Break Up

1.3K 74 41
                                    

Imee's POV

"rod ilang buwan na?" I asked habang umiiyak

"o-one month" sagot nya habang nakaluhod

"mahal I swear lasing ako noon" dagdag nya lumuhod naman ako sa harapan nya

"rod magiging tatay kana" I said at ngumiti

"masaya ako Para sayo kahit hindi ako ang nanay ng magiging anak mo" dagdag ko

"mahal please don't leave me, malapit na ang kasal natin" saad nya

Inalis ko yung singsing saka kinuha yung kamay nya at nilagay iyon doon.

"mahal please don't" saad nya at niyakap ako

"rod mahal na mahal kita Kaya ko ginagawa sayo ito. Alam kong matagal mo nang pangarap magkaroon muli ng anak pero hindi ko maibigay sayo iyon" saad ko

"it's ok, please mahal hindi ko kaya" saad nya

"rod, mahirap maging solo parent mahirap lumaki na walang kinakasamang tatay galit ako sa babae mo pero naaawa ako sa bata" saad ko

"please hindi naman sya lalaki na hindi ako nakikita eh,gagampanan ko ang pagiging tatay ko sa kanya" saad nya habang Naka yakap parin saakin

"rod yang singsing, sa kanya mo Ibigay" saad ko

"mahal, mahal no hindi ko gagawin yun please I'm sorry just give another chance hindi ko naman sya mahal eh" saad nya sabay bitaw sa pag kakayakap at hinawakan yung kamay ko

"rod minahal mo na sya noon dahil may nakaraan kayo Kaya mo ulit syang mahalin ngayon" saad ko

"mahal ikaw na yung mahal ko eh, please mahal hindi ko kaya" saad nya

"mahal Isa lamang akong kubong pahingahan habang hinihintay mong tumila ang ulan para makauwi ka sa tunay mong tahanan. Mahal sya ang tahanan mo hindi ako mag kakapamilya na kayo at masaya ako Para sayo" saad ko sabay halik sa mga labi nya

Humalik rin sya at hinayaan kong dumampi ang mga labi nya sa labi ko ng ilang minuto. Dinamdam namin ang isang minutong pag hahalikan dahil alam kong huli na ito.

"rod isara na Natin ang libro dahil ito na ang huling pahina nang ating kwento Mahal na mahal kita aking tahanan nawa'y matutunan mo syang mahalin kasabay non ang paglimot saakin." saad ko at sa huling pag kakataon ay niyakap ko sya saka tumayo at lumabas ng bahay.

Tinuruan ako ni daddy na huwag mag tanim ng galit. Tinuruan nya rin ako na palayain ang taong Mahal ko kung ito ang nararapat.

Ang kwento namin ni Rodrigo ay tapos na pero kukuha muli sya ng panibagong libro at uumpisahan ang kwento kasama ang mapapangasawa nya.

Tapos na ang kwento namin pero hindi ibig sabihin nun ay tapos na ang kwento ko malayo pa ang lalakbayin ko.

MALAYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon