4. Starry Night

1 0 0
                                    

Starry Night
—Tearsofpaige

“Wow! Asan kaya si tatay?” Namamangha talaga ako kapag tinitignan ko ang langit na punong-puno ng kumikislap na mga bituin. Sabi kasi ni nanay na makikita ko raw si tatay sa langit dahil naging bituin daw ito kaya gabi-gabi akong tumitingala rito sa bintana ng kwarto ko.

•••

“Nay!” sigaw ko pagkauwi galing eskwela. Ang tahimik naman! Asan kaya si nanay? Kailangan ko pa naman ng picture ni tatay para sa family tree na ipapasa ko sa school bukas. Maghahanap na lang ako.

Napagpasiyahan kong pumunta sa kwarto ni nanay at nagbabasakaling mayroong piktyur sa tatay roon.

“Estong, nandito na si nanay!” Narinig ko ang boses ni nanay sa baba kaya nagmadali akong pinuntahan siya at agad na nagmano.

“Nanay, Saan ka po galing?“ masaya kong tanong habang sinisipat ang dalang supot nito.

“May binili lang si nanay sa labas. Tara sa kusina.” Sumabay naman ako kay nanay habang hawak ko ang laylayan ng saya nito.

Agad akong umupo sa palagian kong upuan tuwing kumakain kami. Pinagmamasdan ko naman si nanay habang naghahain ito. Wow! Paborito kong hotdog! Agad akong natakam nang makita iyon.

"Ay! Naalala ko pala 'nay may pinapagawa si teacher sa'min," masaya kong sambit na tila ako’y kinikiliti.

Tinignan naman ako ni nanay at pinagpatuloy ang pagkain nito.

"Ano yun? Ako na gagawa," sabi ni nanay.

"May picture ka po ba kay tatay 'nay?" tanong ko habang kumakagat ako ng hotdog.

"Huh? Ah, wala... sinunog ko na..." matabang sagot ni nanay sa'kin.

Nalungkot naman ako. Ay! Sayang naman. Pwede ko namang iguhit si tatay kasi naaalala ko naman mukha niya kaso hindi ako marunong magdraw tapos pagtatawanan lang ako ng mga kaklase ko. Ay alam ko na!

"Pahiram ng camera mo 'nay!" masaya kong wika.

"Aanuhin mo ang camera?" nagtatakang tanong ni nanay sa'kin.

"Pipicturan ko si tatay, 'nay! Hihihi, " masaya kong sagot.

"Huh? Paano? Patay na ang tatay mo."

"Haha. Opo! Patay na si tatay. 'Nay sabi mo nasa langit si tatay at naging bituin."

"Oo. Bakit? Pipicturan mo ’yong langit mamaya?" Nakangiting tanong ni nanay sa'kin kaya ngumiti rin ako.

"Hindi nay, si tatay pipicturan ko. Nakita ko kasi si tatay sa banyo doon sa kwarto mo ’nay, nakagapos sa bath tub at nakadilat ang mata. Nginitian niya nga ako, eh! Hihihi."

One-Shot StoriesWhere stories live. Discover now