Chapter 1

342 25 2
                                    

A/N: This story is just a figment of my imagination. Happy reading! :)

***

Chapter 1

Sa isang malamig na umaga, nasa opisina si Josefa, nagtatrabaho sa kanyang regular na trabaho bilang isang propesyonal sa isang malaking kumpanya. Sa gitna ng kanyang mga ginagawa, biglang sumakit ang kanyang dibdib. Natakot siya, ngunit hindi niya pinahalagahan ito nang husto. Iniisip niya na baka ito'y bunga lamang ng stress at pagod sa trabaho.

"Kalma Josefa, stress at napapagod ka lang. huwag kang maisip ng kung ano, ok?" saad niya sa kanyang sarili at huminga ng malalim.

Mga ilan oras ay sumakit ulit ang kanyang dibdib, ito ay hindi na lamang isang simpleng pangyayari. Dumami na ang sintomas ni Josefa, kasama na ang pagkahilo nito at panghihina ng buong katawan. Napagdesisyonan nkya na kumuha ng konsultasyon sa doktor upang alamin kung ano ba talaga ang nagdudulot ng kanyang mga nararamdaman.

"okay po dok, salamat ho! papunta na po ako riyan." saad niya at pinatay na ang linya.

Agad naman siyang umalis sa kanyang trabaho at pumunta sa klinika.

Nang makarating siya sa klinika, naghihintay siya nang may halong kaba sa kanyang dibdib. Sa wakas, tinawag siya ng kanyang doktor at dinala sa isang kuwarto. Sa loob nitong kuwarto, naglagay ang doktor ng kahon ng tissue at sinimulan ang isang malalim na usapan tungkol sa nararamdaman na mga sintomas ni Josefa.

"Mayroon akong masamang balita para sa iyo, Josefa," sabi ng doktor, na may seryosong mukha. "Natagpuan ko na may malubhang kondisyon ang iyong puso. Ang iyong puso ay may isang malalang sakit na hindi na namin kayang gamutin. Pero sa katunayan n'yan, mayroon kang pitong araw nalamang para mabuhay rito sa mundo." dagdag na sabi ng doktor sa kanya.

Napakunot-noo si Josefa sa sabi ng doktor sa kanya, hindi siya makapaniwala sa mga salitang narinig niya. Pitong araw na lamang? Ito na ba ang katapusan ng kanyang buhay? Lungkot at takot ang sumakop sa kanyang puso habang pinipilit niyang unawain ang bigat ng mga salitang iyon at paulit ulit nitong pumapasok sa kanyang isipan. hindi niya akalaing ang kanyang buhay ay nagiging isang bilang na araw na lamang.

"Ano po ba ang dapat kong gawin?" tanong ni Josefa, na puno ng pagkabahala sa kanyang mga mata. "Mayroon po bang posibilidad na maagapan o mapabagal ang sakit ko, dok?" dagdag niya.

Binigyan siya ng doktor ng ilang mga pagpipilian, ngunit sinabi rin na walang tiyak na solusyon. Ang kanyang kondisyon ay hindi na kaya pang gamutin o mapabuti. Kailangan niyang tanggapin ang katotohanang ito at gamitin ang natitirang panahon na mayroon siya nang may kabuluhan. "s-salamat, dok." manglungkot na saad niya.

Napagisipan na lang niya na umuwi na lang sa kanilang bahay, wala rin namn s'yang magagawa dahil malubha na talaga ang kanyang sakit.

Sa paglalakad pauwi, puno ng kalungkutan at panghihinayang ang kalooban ni Josefa. Iniisip niya ang kanyang kondisyon na malubha na, lalo pang wala nang gamot o lunas para rito. "Kailangan ko na atang tanggapin ang katotohanang ito, may iilang araw na lamang ako para magawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin lalo na sa pamilya ko." naluluhang saad niya

Sa mga bawat hakbang niya, unti-unting lumalalim ang pighati sa puso ni Josefa. Parang may bigat na umaapaw sa kanyang dibdib, na nagpapahirap sa kanyang paghinga. "p-pero hindi ko pa kayang iwan ang pamilya ko, at lalo na hindi ko pa kayang iwan ang mundong ito. marami pakong pangarap na kailangan tuparin." bulong niya sa hangin.

Hindi naman niya maiwasan na isipin na hindi patas na maagang mawawala ang kanyang buhay, na kailangang magpaalam sa lahat ng kanyang minamahal.

Ngunit sa gitna ng kanyang kalungkutan, biglang sumilay sa kanya ang isang liwanag ng determinasyon. "Hah! o-okay, hindi ko hahayaang masayang ang pitong natitirang araw ko rito sa mundo. Gagawin ko ang lahat para mabuhay ang bawat araw na lumilipas para sa huling araw ng aking buhay, nagawa ko ang aking mga kailangan gawin rito sa mundo." pinunasan niya naman ang kanyang luha nung pagkadating niya sa kanilang tahanan.

"Oh anak, andiyan kana pala. kumain kana ba?" tanong ng kanyang ina na kakatapos lang mag ayos.

"Hindi pa ho, kayo ho ba kumain na ba?" tanong niya rin sa kanyang ina

"Ah oo nak, pasensya kana kung hindi ka na namin masasabayan kumain. bigla kasing nag aya kumain kapatid mo kanina kaya hindi ka na namin naintay." saad ng kanyang ina. "Sandali, pag hahainan kita, nak."

"Huwag na ho, ako na lang po maghahain ng pagkain ko, magpahinga na lang ho kayo." saad niya at hinalikan niya sa pisngi ang kanyang ina

"oh sha, pagkatapos mo riyan mag pahinga kana ha? may pasok kapa bukas diba?"

"oho, magpahinga na rin po kayo dahil marami na naman ata kayong ginawa kanina, ano?" biro niya sa kanyang ina

"ikaw namn, alam mo namn na gusto ko yung may mga ginagawa ako rito."

"haynako! apaka kulit at pasaway ninyo talaga. sige na ho, magpahinga na kayo." nagpaalam na ang kanyang ina sa kanya.

Naghain naman agad siya ng kanyang makakain at bigla niyang iniisip ang sinabi ng doktor sa kanya.

"haybuhay. bakit ba apaka lupit mo sa'kin? marami namn masasama riyan, bat sa akin pa?" bulong niya sa sarili.

Mga ilan oras ang lumipas, napagisipan niya na magpahinga na lang muna. para kinabukasan may lakas loob siyang sabihin sa kanyang mga minamahal na iilan araw na lamang ang natitira saknya.

OSIREMEDIOS

I Only Have 7 Days To LiveWhere stories live. Discover now