ihu, ilu : sc 01

40 3 0
                                    

"Inhale 1,2,3, exhale. Now, slowly close your eyes and loosen your arms. Release all your worries to the ground. Now is the time to praise yourself for all the efforts and hardships you've given for the past days and weeks."


I almost slept on the floor while doing yoga. Ngayong bakasyon kasi ay halos pag-aayos ng bahay at mga gamit ang inaasikaso ko, decluttering ba.


After a few minutes ay nag shower na ko para makakain na ko ng dinner after at syempre, mag netflix!


While I was in the shower ay biglang tumutunog ung phone ko. Halos may sabon sabon pa ung mata ko dahil nag shashampoo ako. I quickly rinsed my hair pero napaka hirap tanggalin nung bula sa ulo ko, napadami ata ako ng lagay ng shampoo.


I quickly wrapped myself with a towel and rapidly went to my bed kung nasaan ang phone ko. Si mommy kaya to?


Pag open ko ay halos malaglag ang twalyang nakabalot sa katawan ko dahil sa gulat. I even wiped my eyes kasi baka dala lang to ng sabon, pero hindi mali ang nakikita ko.


It's fucking Sidero!


Bakit siya tumatawag at nagtetext sakin? Lasing ba siya? Pero ang aga pa ha? Also, maayos siya mag type ngayon compare sa mga texts niya sakin dati sa last drunk text niya.


Nagulat ako nung nag ring nanaman ang phone ko at tumatawag nanaman siya. Thank God nasa tapat ako ng kama kung hindi diretso sa sahig ang phone ko.


I haven't talk to him for like days, weeks. We have been awkward since then, hindi pa maganda ang last naming pag-uusap dahil iyon ay nung panahong babalik na ko sa Manila at hindi ko agad sinabi sakanya.


Nag reply ako sakanya na kunyare'y hindi ako kinakabahan. Pero mas lalo ata akong nanginig nung sinabi niyang tumingin ako sa gate namin. Dali-dali akong sumilip sa bintana ng kwarto ko para tignan kung ano ang sinasabi niya.


And goddamnit! Naroon siya sa tapat ng gate, naghihintay, nakasuot ng simpleng black shirt at jeans! Anong ginagawa niya dito?! Paano siya napunta rito?!


Tinext at tinawagan ko agad si Sophie para manghingi ng tulong, hindi na ko mapakali. Pero ang gaga sabi lang sakin eh harapin ko raw siya?! Eh parang hindi ko naman kaya yon!


Pero dahil nagsisimula ng dumilim sa labas ay nagbihis na lang ako kaagad at nagsuklay. Wala na kong time mag patuyo ng buhok kaya hinayaan ko na lang. Nagpulbo na lang din ako at nag lagay ng konting liptint.


Para akong nanginginig na bumaba ng hagdan. Mga ilang beses din akong nag stay sa harap ng main door dahil ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko. When I finally had that smallest courage ay dumiretso na ko sa gate at binuksan ito.


Bigla siyang napa angat ng ulo galing sa pagkakayuko nito. Nakita kong nagulat siya pagkakita sakin pero parang nakahinga rin ng maluwag dahil siguro kanina pa siya naghihintay dito.


"Sid...anong...ginagawa mo dito?" nakita kong binasa niya ang mga labi niya gamit ang dila niya bago magsalita.


"Uhh...gusto sana kitang makausap?"


"Tungkol saan? At...bakit ka pumunta pa rito?"


"Tungkol satin..." I know at the back of my mind that he's going to say that pero nagulat pa din ako.


"I don't want to pressure you if it's not okay. Okay lang kung uuwi na lang ako. It's just...I'm shooting my luck. Baka lang kasi, pwede na..."


i hate u, i love u.Where stories live. Discover now