How To Send A Support Ticket

3.3K 95 8
                                    

Ano ang support ticket?

Ito ang maaaring gawin kapag may problema sa application o sa inyong story.


Mga halimbawa kung kailan maaaring magsend ng support ticket:

- Nadelete ang iyong story at gusto mo itong maibalik

- May problema sa application (hindi mabasa ang isang story, kulang-kulang ang mga paragraph, parang putol ang mga sentences)

- Hindi makapagupdate ng story

- Request para palitan ang rating ng story


Ang support ticket ang parang huling paraan kung talagang nasubukan mo na lahat at wala pa ding nangyayari. Kunwari may problema sa app, subukan munang mag log-out at mag log-in muli. Or subukan munang iupdate ang app.

Kung wala pa din, oras na para magsend ng support ticket at susubukan itong aksyonan ng Wattpad.

Paano magsend?


Pumunta lamang sa: http://wattpad.com/support


Sundin ang mga instructions. Ipaliwanag maigi ang iyong naeexperience na problema.

Kapag naisend mo na ang ticket, makakatanggap ka ng email confirmation. Hintayin ang reply or action ng Wattpad sa iyong ticket.


Wattpad How To'sWhere stories live. Discover now