Kabanata 7

128 7 0
                                    

Kinaumagahan...

Binuksan ko ang aking bintana natatanaw ko ang mga tao sa labas na di magkandamayaw sa pagka-abala.

Ngayon nga pala ang tinutukoy nila na pagpupugay ni gregorio bilang komandanteng heneral pero di ko naman enixpect na ganito pala kagarbo ang pagtatalaga niya aakalain mo talga na parang pyesta ng buong bayan.

Maganda ang sinag ng araw mabuti naman at hindi uulan ang pinakaayaw ko talaga sa lahat ay umuulan lalo na't may ganitong handaan.

Nagbihis na ako para tumulong maghanda sa kusina, hindi kasi ako sanay na taong bahay lang lalo na sa present time ko ay sanay ako sa trabaho para kasing sasakit ang katawan ko pagwala akong ginagawa.

Pagdating ko sa kusina, lahat sila ay abala sa pagluluto napansin ko na wala man lang sila hindandang dessert ang boring ng pagkain pag walang sweets. Kaya napagdesisyonan ko na pumunta sa bayan kasama si nenita upang bumili ng mga sangkap.

Plano ko sana magluto ng Fruit salad at spaghetti.



Tiyak na hindi pa nila natitikman ang mga iyan. Ako yata ang kauna-unahang babae ang magluluto ng dessert sa panahong ito.

Ang alam ko kasi umusbong lang ang dessert matapos ang pananakop ng Amerikano.

Nakauwi na ako galing sa bayan, nakabili naman ako ng kailanganin kong sangkap. Mabuti nalang at maraming harina ang tinda magmamasa pa kasi ako upang gumawa ng pasta hindi pa uso ang pasta sa panahong ito.

Sinimulan ko mg magluto sa kusina kasama ko nga pala si Nenita nandito rin si Remidios natalaga kasi ng kanyang ama na paglutoan si Gregorio bilang kasintahan niya.


"Hindi ko alam nagluluto ka pala"Remedios

" Maraming kang hindi alam tungkol sa akin binibini"sagot ko sa kanya habang abala sa pagmamasa ng harina.

"Ganon ba? Wala rin naman akong balak alamin" sarcastic niyang sabi.

Nginitian ko na lamang siya dahil busy ako dito at wala akong panahon makipagbardagulan minamasa ko ang harina para sa paggawa ng pasta habang si Nenita namn ay inutusan ko na magbalat ng mga prutas para pagkatpos ko rito ay magmimix na lang ako mamaya ng mga sangkap.


"Ilang pinya po ba ang babalatan ko binibini?"


"Ubusin mo na walang ititira na prutas, marami tayong bisita dapat lahat makakatikim" tiyak akong hindi pa nila natitikman ang mga ito. Mababaliw sila sa sobrang sarap mg lulutuin ko.

Natapos na rin namin ang paghahanda sa kusina nagbihis na rin kami ni Nenita para makicelebrate sa labas napadungaw ako sa bintana lahat kasi ng tao naghihiyawan

saktong pagdungaw ko ay ang pagtingin rin dito sa taas ni Gregorio na nakasakay sa kanyang kabayo at  nagkasalubong ng mabilis ang mga mata namin pero agad naman ako tumgin sa ibang direction sa tuwing naalala ko ang mga pangyayari kagabi.


"Center of attraction ang peg!  Edi wow sana all"kausap ko sa aking sarili.



Bagong bayani bagong pag-asa!


Mabuhay! Ang batang heneral!

Napahawak ako sa aking noo. Grabi naman sila kong makaidolise kay Gregorio. Bayani nga siya Oo, pero Hindi siya dios mayghhhaad!

1898: As time goes back (UNTOLD STORY)Where stories live. Discover now