66

144 9 1
                                    

"Lola ko pala siya... Kaya pala ang dami niyang alam kay Mama," pagkukuwento niya.

Nasa labas lang ako ng restaurant kanina kaya hindi ko narinig ang pinag-uusapan nila.

At ngayon na kinukuwento niya sa akin lahat, kahit ako rin nagulat sa mga sinabi ng Lola niya.

"Are you happy?" I asked.

Tumango siya na may ngiti sa labi. "Ang gaan-gaan na ng pakiramdam ko, Russel. Salamat. Sobrang salamat. Kung hindi dahil sa 'yo, hindi ko malalaman 'to lahat so thank you,"

"You're welcome." I replied. "Nasa'n na pala 'yong Mama mo?"

"Rehab. Dadalawin ko siya soon pero babalik muna ako ng Manila. Kailangan ko makausap si Papa,"

Napatango na lang ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ba no'n aalis na siya?

"Kailan ang alis mo?"

She took a deep breath before she spoke. "Sa makalawa,"

"Hatid kita."

"Vigan to Manila? Tapos balik ka ulit Vigan?" she laughed. "Seryoso ka ba?"

"Oo. Seryoso ako,"

Natigil siya sa pagtawa nang sabihin ko 'yon. Alam ko namang hassle 'tong gagawin ko pero okay lang. Siya naman ihahatid, e.

Tang ina, anong nangyayari sa 'kin?

•••

Somewhere in ViganWhere stories live. Discover now