Simula

32 1 0
                                    

“Beh, kumusta ka?” tanong ng aking kaibigan na si Alexa.

“Ayos lang naman ako medyo sumasakit lang ulo ko,” matamlay kong tugon at hinawakan ko ang aking sentido dahil kumikirot ito.

“Bakit hindi ka magpa-check up?” tanong ni Alexa  ngunit umiling lamang ako.

Ilang araw na kumikirot ang ulo ko dahil na rin siguro sa halos sa pagbuhos ko ng oras sa pag-aaral. Wala rin naman ako magawa kung hindi mag-aral para sa pamilya ko at para sa ikabubuti rin nila sa akin.
Tama na iyung ganito.

“Baka kaseselpon ko 'to kaya masakit ang ulo ko,” pagsisinungaling ko at napadaing ako nang pinalo niya ako sa braso.

Masakit 'yon ah!

“Ang shunga mo kasi! Puro ka cellphone!” Aray! Sakit naman nito magsalita! Kasalanan ko ba na puro ako cellphone pero madalang na lang? Kasi nag-aaral nga ako.

Hindi naman ako puro cellphone sadyang wala na rin ako masabing kasinungalingan. Hindi kasi ako magaling mag sinungaling. Mas gugustuhin ko pa mag-aral din ng mag-aral.

“Nag-aaral ako ah,” saad ko at hinampas na naman niya ako sa braso.

Sumusubra na 'tong babaeng 'to eh!

“Aral?! Baka naman naghahanap ka ng sugar daddy r’yan sa Internet!” Kumunot ang aking noo sa kaniyang sinabi.

Pinagsasabi nito? Ako naghahanap ng??? Papa de asukal?!

“Hoy, Alexa, for you information, hindi ako palahanap ng sugar daddy na minsan ginawa mo na sa RPA mo! Nag-aaral talaga ako. Pati baka magalit sila sa akin kapag bumaba grado ko, 'di ba?” tanong ko sa kaniya at sumang-ayon naman siya.

“Oo nga pero bakit puro aral ka?” tanong ni Alexa.

“Kasi nagsisipag ako hindi katulad mo panay sulyap sa crush mo na hindi naman ikaw ang crush,” pagsasabi ko ng totoo.

Totoo naman ah, panay sulyap siya sa crush niya tinataasan pa nga siya ng kilay ng crush niya kapag nahuhuli niya si Alexa panay sulyap sa kaniya.

“Araaayyyy!” mahaba kong daing nang hinampas na naman niya ako.
Nakakainis na!

“Ang sakit mo naman!” inis niyang bulyaw sa akin kaya inis din akong tumingin sa kaniya.

“Ang sakit mo rin naman kasi humampas!” siinghal ko sa kaniya na ikinalayo niya.

   “Huwag mo ako asari-”

“Hindi kita inaasar ikaw itong humahampas sa akin na wala naman akong ginagawa sa'yo,” inis kong wika sa kaniya na nakapagputol sa sasabihin niya.

Suminghal siya at inirapan ako kaya inirapan ko rin siya hanggang sa tumunog ang kampana ng paaralan senyales na sunod na subject na ang papasok.

“Good morning may good news ako sainyong lahat,” nakangiting wika ng aming guro at kami naman ay naghihintay sa kaniyang sasabihin na good news kuno. “Lahat kayo ay nakapasa, at isa pa si Ms. Serantes ang top one ulit. Congrats to all of you,” nakangiti niyang bati sa amin at kinuha niya ang subrang daming papel at tumingin sa amin.

“Ma'am, sino po top two?” tanong ng isa naming kaklase.

“Si Semon,” sagot ng guro.

Si Semon na siyang gusto makipag-unahan sa akin sa top of students keso raw hindi ko raw deserve 'yon dahil babae raw ako, ano konekt ng top of students sa kasarian ko, aber?

“’Teh! Mukhang nag-aral ka nga, taas ng grado eh top one ulit hahaha!” natatawang wika ni Alexa at ngumiwi na lamang ako sa kaniya.

Tsk! Kahit kailan ayaw maniwala, wala talagang bilib ‘to sa akin.

“Ikaw kasi panay sulyap ka sa crush mo hindi kka-hmmp” Kinagat ko ang kamay niya na biglang tinakip sa aking bunganga.

Bigla siyang humiyaw sa daing at mangiyak-ngiyak niyang winawasiwas ang kaniyang kamay na kinagat ko dahil sa pagharang niya sa bibig ko kanina lang.

“Ms. Guava!” sita ng aming guro kay Alexa.

“Ma'am, si Ceesca po kasi! Kinagat kamay ko,” parang bata niyang pagsusumbong sa guro namin at mangiyak-ngiyak na nakahawak sa kamay.

