Chapter 2

7 2 0
                                    

Unknown People

Panibagong araw na hindi ko alam ang mangyayari. Bawat makaka-salubong ko si mama ay natatakot na ako sa pag-aakalang sasaktan niya nanaman ako.

Ang payat ko at maliit kaya nakaka-yanan niya akong saktan.

Nasa ika-anim na baitang na nga pala ako at sabi ng guro namin ay isang linggo nalang ay matatapos na namin ang klase namin. Graduate na ako ng elementarya at pupunta na sa high-school.

Nag-luto lang ako ng itlog at may tinapay naman kami sa lamesa.

"Oh nag-luto ka na pala?" tanong sa'kin ni mama.

"Opo," naka-tungo kong sagot.

"Aalis na muna ako at baka pumunta dito si Andrew mamaya, ikaw na munang bahala kay nanay ha." aniya at tumango naman ako. Ginulo niya pa ang buhok ko pag-katapos at umalis na.

Naka-hinga naman ako ng maluwag dahil hindi niya ako sinaktan. Ngayon lang siya nag-salita na hindi sumisigaw at naka-ramdam naman ako ng tuwa dahil mukhang hindi na siya galit.

Noong baby pa lang ako ay hindi pa ganon ang trato sa akin ni mama. Mabait pa siya at inaalagaan niya ako. Nang mag-eight years old ako ay hindi na naging maganda ang trato niya sa akin. Ang pinaka-unang ginawa niya sa'kin ay pinalo niya ako ng pagka-lakas lakas. Hanggang sa lumala at ngayon ay nagagawa niya na akong ibato dahil maliit lang akong babae.

"Apo, bakit ang aga mong magising?" tanong sa'kin ni lola na kakagising palang.

"Naalipungatan po kasi ako, di na po ako naka-tulog kaya nag-luto nalang po ako ng almusal," naka-ngiti kong sabi.

"Mamaya aalis tayo ha," sabi ni lola at nag-taka naman ako.

"Saan po tayo pupunta?" tanong ko at ngumiti lang siya at naupo sa lamesa at nag-simulang kumain. Hindi na sinagot ni lola kaya tumahimik na lang rin ako. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain at nang matapos ay nag-ligpit na lang.

"Rosa, maligo ka na at aalis tayo." utos ni lola at agad naman akong tumayo para maligo.

Nang matapos maligo ay nag-suot lang ako ng simpleng t-shirt at shorts. Ganon lang naman lagi ang suot ko dahil 'di naman kami masyadong umaalis at 'di rin kami mayaman.

"Lola, tapos na po." sabi ko at tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa.

"Rosa, suotin mo ang bistidang bigay ko sa iyo noong nakaraang araw.. Mag-sapatos ka din para presentable kang tignan." utos ni lola habang tinitignan ang aking kasuotan. Wala naman akong nagawa kundi sumunod.

Sinuot ko lang ang floral dress na bigay sa akin ni lola. Pati ang rubber shoes ay sinuot ko din. Minsan lang kami umalis kaya hindi ako sanay sa mga ganitong damit.

"Lola sa'n po ba kasi tayo pupunta?" nag-iingit na tanong ko. Naiirita ako sa kadahilang kailangan ko pang mag-suot ng maganda. Baka sa kanto lang pala kami pupunta.

"Basta," sabi niya at sumimangot naman ako.

May pa secret secret pang nalalaman eh!

Sumakay kami sa isang UV Express dahil pupunta daw kami sa siyudad. Medyo malayo kasi kami sa siyudad kaya kapag gusto naming gumala ng malayo ay sa siyudad kami lagi pumupunta.

Maraming buildings at mga magagarang sasakyan ang nakikita ko habang nakatanaw sa bintana ng sasakyan.

Mga dalawang oras ang byahe dahil sa traffic. Naka-baba na kami at pumasok kami sa isang restaurant na mukhang mamahalin.

"Lola, bakit dito tayo kakain? Mahal dito, baka hindi natin kaya." mahinang bulong ko dahil habang hinuhusgahan ko ang mga pananamit ng mga tao dito ay masasabi ko talagang mayaman sila.

The Withered Lies - (Book 1 Of RDS) Where stories live. Discover now