[ WARNING/S: [SPOILERS!!] Child Abuse, Domestic Abuse, Mentions of Rape, violence, animal eating/killing, killings, forced cannibalism. Read at your own risk, do not read if you are uncomfortable.]
—
MINT'S POV
"Thank you po papa!"
"Congrats anak! Mamaya dadaan tayo sa favorite mong play ground, sunduin lang natin ang ate mo!"
"Opo! Ay Mama, sorry po wala akong a—award... kasi po..."
"Ano ka ba naman! Ayos lang 'yan, bata ka pa naman anak, ang mahalaga... malusog ka at masaya. Tara na... mata-traffic pa tayo.”
Pag-alis na pag-alis nila ay tumingin ako sa mga medalyang nakasabit sa leeg ko.
Best in Math.
Best in English.
Best in Writing.
Top 1.
Most behave.
Most generous.
Most industrious.
Most obedient.
Sa dami ng mga medal na natanggap, wala manlang ni-isang pamilya ko ang nagsuot nito sa akin.
The best in academics, but not the best child my parents ever wanted.
I was just seven years old back then, just seven.
"Tristan! Kanina ka pa tinatawag, sumakay ka na!"
My 25 year old brother.
Nagmamadali itong lumapit sakin para lang hilahin ako papasok ng van.
There, I saw my mom with fresh tears on her eyes.
Ganito naman lagi, umiiyak s'ya.
Araw-araw.
Gabi-gabi.
Kung si Papa ba naman ang asawa mo, maiiyak ka na lang talaga.
Walang pakialam sa asawa, gusto nito perpekto ang lahat, nananakit, ayaw n'ya nang umiiyak pero s'ya naman ang dahilan bakit halos bawat minuto umiiyak ang mama ko.
Malaki ang bahay namin, mayaman kami, laging may laman ang hapag kainan pero minsan, dumadaan ang isang linggo na tatlong araw lamang ang kain namin.
‘Namin’
I meant my mother and I.
She hates me... a lot.
Hindi n'ya lang sinasabi pero ayaw n'ya sa'kin.
Kasi kung mahal n'ya ako, sana hindi n'ya ako iniwan, sana sinama n'ya ako noong araw na umalis ito sa bahay.
Baka kung sinama n'ya ako, hindi ganito ang buhay ko.
Maybe I wouldn't end up the way I did, like this...
I begged, I cried... kneeled down just for her to take me.
"Hawakan mo ang pinto ha... aalis muna si mama, babalikan kita... After 7 days, babalik ako... okay?"
Alam kong hindi n'ya ito gagawin pero umasa ako.
I was just a kid and I hoped.
Habang pilit na tinutulak ng kuya ko ang pinto ay pinipigilan ko ito para lang makaalis si mama.
How funny.
Twenty-seven years old na ako, ilang taon na ang nakalipas, hindi ka pa rin bumabalik, sabi ko nga sa sarili ko baka patay ka na, pero hindi eh.

YOU ARE READING
GLITCH: Divided Cities
Action"What are those? Zombies?" How fascinating yet concerning it is to find a young kid to ask such an interesting and frightening question. They wouldn't mind it if refers to a certain movie, but a question that relates to reality? Oh, that's sick. "I...