Nagtawanan ang mga kaklase namin dahil sa inakto ni Alexa, napailing na lang ang aming guro sa kaniya.

“Hay jusme, Ms. Guava.” Umiiling-iling na sabi ng aming guro kay Alexa.

Pinaabot ng aming guro ang exam sa aming kaklase kaya naman kinulit muna ako ni Alexa kung anong ritual para tumaas ang grado dahil sa inis ko sa pagiging makulit niya sa akin ay pinansin ko na siya.

“Mag-aral ka! 'Yang crush mo gawin mo inspirasyon mo kahit hindi ikaw ang iinspirasyon” inis kong sagot sa pagiging makulit niya.

“Alam mo nananakit kana ng damdamin, you don't know what's my feelings now,” pabirong drama ni Alexa habang nakahawak sa dibdib niya na ikinangiwi ko na lang.

“Bahala ka sa buhay mo mag-aaral ako.” Kinuha ko 'yong mga importante na aaralin ko sa bag at inilabas iyon, binuklat ko ang notebook at binasa na.

“Beb, tama na muna aral mag-enjoy ka naman kahit saglit,” payo ng aking kaibigan ngunit hindi ako nakinig sa kaniya at tila isang hangin lang ang kaniyang salita sa akin, narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya. “Haist, ikaw bahala. Basta payo ko lang, ah? Huwag mo subrahan ang pag-aaral, huwag mo stressehin sarili mo nakakaatake 'yan ng mental health. Ikaw ang kawawa sa huli,” paalala niya at inaral ko na lang ang mga lesson na nakasulat sa notebook ko.

Sa kalagitnaan ng pag-re-review ko may nagbaba ng papel sa may desk ko, ngumiti ako nang makita ko ang grado na nakalagay sa marka ng test paper ko.

Last last week pa ang recently exam namin kaya ngayon kuhaan ng grade exam kung sino nakapasa tapos mag exam ang mga hindi nakapasa. Second semester at first grading na naminngayon at isa akong Senior high school student dito.

Pinapalakpakan ako ng mga tao dahil magaling daw ako sa Akademic, nakikita ko rin ang mga taong plastic sa 'kin kung bumati, mga taong bait-baitan lang pero magaling mang backstab.

Hindi ako nagpapa-apekto sa kanila kasi kayang-kaya ko naman sila palakpakan din, kaso ang palakpak sa akin ay pagiging demonyo ko, palakpak na pabalik sa kanila kung paano maramdaman ang inggit at pagiging irita.

Natural na sa akin na minsan ma-paranoid dahil siguro sa subrang puyat hindi nga lang halata bagkus gumagamit ako ng produkto na pampaganda. Even it's bad for me because I'm just a teen girl who using a product for adults ay chineck ko naman 'yon kung safe. Besides, hindi naman araw-araw nag ye-yello rin naman ako kapag gigising at before mag sleep kasi mahirap na.

Natapos ang klase nasa bahay na ako ano oras na ba? Ala-singko pa lang nang hapon nasa bahay na ako at nasa business trip naman sila mama. Mag-aaral na lang ako tutal wala naman si Mama ganiyan ako araw-araw ako nag-aaral ayaw kong pumalya baka si mama pa ang papalya sa akin ng kung anu-ano at hindi ko kakayanin 'yon. Ayoko magalit kay mama kasalanan ko rin naman bakit nangyari 'yon sa akin, basta ang mahalaga hindi ako papalya kung saan at least nakataas ako ng grado ulit, top one na naman ako hahays.

Magkakaroon na naman kaming exam sa hindi inaasahan. Palagi na lang may quiz, walag katapusan? Nakakapagod din. Nakaka-relax ako pero papaano naman ang utak ko? Hindi ko kakayanin baka mamaya o isang araw ay natuluyan na talaga ako.

Humilata na lang ako sa kama at natulog na lang. Wala naman ang kapatid ko paniguradong nasa lansangan na naman 'yon ang dating gawi niya. Hindi na napagod, puro lakwatsa na lang ang inaatupag at sa akin pa binigay ang mga gawain na ibinigay sakaniya ng mga guro nila.

Akala niya ata madali mamuhay sa pag-aaral kapag nasa level ko na siya.
Hindi porque't naatasan ako sa pamilya dahil panganay at mataas ang aking grado sa akademik ay madali na lang sa akin ang lahat, hindi nila alam na nahihirapan din ako. Para naman din itong ginagawa ko para sa kanila. Napakahirap ng buhay.

MH: Crying Out Loud (COMPLETED) under PaperInk P.BWhere stories live. Discover now