Chapter 8

73 4 0
                                    

Sorry for grammatical errors and misspelled words and typographical errors

Please don't take it seriously
---
"Beautiful assident" (chapter 8)
---
"Psst babae open the door" napatingin ako sa bintana, kaaga aga nandito si kaeya

"Kaeya jannelle kaaga aga nandito ka?" Tanong ko sa kanya

"Oo wala naman magawa sa bahay ehh tsaka ang sakit ng ulo ko babae"

"Hindi ka kasi naniniwala sakin sabi ko tama na ayaw mong tumigil" pag se-sermon ko sa kanya 

"Oo na sa susunod maniniwala na ako sayo" sabay upo nito "pag luto mo naman ako jan reg" sambito nito

"Aba ano ako chef mo?"

"Eto naman nandito na ako anong magagawa mo"

"Oo na pasalamat ka wala akong trabaho ngayon kung meron malamang walang tao dito" sambit ko sabay bukas ng ref at kinuha ng maluluto

"Sabi ko nga ehh, tulog pa pala si deana"

"Sa tingin mo gising yan? Ha?" Nilapitan ko si deana at inayos yung higa nya

"Alam mo reg kung hindi lang kita kaibigan matagal na kitang sinapak"

"Chee" sabay punta ko sa kusina
---
"Nathan wag kayo masyadong lalayo ni deana ha? Hindi namin kayo hahanapin bahala kayo jan" biro nito napatawa naman ako

"Yes mommy" sabay takbo nila dalawa papasok ng play ground

"Saan tayo?" Tanong ko

"Ewan ko rin saan ba tayo?" Tumawa ako ulit

"Kamusta na si gab?" Jusko naman talaga oo

"Kaeya sino sya para kamustahin ko!?"

"Your ex?" Tumawa ulit ako

"Bumalik na nga yun ng ibang bansa kasi sinayang ko lang daw yung oras ngang hanapin kaming dalawa ni deana" Saad ko sabay upo sa damuhan na tanaw na tanaw ang pag lubog ng kulay kahel na araw

"Kasalanan mo bang umuwi sya? Hindi naman diba? Gago talaga sya" yeah that's kaeya handang handa akong ipag laban

"sinayang nya rin naman yung oras kong mag hintay sa kanya pero sa lahat ng yun hindi ko naman sinabi sa harap nyang nasayang yung oras ko pero hayaan mona hindi ko na naman sya kailangan kayang kaya ko naman palakihin si deana ng ako lang"

"Yan gusto ko sayo ehh, matapang ka eh idol talaga kita matagal na" tumawa ako "tas itong si lady adeanna isa pa tong mana sayo buti naman sayo nag mana kesa sa tatay"

"Buti nga, nga pala si henry kumusta?"

"Nandon sa ibang bansa malamang kaya nga ngayon ang labas single mother ako"

"Tange your still married"

"Sabi ko nga eh" tumawa naman ako sa sagot nito
---
"Mama!"

"Oh nandyan na pala kayo, halika nga dito ang pawis pawis mo na" lumapit naman ito sakin

"Ano nathan?" Tanong ni kaeya

"Mommy you know inaaway si deana"

"Ano!?" Sambit namin dalawa ni kaeya

"Nasaktan ba kayo? Anong ginawa nila?" Tanong ko

"Mama hindi ko na naman sila inaaway pabalik ehh diba sabi mo hindi dapat ako bumawi"

"Very good"

"Tsaka ninang ganda mommy pinag tanggol ko naman si deana ehh yung tinuro ni daddy na pag kaya kong ipag tanggol ang isang tao gagawin ko" napatingin ako kay deana

Beautiful Accident Where stories live. Discover now