Continuation

1.8K 59 0
                                    

CONTINUATION:

Namulat ako bigla dahil sa malakas na pagbuhos ng tubig sa mukha ko.

Nang nag angat ako mukha ni Miguel ang unang bumungad sakin naramdaman ko pa ang tumutulong tubig sa noo ko pababa sa aking mata kaya medyo lumabo ang tingin ko pero yung ngisi ni Miguel malinaw na nakikita ko.

Malamig ko lang itong tiningnan. Nang tiningnan ko ang kalagayan ko ay nakagapos ako sa upuan, nasa box na metal na kulungan... ngayon hindi kuna maiitago ang takot na lumukob sa buong pagkatao ko.

Sinubukan ko ulit hawakan ang tali sa wrist ko...baka sakaling makalagan ko ang sarili ko  kahit sobrang kapal ng pisi. Nang nakita iyon ni Miguel ay humahalakhak siya na parang Demonyo.

"Napaka Demonyo mo hay*p ka! " Sigaw ko sakanya habang nalalabo na ang mga mata ko dahil sa luha. Na alala ko ang Triplets ang mga anak ko nakaka dissapoint .....kahit kailan mahina parin ako.

Marahas na hinablot niya ang braso ko.. sa sobrang higpit ng hawak nito ay siguradong magka pasa iyon, sa sobrang dilim ng tingin tingin nito sakin ay parang gustong gusto na niya akong papatayin. Ngayon totoong lumalabas na ang tunay na kulay niya..napapikit ako ng buhok ko naman ang hinablot nito pababa dahilan upang umangat ang tingin ko.

" Alam mo ba kung anong ginawa ko sa mama mo?pinatay ko siya ng dahan dahan.. nagmamakaawa siyang buhayin ko siya nakakatawa hindi ba? " Nakangising sabi nito sakin dahilan upang mag ngitngit ako sa galit.

Pilit akong gumalaw dahil gustong gusto ko siyang patayin gaya ng ginawa niya sa mama ko, pero hindi ko magawa dahil sa kalagayan ko ni hindi ko man lang siya nabigyan ng hustisya kahit nasa harap ko na ang taong pumatay sakanya. I'm really sorry mama...

" Demonyo ka! Sa sobrang sama ng ugali mo sinusunog na ni Satanas ang kaluluwa mo sa empyerno tang *na ka!!....." Bumaling ang mukha ko dahil sa malakas na sampal niya. Ramdam na ramdam ko ang palad nitong magaspang sa pisnge ko. Nalasahan ko pa ang dugo sa labi ko.

" Sabihin mo yan sa Lolo mong namayapa na ...alam mo hindi naman dapat ako mag kakaganito kundi dahil sa pamilya mo.....Mrs. Lilia Salvador hindi ba siya na ekwento ng Lolo mo sa iyo? siya lang naman ang nanay kong pinatay ng mga pamilya niyo " Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Ang mayordama dati sa mansion namin doon sa probensiya. Pero sa pagkakaalam ko b*liw ang nanay niya ni ilang beses na itong tinangkang patayin ang lolo at Lola ko.  Nakita ko pa nung bata pako na sinasaktan ang sarili nito upang ipakita sa mga taong minamaltrato siya ng pamilya ko kaya bakit siya papatayin ng pamilya ko kung siya naman ang pumatay sa sarili niya.

" Siya mismo ang pumatay sa sarili niya kaya bakit naging kasalanan yun ng pamilya ko! Huh! B*liw ang nanay mo! Kaya bakit hindi mo matanggap na siya mismo ang pumatay sa sarili niya!!" Napaigtad ako dahil sa pagputok ng baril nito sa paanan ko. Nakikita   kung ang kunot sa noo niya.

" Shut up! Shut up! SHUT UP!! " galit na galit ang mga mata nitong nakatingin sakin. Kung saan saan pa nito pinapaputok ang baril tila nagwawala ito. Lumapit si Macy rito at pilit pinapakalma. Nang kumalma ito ay bumalik ang madilim na tingin ito sakin habang hawak na naman niya ang braso ko

" Hindi siya maging b*liw kung tinupad lang ng Lolo mo ang pangako niya sa nanay ko na papakasalan niya ito...pero ano ang ginawa ng Lolo mo!..iniwan niya ang nanay ko at pinakasalan niya yung Chinese na  babaeng nakilala niya sa ibang bansa...nakakaawa ang nanay ko matagal siyang naghintay tapos ganon lang ang mangyayari!" I saw pain in his eyes. Napaigik ako dahil bumaon na ang kuko nito sa braso ko...nan nalalaki ang mga mata nitong nakatingin sakin nakikita ko dun ang sobrang poot at galit sa mga mata niya.

" Kaya nung nalaman kong namatay ang nanay ko sinisisi ko ang buong angkan niyo... Nangako ako sakanyang ipaghihiganti ko siya, sinimulan ko sa pagpatay sa nanay ng Dela Vega Triplets ang pamilya na kaibigan din ng pamilya niyo...nagbayad ako ng malaki sa isang tauhan nila upang sabihin sa kanilang ang pamilya niyo ang pumatay kay Daniela.. nakakatawa dahil naniwala agad sila gumanti agad ang mga Dela Vega..sobrang saya ko sumasang ayon talaga ang tadhana sa plano ko...hanggang naging mag ka away na ang mga pamilya niyo. Pumasok ako bilang tauhan ng Daddy mo sa katauhan ni Miguel Soliman talaga namang t*nga ang tatay mo madali agad magtiwala " napatawa ito sa huling sinabi habang sobrang sama ng tingin ko sakanya gustong gusto kong barilin siya ng ilang beses. Dinamay niya pa ang ibang pamilya niya para lang sa plano niyang Ito.

" Pero hindi ako nakuntento kung walang mamamatay sa pamilya mo.. kaya sinamahan ko sa palengke ang nanay mo pinalabas kung ina ambush kami ng Dela Vega pero ang totoo ako ang may gawa non.... sinaksak ko nang patalim ang nanay mo habang nagmamakaawa siyang buhayin ko siya...ngayon naramdaman niyo ba ang sakit ng mawalan ng ina " nakangising pinahid nito ang luha sa mga mata ko.

Nanginginig ang mga kamay ko habang wala ng tigil na umaagos ang luha sa pisnge ko. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko.

" Talaga namang mahirap kalabanin ang Dela Vega...nasisira na ang organization na matagal kong binou dahil sa kanila f*ck them! " Galit na galit na sabi nito pagkatapos nakangisi na ng bumaling ang tingin sakin. "Pero ok lang...hawak ko naman ang kahinaan nila "

" Hintayin ko nalang ang Triplets na dumating... at sabay sabay na kayong mamamatay rito " umangat ang labi nito para sa isang masamang ngisi

IN THE ARMS OF DELA VEGA TRIPLET'SWhere stories live. Discover now