r e d

12 1 0
                                    

Red likes to observe people from the way they treat people, appearance especially expressions. She always found herself wondering if people is having a hard time while enjoying at the same time. It must be hard to feel confused in some ways, a conflict between yourself and brain.

But one thing for sure there is this someone who makes her feel like that. A certain someone that she can’t read well although she can’t stand her own self most of the times. Muli niyang naramdaman na nawawala na naman siya sa reyalidad kakausap sa sarili kaya naman ito ay umiling-iling. Walang siyang pake kung tignan siya ng mga kasama niya because that’s her way to reflect her actions. She’s analyzing herself.

Sinasabi ng iba na madali siyang basahin na parang libro na kahit anong oras ay kaya mong ilipat ng pahina pero hindi, pinapakita niya lang ang kung sino siya sa paningin ng tao na kilala siya sa ganoong personalidad at paraan. She hides her flaws and feelings. Ayaw niyang ipahayag ito sa iba dahil masyado siyang magulo sa loob para intindihin ng simpleng tao.

Kung may makikinig man ay syempre unang papasok sa isipan niya na masyadong mababaw ang rason niya para sa sapat na dahilang isara ang sarili sa mga taong nakaka salamuha niya.

“Red, ayos ka lang?” Tanong ng kaniyang kaibigan na si Ryle, si Ryle na matagal na niyang kaibigan pero hindi gaano kalalim ang koneksyon niya sakaniya kahit matagal na silang mag talik na mag kaibigan. Sinasabi man nito na laging siyang nariyan para sakaniya pero hindi niya makita ang sarili na tumatakbo dito. Mas gusto niya talagang sinasarili ang problema at emosyon na dinadala araw-araw.

Ngumiti naman si Red sa kaniyang kaibigan bago sumagot, “Okay lang ako. Tapos na ba kayo kumain?” Tumango naman si Ryle pero ito ay naka tingin pa rin sakaniya. Naiilang man ay umiwas na lamang siya ng tingin, ramdam niya ang pagka init ng pisngi niya kasi naman ay nakaka paso ang titig ni Ryle. Kung sa tatanungin ay si Ryle ang object of affection ni Red, kaso masyado siyang indenial na baka panandaliang crush lang si Ryle.

“May dumi ba sa mukha ko?” Taka niyang tanong sa kaibigan ngunit iling lang ang sagot nito sakaniya, minsan ganito si Ryle sakaniya tipong binabasa siya nang maigi sa kaloob-looban kahit na wala itong makukuha na sagot. Magaling si Red mag tago nang emosyon niya dahil ayaw niya talagang may nakaka kilala sakaniya sa level ng pati personal na bagay o damdamin ay sinasabi.

Maya’y maya tumayo na si Ryle at ang iba niyang kaibigan, inilahad nito ang kaniyang kamay kay Red na nag tataka pero tinanggap din naman agad. Napapa isip na si Red na minsan siguro ay nababasa siya ni Ryle sa mga oras na naka-tingin siya sa ibang tao o kaya naman ay sa tuwing naka-tulala. Nahuhuli niya kasi itong naka titig sakaniya kapag sumasagi ng tingin ang mga mata niya.

Tahimik lang silang nag lalakad habang nag iingay naman ang kasama nila. Sa simpleng bagay ay napapa isip na agad siya, usually naman ay hindi niya nalang iniisip ang mga ganitong bagay.
“Ano iniisip mo, Pula?” Bahagya naman siyang natawa sa tawag sakaniya ng kaibigan. Paano ba naman ay kanina pa silang tahimik na nag lalakad. Parang may lamay lang.

She puffed her cheeks “Wala naman, ikaw ba?” Binato niya lang ulit ang tanong kay Ryle napa ngiti nga din ito at umiling na lamang kay Red. Pero hindi malalagpasan ang pagka pula ng tenga nito. Halatang hindi niya inaasahan ang pabalik na tanong nito.

Nang maka labas sila sa mall ay nag paalam na ang iba nilang kasama habang silang dalawa na lamang ang natira. Mag kahawak pa rin ang kanilang kamay, parang ayaw na ngang mag bitaw ng dalawa.

“Tara samin? Wala naman sila mama sa bahay.” Pag aaya ni Ryle, iniisip pa ni Red kung sasama ba siya dito kasi takot siyang umuwi ng gabi gawa ng sermon ng kaniyang ate. Silang dalawa nalang kasi ng ate niya ang mag kasama habang nasa probinsya naman ang kanilang magulang, kinuha siya nito nung nag aaral na siya sa high school hanggang sa college. Sa high school niya nakilala si Ryle at ang iba pa niyang kaibigan pero etong isa lang talaga ang lagi niyang kasama araw-araw kahit mag kaiba ang course na kanilang tinahak.

august: about herWhere stories live. Discover now