang kauban niya lahi man?"

Mga iba't-ibang salitang naririnig ko habang nakatingin sila sa'min na hindi ko naman maintindihan kaya hindi ko na lang din pinansin. Pumasok kami sa isang resto at pumwesto sa pinaka dulo. Tinawag na niya 'yong waiter para umorder, siya na lang ang pinag- order ko ng pagkain namin. Magkatabi kami ng upuan at nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko kapag wala ng laman. Halos hindi ko naman malunok maigi ang kinakain ko dahil sa sobrang lapit namin at ang isang braso pa nito ay nakasandal sa upuan ko na parang nakaakbay sa'kin.

"Ang sarap nitong pasta nila dito," sabi ko para kahit papano mawala 'yong pagkailang ko sa kan'ya.

"Kumain ka lang para sa'yo talaga 'yan," tumingin naman ako sa kan'ya saka ngumiti.

"Para kang bata kumain." Pinunasan naman niya 'yong gilid ng bibig ko gamit ang hinlalaki niya at sinubo niya ito na siyang kinagulat ko.

"Ano ka ba galing na sa bibig ko 'yan eh, hinampas ko naman siya nang mahina sa kan'yang dibdib.

I LOVE YOU DOCTOR (SELF PUBLISHED UNDER KPUB PH)Where stories live. Discover now