Chapter 6

87 7 0
                                    

Stell's Pov

Saturday ngayon. Eto na yung araw ng family event namin and makikilala na nila mama at papa si Azari sa wakas.

So nag ready na ako at tinulungan ko sila mama magluto kasi 11:30 palang naman so marami pang oras. 2 pm kasi mag iistart ang family event at maraming darating na bisita.

Si mama nag luluto ng palabok at ng fried chicken. habang ako naman ay nag luluto ng carbonara.

Si papa naman ay nag aayos at hinahanda yung mga table.

Parang family reunion narin kasi ang magaganap. Darating ang mga tita at tito, Lola't lolo at pati narin mga pinsan at mga pamangkin.

Nakalipas ang ilang oras at tapos na kaming mag handa.

1:55 na at need ko na sunduin si Azari. Sinabi ko na rin kay mama na mag sesleep over si Azari sa bahay.

_

Nakarating na ako sa bahay ni Azari at iniintay ko nalang siya sa loob ng sasakyan.

Ilang minuto lang ay lumabas na siya ng bahay. Lumabas na rin ako ng kotse para bitbitin ang dala dala niyang bag, siguro damit ang laman ng bag na yon.

"Ako na mag bibit niyan" sabi ko. "Sige salamat" saad niya sakin.

Pumunta na kami sa kotse at ilang oras lang din ay nakarating na kami sa bahay.

"Ma nandito na po ako!" saad ko.
Pumasok kami sa loob at nagtinginan lahat ng bisita saamin.

"Hala kagandang babae naman nito! Girlfriend mo ba ito Stell?" Sabi ng Lola ko at lumapit kay Azari.

"Naku ijo! Nag bibinata ka na apo ah!" sambit naman ni lolo.

"Naku hind-" naputol ang sasabihin ko ng nagpakita si mama.

"Ma bless po" saad ko at nag mano ako kay mama, ganun din ang ginawa ni Azari.

"Ambait naman nito, Ako nga pala mama ni Stell. Tita Mylene nalang itawag mo sakin" sabi ni mama.

"Noted po Tita Mylene" sabi ni Azari sabay nginitian si mama.

"Ah ma, asan si papa?" tanong ko. "Nandun sa kusina, kumakain" sabi naman ni mama.

Lumapit ako kay papa para mag mano samantalang si Azari ay naka stuck lang dun dahil pinagkagulahan siya nila mama at lola pati nila tita.

Mine [Completed] Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt