continuation~

0 0 0
                                    

Pagkagising ko iba na ang environment. Puros halaman, bulaklak at puno na ang nakikita ko, bumaba ako sa kotse. Nakita ko si Brai na nakasandal sa bumper ng kotse niya.

"Gising ka na pala, tara lakad tayo duon sa burol." he offer his hand infront of me and accept it. His hand is soft, talo pa kamay ng babae. Halatang mayaman nga, walang gawain sa bahay. I noticed na hanggang balikat niya lang ako, ang tangkad niya din kasi.

"Bakit tayo nandito?" i asked while were walking. May maliliit pa na bakod sa path na dinadaanan namin at malilit din na yellow flowers. Maganda dito halatang mapapanatag ang puso ko dito. Wala akong nakikitang mga tao, kami lang yata dito.

"Sobrang drain na kasi ng puso at isipan mo and this place will make you calm. Maganda ba?" i nod and smile to him. "Mas maganda duon sa tuktok" he pointed "Maganda ang view kaya bilisan na natin." tumakbo siya kaya tumakbo na rin ako dahil hawak niya ang kamay ko.

Mahigit 10 minutes na siguro simula nang nakarating kami dito sa Burol. Katulad nga nang sinabi niya ay maganda ang view dito sa taas at mahangin pa. Binasag ni Brai ang ilang minutong katahimikan na nanaig kanina pa.

"Okay ka na ba?" I look at him but he's still looking at nowhere.

"Naging okay nga ba ako?" now its his turn to look at me. "Hindi ko alam ang.... sasabihin ko." he just let me say what i want to say. "Kailan ba ako magiging okay? Kailan matatapos ito? Gusto ko mangyari na yon. Gusto ko one day hindi na tutulo luha ko dahil sa isang rason lang" i started to tell him what happen.... I tell him everything...

"Accepting the fact that youre Lola is gone is the number one you need to do." humikbi na naman ako senyales na umiiyak na naman ako.

"but i c--an--'t." hinarap niya ako at tiningnan sa mata.

"You need to, ok? Akala ko gusto mo nang matapos? Kailangan gawin mo. Sa tingin mo ba magugustuhan din ni Lola mo na lagi kang ganyan? Diba hindi din? So do it for yourself, okay?" tumango ako at nakita ko din ang point niya. He just hug me and tapping my back to calm me.

"If you need help, im just here." hes hand is on grass to supported his arm. "Basta ang goal natin ay maging okay ka.... 'JOY' ang pangalan mo tapos lagi kang malungkot?"

May point siya sa part na yon. Anong sense ng pangalan ko kung lagi akong malungkot o umiiyak lagi.

"Magiging okay ka din basta tulungan mo ang sarili mo na huwag malunod."

"yes, prof." napatawa naman siya sinabi ko kaya natawa na din ako.

FF.

"Thanks for today, Brai!" 6pm na kami nakauwi at hinatid niya din ako sa bahay.

"You're Welcome. Just don't forget what I said." tumango ako at ngumiti. I'm thankful that he will help me to go through this pain, all the advice and comforting words that he told to me. I waved my hand to say goodbye.

"Ingat pauwi." pumasok na rin siya sa sasakyan niya at bumusina bago umalis.

SUNDAY.

Naalimpungatan ako sa ring ng phone ko. Hindi ko pati alam na nakatulog na pala ako, naglaba kasi ako kanina at naglinis linis rin dito sa bahay, sabi ko magpapahinga lang ako pero nakatulog na pala ako.

Trina Calling...

Napabangon agad ako nang makita ko ang pangalan ni Trina sa phone ko.

"HOY, BABAE!" nilayo ko phone ko sa tenga ko, halos sumigaw na siya. "Bakit mo pinag iintay ang mag pinsan dito sa tapat ng bahay mo ha?!!! special ka ba?" wth??

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon