Nag Paubaya na AKO

224 8 0
                                    

Hindi ko alam kailan ako nag-kagusto sa kaniya, since nung nakilala ko ata siya meron na akong big crush sa kaniya. Atenistang atenista 'di ba, one big fight to get him. Siya na naging tibok ng puso ko, my bestfriend, Dave Ildefonso.

I have no idea if he knows, something about what I feel for him. That I like him!

Hindi nga ako sigurado kung one big crush nga lang ba ito o mahal ko na talaga siya. Sobrang hulog na hulog na ata ako kay Dave eh.

Pero halata naman na hanggang ngayon ay kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Kasi sa tuwing kasama ko siya bukang bibig niya lagi yung babaeng nililigawan niya.

Hindi mapagkakaila ang kagandahan nung babae kahit ako na bestfriend, ako na sumasalo sa mga up's and down's ng buhay niya, ay hindi ako magiging sapat sa kaniya dahil gusto niya iyon eh.

Kasi si Kaila Dy yung hahanap hanapin niya at hindi ako.

As Dave's bestfriend I was always there for him no matter what, even with my busy schedule. Hindi ko na nga alam saan ako nag kulang, dahil alam ko sa sarili ko na ginawa ko na ang lahat para mapansin niya ako na may gusto ako sa kaniya.

Ang kaso manhid na nga bulag pa siya. Tulad ngayon kami mag kasama inaya niya pa si Kaila for a 'hangout'. Hindi niya ba naisip na ayaw ko makipag hangout sa babaeng nililigawan niya? Mas naramdaman ko na third-wheel ako sa ginawa niyang iyon.

Nasa Starbucks kasi kami nung tinawagan niya si Kaila para nga mag hangout, agad din naman dumating si Kaila na parang gusto rin yung idea ni Dave.

So nag order na ngayon si Dave sa may counter, habang ako katabi ni Kaila na hindi umiimik.

"So how's Dave as a best friend?" Tanong sa akin ni Kaila na binigyan ko ng pilit na ngiti. "He is a good friend naman, always there for you when you need him." Sagot ko sa tanong niya na maka-totohanan.

Even though Dave have some flaws, hindi mawawala ang angas at kapogian niya sa mga flaws niyang yun. Kaya siguro baliw na baliw ako sa kaniya.

"Do you like him?" Tanong niya ulit sa akin habang nakatingin kay Dave na nag order pa rin ng coffee rito sa Starbucks. "Why?" Pabalik kong tanong na may halong gulat.

"They told me kasi na if a guy has a girl best friend the girl always have a feelings for him." Pag papaliwanag niya na naintindihan ko kaagad. Dahil totoo, based on experience na rin siguro. "No don't worry, wag ka mag papaniwala sa mga sabi sabing yun. I don't like him parang kapatid lang tingin ko diyan sa lalaki na iyan. PLATONIC!!" Pag sasalita ko sa kaniya na mukhang bumenta naman. Kahit na nag sinungaling ako sa nararamdaman ko as long as piliin na rin siya ni Kaila, I guess I will be happy for them. I guess okay lang mag paubaya. Dahil wala na rin ako magagawa kung sila naman ang tinadhana para sa isa't isa. Mahirap labanan yun!

Ang galing ko mag sinungaling sa nararamdaman ko sana ganito rin ako kagaling umamin 'di ba. Bumalik agad si Dave na may bitbit na three cups of drinks, one caramel macchiato, and two iced caramel americano. Pinag kaiba ay may whipped cream yung kay Kaila yung sa amin ni Dave wala.

I took a sip of my drink and looking at them smiling at each other. Hindi ko alam ano ang meron sa akin at naiinis ako sa mga tinginan nilang yan. Napatayo na lang ako nung nag lalapit na ang mga labi nila. "Punta lang ako restroom." Pag sasalita ko at umalis na, dahil kung mag hahalikan sila ayaw ko makita iyon dahil hindi kakayanin ng puso ko. Na makita makipag halikan si Dave kay Kaila.

Pero hindi ako nag lakad papuntang cr dahil nag lakad ako palabas na ng Starbucks. Hindi ko alam na sinusundan na pala ako ni Dave kaya niya ako pinigilan. "Saan ka pupunta?" Pag tataka niyang tanong sa akin na binigyan ko ng mapait na ngiti.

"Obvious ba? Syempre aalis na." Sabi ko sa kaniya na inalis ang kamay na nakahawak sa pala-pulsuhan ko. "Huy ano ba problema mo?" Tanong niya ulit na hinahabol pa rin ako.

"Wow thanks for asking that question." Nag taka naman siya nung sinabi ko yun. "Ang problema ko Dave ay ikaw."

"Ako? Bakit ako? Ano ba ginawa ko sa iyo?" Tanong niya na wala talagang idea sa lahat ng nangyayari. "Oo Dave ikaw, may nararamdaman ako para sa iyo Dave. Hindi mo ba napapansin yun?"

"Ang manhid mo nga talaga." Commento ko sa kaniya

"Naririnig mo ba yung sinasabi mo Irene? Bestfriend kita." Pag sasalita ni Dave sa akin na napatawa ako. "Oo Dave bestfriend mo ako, pero may nararamdaman din ako. I don't just see you as my bestfriend but as a man, the man who I want to love, the man who I want to notice me as a woman not just as his bestfriend."

Natulala siya sa sinabi ko at tumingin sa may Starbucks na kung saan si Kaila lumabas at sa tingin ko narinig ang lahat ng sinabi ko. "If siya talaga Dave, Paano naman ako? Nag hihintay ako na mapansin mo, my efforts, my time. Wala lang ba iyon sa iyo, hanggang kaibigan lang ba talaga tayo?"

Hindi ko alam paano ako nag-karon ng lakas ng loob sabihin iyon sa kaniya. Pero nakita ko na nababaliw na siya sa kaiisip sa nangyayari. "Tell me Dave, hindi ba ako sapat para sa iyo? Kailangan mo ako, pero hindi mo ako mahal?" Tanong ko sa kaniya na hindi umiimik at nakatingin lang kay Kaila.

"Ano na bang gagawin ko Dave? I know you'll still choose her over me but here I am spilling my guts out." Nung sinabi ko iyon ay hindi na kinaya ng mata ko mag pigil ng luha. Bumuhos iyon na nakatingin pa rin sa mukha ni Dave na nakatitig lang kay Kaila.

"Alam ko na hindi ako mananalo over her, kasi siya yung gusto mo at hindi ako iyon. Hindi ko na ipipilit pa ang sarili ko sa iyo, thanks for being my friend, my bestfriend. Wag ka sana niya paluhain at sana mahalin ka rin niya tulad ng pag mamahal ko sa iyo."

"This is my way of saying my last I love you to you Dave." Nung nasabi ko na iyon ay tuluyan na ako umalis sa lugar na iyon at sumakay na ng taxi. Hindi na kinaya ng sarili ko pigilan ang sakit na nararamdaman at naiyak na lang dahil alam ko na si Kaila Dy ang pinili niya at hindi ako. At kitang-kita na si Kaila ang magiging wakas dahil pinapaubaya ko na si Dave sa kaniya. Nag paubaya na ako!

Pinapaubaya na kitaWhere stories live. Discover now