Chapter 34

8.7K 194 2
                                    

Cade was so eager to get the meeting done and over with. Hindi siya mapalagay sa kinauupuan niya sa conference room dahil nag-aalala siya sa hindi pagsagot ni Breanna sa tawag niya. Kanina pa niya ito tinatawagan sa cellphone pero hindi ito sumasagot. Tumawag na rin siya sa bahay nito pero ang sabi ng katulong ay wala pa raw ang nobya niya at hindi pa dumadating.


Fuck he's beginning to get worried!

He dialed her number again pero ganun pa rin wala pa ring sumasagot.


Breanna where are you?


Pagkatapos ng meeting niya ay agad siyang nagtungo sa opisina niya. Tinawagan niya ulit ang bahay ng mga Corpuz.


"Hello?" aning babaeng nakasagot sa kabilang linya.


"Hello? Manang? Dumating na ba si Breanna?" tanong niya.


"Naku Sir,wala pa po si Maam Breanna. Kanina pa po nag-aalala si Sir Alejandro." wika nito.


"Sige. Tell Tito to calm down okay? Ako na ang bahala kay Breanna." sabi niya saka pinutol na ang tawag.


Napahampas siya sa kanyang mesa saka sapo ang kanyang ulo.


God! Kanina pa sumasakit ito dahil sa sobrang madami niyang ginawa pero mas sumakit pa ito ngayong alam niyang nawawala ang nobya niya.


Where could she be?


Kaya naman ay isa lang ang nakita niyang solusyon. Dinampot niya ulit ang phone niya saka nag-dial ng number.

Isang ring lang ay may sumagot agad.


"This is Nathaniel Romualdez. Who am I speaking to?" aning baritonong boses sa kabilang linya.


"Nate,si Cade ito." aniya.


He's calling his former comrade in the service,Nathaniel Angelo Romualdez.


Bagama't magkaiba sila ng tinahak na service ay nagkakilala pa rin sila noong nasa America pa siya.


They were once together sa isang mission. Si Nate bilang Lieutenant ng U.S Army at siya naman sa U.S. Marine. They had gathered nang nag-mission sila sa Afghanistan bago siya lumabas ng service. He was a good friend of him also.


"Cade? Cade Aidan Villamonte?" paniguradong sabi pa nito.


"Yes." aniya.


"What can I do for you mate?"


Right now ay wala na siyang ibang maisip pang paraan para mahanap si Breanna kundi ang hingin ang tulong ng kaibigan niya. Nate owned a private investigation agency sa Pilipinas kaya naman ay malaki ang tiwala niyang matutulungan siya nito.


"I need your service,Nate. My fiancee went missing earlier and until now ay hindi ko pa rin siya makontak. I've been calling her phone pero hindi niya ito sinasagot. I am getting worried." he said impatiently.

Bound To Love YouWhere stories live. Discover now