Chapter 28

34.2K 745 208
                                    

R-18! Read at your own risk.



Pasado alas onse na nang makalabas akong operating room at tubig agad ang ininom ko. Pagod man ay kailangan kong kumain ng hapunan, not for me but for my baby. It doesn't mean that I choose the operation more than to rest ay wala na akong paki sa batang nasa tiyan ko. I am really sorry, baby. Mommy has to save another life. Agad akong dumiretso sa parking, siguro ay mag dradrivethru na lamang ako dahil panigurado na tulog na sila Manang para abalahin ko pa na ipagluto ako ng makakain.



Nagtaka naman ako ng abutan ko si Manong Isko sa tabi ng kotse ko at nakasandal sa kotse na minamaneho nito. "Manong?" tawag pansin ko dito, nahiya naman ako dito dahil mukhang kanina pa niya ako inaantay.



"Oh, iha. Andyan ka na pala." Agad akong nginitian nito at pinagbuksan pa ng pinto.



"Sana po ay hindi na kayo nag antay, nakakahiya po." Aniya ko ng makapasok ng sasakyan.



Natatawa naman akong tiningnan nito at inistart ang sasakyan. "Nako iha, trabaho ko ito at masaya akong isipin na makakauwi ka ng ligtas." I bit my lower lip to stop myself from being too emotional.



Pregnancy hormones lang ito, Hemera. Paalala ko sa sarili ko dahil nagiging emotional ako.



Isinandal ko naman ang ulo ko at pumikit ng bahagya bago sunod sunod na humikab dahil sa pagod. Gusto ko nang matulog pero kailangan magkalaman ang tiyan ko at uminom ng gatas. Kinusot ko ang mata ko dahil tuluyan na itong bumabagsak sa dahil sa antok.



Nagising ako sa tapik ni Manang, "Iha, halika na." Paanyaya nito sa akin at siya na mismo ang nagtanggal ng seatbelt ko. Sumunod naman ako dito kahit halos pikit pa ang mata ko. Pumunta kami sa kusina at pinaghain niya ako ng pagkain kasama ang gatas na lagi kong iniinom bago matulog.



Wala akong ganang kumain dahil gustong gusto ko na talagang matulog pero kailangan. I forcefully eat, pinapaalala ko sa sarili ko na hindi ako ang nagugutom kundi ang baby na nabuo sa tiyan ko, for my child.



Nang matapos kumain ay nagpasalamat ako ng marami kay Manang at Manong Isko dahil sa abala. Dumiretso naman ako sa kwarto namin at agad bumigat ang dibdib ko ng makitang wala doon si Dylan. Dumiretso ako sa banyo at mabilis na nagtoothbrush at nagpalit ng damit pantulog.



Naagaw naman ng atensyon ko ang phone ko ng makita ang tadtad na text at call ni Dylan kanina. Guilt easily invaded my nerves. Nakalimutan ko itong bitbitin kanina sa pagmamadali. Malalim na buntong hininga ang binitawan ko at humiga na sa kama. Halos sabunutan ko ang sarili ko ng hindi ako makatulog, ilang oras ko ng pinipilit pero hindi talaga ako tinatablan ng antok. Wala din si Dylan, chinat ko ito at sinubukang tawagan pero kinabahan ako kaya tinext ko na lamang siya na nakauwi na ako. Hindi ko na tinanong ito kung nasaan dahil baka nagpapalamig lang ng ulo iyon at ayaw pa akong makausap.

HEMERA (Obsession Series #1)Where stories live. Discover now