TL3

7 2 1
                                    

“Good evening!” Panimula ni Russel. “So I have my girlfriend here, Anne.” Kumaway naman si Anne sa kanila. “And ofcourse, our friend Zea.” Nginitian ko lang sila.

“Zea, Anne. These are some of my friends, Gift, Kyle and Carlo.” Napasulyap si Russel sa kumpulan ng tao at may biglang sumulpot. “Finally, you are here, Val. Come on.”
Tinignan ko lang siya. Aba’t ngumiti.

“Hi Zea.”  Sabi ne’to.

“Huwag siya Val, heartbroken pa yan.” Sabi ni Russel at tumawa pa.

“Whatever Russel.” Sagot niya.

“Seriously, she is. After almost two months of their break up, di pa yan nakamove on.” Tugon naman ni Anne.

Hindi na lang ako umimik. Inilabas ko ang cellphone ko at nagfacebook na muna.

I’ve been receiving a lot of friend request sa facebook and followers sa instagram. Even in my twitter account. Why?

I need to check my instagram dahil naalala ko yung mga comments kanina.
“Fck! Bakit parang ang dami naman.”

“Zea, any problem?” Tanong ni Russel.

“Napalakas ba?” I shook my head and made a peace sign. Nagsimula na pala silang uminom. May nakaready ng drinks sa harapan namin.

Nagscroll lang ako ng comments dun sa pinost ko kanina sa IG. I was about to click the mentioned account na @vjace  sa comment section when Val grabbed my phone.

“Ano ba?” Reklamo ko.

“Are you going to face your phone all night? Sana di ka na lang sumama kina Russel kung ganun.” Deretsa niyang sabi sa akin at ibinulsa ang phone ko.

“Okay fine. I’ll talk to anyone of you just give me back my phone.”

“Naaah! I’ll give it to you before you go home.”

I shrugged. Nakakahiya sa iba.

“So, as I was saying, are you all enrolled at Divine Word University?” Tanong ni Kyle yata.

“Yes. We are.” Sagot ni Val.

“Tangina Val, nang iwan talaga. Sa Treid parin kaming tatlo.” Si Carlo.

“NagLondon ka ba talaga or sa Treid ka lang nagtago?” Tanong ni Anne kay Val.

“Bakasyon lang sa London. Ayoko dun. Late enrollee ako sa Treid noon and hindi niyo naman kase ako hinahanap e. Iniwan ko na ngayon ang Treid para lang sa inyo, ayaw niyo ba?”

Napasmirk si Anne.

“Maganda naman sa Treid a. Bakit ka pa nagtransfer?” Tanong ko kay Val. “Actually, I finished my elementary and high school in Treid. Not bad. Maganda ang facilities and everything.” Nakisali na ako sa usapan.

“You did?” Si Gift.

“Yes. I just moved to DWU when I started college kase lumipat kami nina Daddy ng bahay, may unit pa rin naman kami doon sa malapit sa TIU pero iba kase dito.”

“Are you a member of TIU Dancers before? Kase you really look familiar.” Tanong naman ni Kyle.

“Yes, in my entire high school years.” Napansin kong nagbulungan si Carlo at Gift. “Pero balita ko since 2016, parang sa College Department na lang sila kumukuha ng members e.”

“Yes, that’s right.” Sabi naman ni Carlo.

“Padancer dancer ka pala noon Zea a. Walang pasabi ‘to.” Kantyaw ni Anne.

“Matagal na yun.”

“Are you on the same course?” Turo sa amin ni Kyle.

“No. I’m taking up Accountancy. Then sina Anne at Zea naman Hospitality Management. Anong course ka?”

“Hospitality Management kaming apat. Ako lang nagtransfer ng school.” Sagot ni Val.

“So, blockmates tayo?” Napalakas yata yung pagkabigkas ko dahil napatingin yung mga tao sa kabilang table.

“Wew! Kalma. Ayaw mo, may kablock tayong gwapo? Bakit naman parang hindi mo pa nakita sa class si Val? Isang buwan nang nasa class si Val e.” Tawang tawa si Anne. I smirked at her.

“Paanong makikita, laging tulog sa klase.” Sambit ni Val.

“So you're not paying attention in class, ‘coz it's all on me.” I smirked.

Linagok ko yung drinks sa harap ko, kukunin ko na rin sana yung isa pa nang inagaw na naman nitong Val yung baso.

“Akin na yan.” Habang inaagaw yung drinks may mga babaeng lumapit sa table namin.

“Hi Val.” Syncronize silang tatlo. Tumango lang naman ito bilang pagtugon.

“Can we join you?” Tanong nitong red head na babae.

Kinuha ko ung drinks at ininom agad.

“Sorry, pero nakakahiya sa ibang friends ko.” Sagot ni Val.

“No, okay lang.” Sagot naman ni Anne.

“Okay lang naman daw Val. Can I seat beside you?” Sabi nung babae kanina. Umayos naman ng upo si Val.

“Excuse me, can I sit infront of Val.” Sabi naman nung green haired na babae.  Uminom ulit ako bago siya tinignan at itinuro ko pa ang sarili ko kung ako ang kinakausap niya.

“Who else I am talking to? Ikaw nga itong nasa harap ni Val.” Sarcastic na sagot ng babae. Habang yung pink haired ay umupo sa tabi ni Carlo.

Dahil sa inis ko, kumuha ulit ako ng inumin at  tumayo ako. “Punta lang ako sa powder room.” Paalam ko sa kanila.

Dumiretso ako sa powder room at tumingin sa salamin, okay naman ang itsura ko. Uuwi na lang ako sa condo ko. May condo naman talaga ako kaso minsan lang ako pumupunta doon. Dahil 10 minutes drive lang mula dito ang condo, doon na muna ako compared sa bahay na mas malayo  lalo pa at wala akong kasama. Pero pusang gala, na kay Val yung phone ko.

Lumabas na ako ng powder room, pinasadahan ko ng tingin yung sa VIP corner kung nasaan kami kanina. Wow! Ang saya nila. Halos nagsasayawan na silang lahat. Napagpasyahan kong mag-abang na lang ng taxi kaya lumabas na ako ng bar.

______
a/n
Lapag ko lang po. Eto lang meron sa drafts ko 😁

TOO LATE (1ST.ONE Fanfic)Where stories live. Discover now