Simula

9 0 0
                                    

'Dito nalang po kuya.' Inabot ko ang aking bayad at nagpasalamat.

Nasa pinto palang ako ngunit rinig ko na ang pag iyak ng aking kapatid. 'James anong nangyari at umiiyak si Almira?' Tanong ko kay James ang sumunod sa akin agad ko ring binuhat si Almira upang patahanin sa pag iyak.

'Nagugutom na si Almira ate kaaalis lang ni Papa bumiyahe na upang maibili raw ng gatas at para rin daw may makain tayo.' Paliwanag ni James, tumango nalang ako at ibinigay sakanya ang natitirang pera ko sa bulsa.

'Ibili mo muna ng gatas si Almira at bumili kana rin ng bigas sa sukling matitira.' Pag uutos ko rito na agad rin naman niyang sinunod hindi na ako makapagpalit ng uniporme ko dahil paniguradong pag ibinaba ko si Almira ay iiyak ito.




Isang taong gulang palang si Almira at apat kaming magkakapatid ako ang panganay sumunod si James pangatlo naman si Israel at ang bunsong si Almira, tricycle driver ang Papa siya ang nagbabantay kina Almira pagpumapasok ako at aalis rin ito pag malapit na akong umuwi upang mamasada.


Mahirap lang kami sa tuwing wala akong pasok ay nag hahanap ako ng pwedeng pagkakitaan dagdag kita para sa gastusin, madalas ay nag aalaga ako ng mga pamangkin ko binabayadan nalang ako ng aking mga Tita sa pag babantay ng mga anak nila.

Sobrang nakakapagod ang takbo ng aking buhay gigising sa umaga upang mag luto bago ako pumasok sa eskwelahan pag dating naman ng hapon uuwi na ako at mag babantay sa aking mga kapatid at saka rin ako gagawa ng mga gawaing bahay pag sapit ng gabi ay imbes na mag pahinga gagawa naman ako ng aking mga takdang aralin at pruyekto.


Ang sabado at linggo ay araw upang maghanap ng pagkakakitaan ko. Minsan naiisip kong sumuko nalang ngunit kapag gagawa na ako ng mga bagay upang mawala sa mundo ay naiisip ko ang Papa at mga kapatid ko na baka pag sumuko ako ay mas lalo lang silang mahirapan dagdag gastusin lang din kung mamamatay ako pag papaburol, ang kabaong gagamitin ko at ang pagpapalibingan ko.

Napapangiti nalang ako ng mapait dahil kahit ang pag papahingang panghabambuhay ay poblema pa din para sakin hindi ko rin naman kayang mas mahirapan pa sila dibale ng ako ang mag hirap sa lahat wag lang sila.


'Israel huwag mong kainin yan madumi yan.' Pag suway ko sa kapatid tatlong taon palang si Israel kaya't bantayin parin, sumunod naman ito at hinawakan ang kamay ko.

'A-ate el el utom a.' Malapit ng humikbi ito kaya agad kong hinalungkat ang tinapay sa aking bag at ibinigay dito na agad naman niyang kinain kalat kalat pa sa bibig niya kaya agad ko iyong pinunasan.



'Ate ito na yung gatas at bigas ititimpla ko muna ng gatas si Almira.' Wika ni James na kadadating lang, maya maya pa ay naitimpla na niya ng gatas si Almira kaya agad ko itong ibinaba sa higaan niya akmang iiyak pa ito buti nalang ay naibigay kona ang gatas niya.


'James tignan mo muna si Almira at Israel mag bibihis lang ako at mag sasaing.' Tumango naman ito kaya't nag bihis na ako sa maliit at nag iisang kwarto rito sa bahay pag kabihis ay nag saing na ako, nag urong narin ako at nag walis walis sa paligid.



Katatapos ko lang mag linis at lumapit naman sakin si Israel marahil ay inaantok na ito kaya naman ay itinabi ko ito kay Almira at tinapik saka ko siya kinantahan ng marahan dahil narin siguro kanina pa ito laro nang laro ay agad rin itong nakatulog.






'Ate mag lalaro muna ako sa labas ng bahay kasama ang mga kaibigan ko naka gawa narin ako ng aking mga takdang aralin.' Sampung taong gulang na si James parehas kaming nag-aaral kaya't minsan pag may mga bayarin sa eskwelahan ay hindi maiwasang mamoblema ni Papa ngunit hanga parin ako sa aking kapatid dahil sa angking sipag at pagtyatyaga ang mayroon siya dahil pag wala ako at si Papa kahit may takdang aralin at gusto na nitong makipag laro ay mas pipiliin niya paring bantayan ang mga nakababata naming mga kapatid.





'Sige ngunit huwag kayong lalayo at bago sumapit ang dilim ay uwumi kana rin James, mag iingat kayo ng mga kaibigan mo.' Nakangiti naman ito nagpaalam na at lumabas. Dala narin siguro ng sobrang kapaguran ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako.









Nakarinig ako ng masasayang nag tatawanan kaya agad kong sinundan ang pinagmumulan ng mga tinig na iyon pag karating ko sa pinagmumulan ng mga tinig ay nakita ko ang sarili ko at ang pamilya ko kasama si Mama...




Masaya kaming nag kwekwentuhan sa hapag kainan walang bahid na problema ang aming mga mukha para bang masaya lang kaming namumuhay sa mundo.

"Dad it's just a simple crush, nothing more nothing less right Mom?" Nakangiting ani ko.


"Oo nga naman at saka ano kaba dalaga na ang anak natin Piodolfo may angking kagandahan pa na namana sakin kaya naman patay na patay ka rin saakin." Wika ng boses na kay tagal ko nang hindi narinig.

"No even its just a crush not allowed, she is still my baby our baby." Ani ng naka sibangot na si Papa.



Hindi ko namalayan na tuloy tuloy na ang bagsakan nang aking mga luha at dahan dahan namang nag angat ng tingin ang ako sa aking pwesto parehas bumakas ang gulat sa aming mga mata nang magtama ang aming mga tingin.



"Anak may problema ba?" tanong ng katabi niya ngunit bago ko pa marinig ang isasagot ko ay may malakas na pag iyak ang nag balik sa diwa ko.










'Uwahh atchi akit a iyak?' Simisinghot na tanong sakin ni Israel na sa tingin ko ay nagising dahil sa aking pag hikbi nginitian ko lang ito at tinapik tapik ulit upang makabalik siya sa kanyang pag tulog, hindi rin nag tagal ay bumalik na ito sa kanyang pag tulog.






Panaginip ngunit bakit ganito ang aking pakiramdam na parang hindi panaginip ang lahat na nangyayari o nangyari na ito bakit ganoon nalang ang tibok ng aking puso ng mag tama ang paningin ng ako sa panaginip ko na tila ba maraming tanong ang bigla nalang sumabog sakin at hindi ko rin alam kung anong kalseng mga tanong iyon.


Bakit pakiramdam ko nawalan ako, may kulang at may naagaw mula sakin?..





















~~~~~~~~~~
Note: This story is not edited yet, I'm sorry for the grammatical errors feel free to not read this if you don't want the story.

Thank you and enjoy reading, have a wonderful days, weeks and years everyone.:)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The other meWhere stories live. Discover now