CHAPTER 21- Spain

1.4K 67 7
                                    

DEDICATED TO: MARIAELLAGEROBIN and MelanieStacyMariano

HEAVEN

Ngayon ang araw ng alis namin. Nakapag impake na kaming lahat. Si Tim? Dito natulog. Kasi syempre maaga ang alis namin. Maya maya pa ay tinawag na kami ni tata Mario, siya kasi ang maghahatid sa amin sa airport. Habang nasa byahe ay may kanya kanya kaming ginagawa. Si kuya Wind? Ayon nasa back seat ka vc si ate Cassidy. Si ate Ella? Tulog. Si kuya Earth? Parang may hinahalungkat sa phone niya. Balita ko nakahanap na daw ng bagong sekretarya, kaya siguro naghahabilin ng mga gagawin. While si Timothy? Malayo ang tingin. Malalim ang isip, teka? Kanta yun diba?

"Malapit na tayo sa Airport. Mag iingat kayo doon ha ikamusta niyo ako sa mga bata," saad ni tata Mario kaya ginising ko na si ate.

Nag inat inat naman si ate at kinusot kusot ang mata. Habang ang mga ibang kasama namin ay nag ayos na ng upo.

Ilang minuto lang ay narating na namin ang Airport. Nagpaalam na kami kay tata Mario at pumasok na sa loob.

"Private airport?" Tanong ni Tim tango lang ang isinagot ko.

"Our family owns this. Buti nga hindi nakuha ng tatay mo eh," May pang iinsulto sa tono ni ate Ella

"Ella!" sita ni kuya Wind kaya nanahimik na si ate.

"Welcome young ladies, young masters and?..."

"He is Timothy," si ate ang sumagot.

Tumango lang si Light, oo guys si Light ang aming piloto.

Sana all diba.

Pumasok na kami sa loob at dumiretso sa eroplano. Pagkarating namin sa eroplano ay nagkanya kanya na kami ng upo. Walang pakialamanan. As usual walang kibuan. Trip ko ring hindi kumibo kaya matutulog nalang muna ako. Mahaba haba pa naman ang byahe eh.

EARTH

Its my first time na pumunta ng Spain. Wala eh tamad ako sa gala. Hindi naman ako kagaya ni Ella na gala. Kasalukuyan akong nag ce-cellphone. And oh I got my new secretary. May pagkataklisa pero Okay na rin naman since mukhang mapagkakatiwalaan.

Tinatamad na akong mag chat kaya tinawagan ko nalang since hindi pa umaalis ang eroplano kaya may signal pa.

"Miss Faustino I hope magagawa mo lahat ng inihabilin ko," saad ko pagkasagot niya ng tawag.

["Sir naman, hindi pa nga kayo mamamatay may habilin na?"] pamimilosopo niya.

See? Oa right. But atleast hindi tanga.

"Just do what I told you to do. Ang daldal mo," masungit na saway ko.

["Malamang sir nakakapagsalita eh. Magulat kayo kung pipi tapos magsasalita,"] another one.

Anak ng..... pwede magpalit ulit? Maaga yata akong tatanda dito eh.

"Wtf Miss Faustino!!!" Hindi ko na napigilang sumigaw kaya napalingon sakin si Wind na parang nagtataka. Hindi ko siya pinansin at pinatay nalang ang tawag. Sarap manapak!

Maya maya pa ay nag umpisa ng mag take off ang eroplano kaya inayos ko nalang ang sarili ko. Napansin kong wala si Ella. For sure kasama ito ng loverboy niya sa cockpit. Edi sana all may love life. Si Heaven kaya? Will she forgive Timothy? Since wala naman pala itong kasalanan at biktima lang din ito ng kasamaan at kasakiman ng ama niya.

WIND

Since wala akong taping at pictorials ay sumama narin ako ng Spain. I want to see my pamangkins eh. I want to bring Cassidy with us sana pero she insisted na wag sumama. Its a family affair daw eh. She wants na magkaroon din daw kami ng time naming pamilya since magka ayos na kaming lahat. Well, she will soon gonna be part of our family. I don't see myself being with any other woman but only Cassidy.

My Cassidy.

"Wind, would you mind if I ask you something?" That was kuya Earth. Hindi ko napansin na wala na pala itong ginagawa.

"What is it kuya?" tanong ko.

"If there is any chance na patawarin ni Heaven si Timothy? Papayag ka ba na maging parti siya ng pamilya natin?" Nag aalalang tanong niya.

"Kung ako ang tatanungin kuya? Hindi ako papayag. Siguro kung hindi ko nalaman yung side niya. Pero hindi ba at biktima lang din siya? And our pamangkins deserve to have a father. Kaya wala naman tayong karapatan na ipagkait ito sa kanila. But, the decision is still up to Heaven. Kasi siya ang lubos na nasaktan at nahirapan. Kumbaga sa pelikula, siya ang bida," sagot ko.

Tango lang ang isinagot ni kuya at ibinaling ang tingin kay Heaven na natutulog sa tabi ni Timothy na nasa bintana ang tingin. Hope that our sister will have her own happy ending. Just like how every movies had.

ELLA

Ilang oras nalang ay makakasama ko na ang anak ko. Sa subrang excited ay parang hindi ako inaantok. Panay lang ng tingin ko sa wrist watch ko.

"Excited my lady?" Nilingon ko si Light ng magsalita siya.

Nakangiti naman akong tumango. "I really miss our son, Light. I want to hug him na."

"In just a few hours we will be together you, me and our Inigou," sambit niya na ikinatango ko.

"Thank you," saad ko na ikinataka niya.

Sinulyapan niya ako saglit bago ini-on ang auto pilot. "For what?"

"For coming into my life, for giving me reasons to live. And most of all for giving me Lightous Inigou Buenafe Quevedo." sambit ko at ngumiti.

Imbes na sumagot ay lumapit ito sa akin at iniangat ang baba ko gamit ang kamay niya at hinalikan sa labi ko. Agad ko naman itong tinugunan.

Ako rin ang humiwalay sa halik mahirap na. Baka saan pa mapunta.

Hinalikan niya ako sa noo at bumalik na sa pilot seat.

Having Light and Inigou is one of the precious blessing that I received from GOD. Handa akong gawin ang lahat just to make them safe. Lahat gagawin ko para sa pamilya ko. Para sa mga kapatid ko at lalong lalo na para sa kakambal ko.

HEAVEN

Makalipas ang ilang oras ay naramdaman ko na ang pag landing ng eroplano kaya napadilat ako. Agad kong napansin ang tulog na Timothy na nakasandal sa balikat ko. Napa titig ako sa mukha niya.

"Kung hindi ka ba kinontrol ng ama mo noon, hanggang ngayon ay tayo parin ba? Sabi mo nga diba. Mahal mo ako, hays.. bakit ang hirap," bulong ko. Tulog naman siya kaya paniguradong hindi niya naririnig.

"Allow me to prove you that I love you please," nagulat ako ng magsalita siya.

Ay g*go? Gising? Na scam ako ah.

WHEN HEAVEN and HELL COLLIDE (BSS 1)- [COMPLETED]Where stories live. Discover now