Chapter 16: Sa Ilalim Ng Ulan.

122 90 1
                                    




Samantha's pov,




Nagising si Samantha dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya at dahil hindi na siya makabalik sa tulog naisipan niya na bumangon. Nakaramdam na rin kasi siya ng gutom bago siya lumabas ng kwarto inayos na muna niya ang higaan at binuksan yung kurtina saka binuksan yung bintana.

Nakaugalian ko na nga gawin to araw-araw ewan ko ba ang laki ng improvement ko natuto ako kumilos sa mga simpleng bagay lang at nakakatuwa lang na nagagawa ko iyon para sa sarili ko.

Pagkalabas ng dalaga sa silid niya sakto rin na palabas rin ang binata at halata sa mukha nito ang bagong gising. Hindi niya maintindihan ang sarili dahil naisipan niya ito lapitan.

Nagulat ang binata nang lumapit siya kaya bahagyang napaatras ito. "Bakit?" Tanong nito.

"Wala naman. Good morning." Nakangiti niyang sabi sabay walang pasabi na umalis sa harapan ng binata.

Pagkababa niya ng hagdan bumungad si Kevin na kakalabas lang ng kwarto at bagong ligo ito. Bumati ito sa kanya at nauna ng pumasok sa loob ng kusina.

Pagkapasok niya sa kusina sinalubong siya ni Yaya Bellen ng bati at inalok na maupo para kumain ng agahan. Natapos ang agahan at agad rin naman nagpaalam sa kanya sila Yaya Bella para pumunta sa farm akala niya siya lang magisa ang maiiwan sa bahay buti na lang at nagpaiwan si Matthew para samahan siya.

Kahit na kasama niya si Matt ngayon hindi pa rin siya nito pinapansin kaya iniisip niya na naiinis pa rin ito sa pangangasar sa kanya kagabi. "Tsk! Para dun lang magagalit na." Bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan si Matt nasa labas kasi sila. Siya ay nakaupo lang sa duyan habang si Matt tahimik na nagdidilig ng halaman.

Napaiwas siya ng tingin kay Matt ng aksidenteng mapatingin sa kanya ang binata. Napangisi naman ang binata dahil ramdam naman niya na pinagmamasdan siya ng dalaga. Sadyang hindi niya lang mapigilang tanungin ang sarili kung ano na nga ba ang nararamdaman niya para sa dalaga. Nitong mga nagdaang araw kasi napapadalas na palagi na silang magkasama ng dalaga simula nung pinagtanggol ni Sam ang kapatid niya sa mga nambubully rito.

Nakaramdam siya ng pagkabog ng dibdib sa tuwing nagkakatitigan sila ng dalaga at para bang may kumikiliti sa tiyan niya kapag nginingitian siya nito.

Tanghaling tapat ngayon at boring na boring na ako dito sa bahay halos wala na akong gana manood ng tv kaya naisipan ko lumabas simula kasi kanina na pagkapasok ko rito once ko lang nakita si Matt na pumasok para uminom ng tubig at hindi na nasundan yun kaya naisipan ko na silipin siya.

Pagkalabas niya ng bahay nakita niya si Matt na may kausap kahit hindi niya titigan ng matagal ay alam niya ng si Grace iyon. Bigla nagdilim ang paningin niya at nakaramdam ng pagkainis kaya padabog niya isinara yung pinto at umakyat sa itaas.

Nahiga siya sa kama at tumingin sa kisama para siyang baliw na kinakausap ang sarili kung bakit parang nakakaramdam siya ng inis sa tuwing nakikita niya si Grace na lumalapit kay Matt at para sa binata okay lang yung ganun.

"Nakakainis naman!" Bugnot na sabi ko sabay sabunot sa buhok ko. "Ano ba nangyayari sayo Sam? Para kang baliw na sinasabunutan ang sarili." Tanong ng kanyang isipan.

Huminga siya ng malalim at nahiga ulet. Hindi ko nga rin alam sa sarili ko kung bakit naiinis at nasasaktan ako. "Teka! Sinabi ko bang nasasaktan ako?!" Gulat niyang tanong sa teddy bear na hawak niya.

Rich Girl Series #1: Tame The Wealthy Brat Where stories live. Discover now