Chapter 2

3 0 0
                                    


"Uyy ghorl!"    Sumisigaw na lumapit sa akin si Athena. Ilang linggo na rin simula ng magpasukan. Wala ako sa hulog kaya hindi na rin nag-abala na pumunta sa cafeteria para kumain. Rinding-rindi ako kay Athena dahil malayo pa man ay ang ingay-ingay na nito.

"Ang ingay mo!"   Pa ismid ko dito.

"Ayy Attitude ka ghorl?"   Sabay halakhak at umupo na sa tabi ko.

"Tss ang ingay mo! Ano ba yang binili mo?"    At pasimple kong sinilip ang dala niya. Gutom pa naman ako kaya lang tinatamad akong bumili. Akma akong kukuha sa chichiryang kinakain niya ng bigla niya itong inilayo.
"Ang damot mo naman!"   Hinampas ko siya at tatawa-tawa naman siyang umiwas.

"Ayan! Aayaw-ayaw mong sumama tapos mambuburaot ka."    Bumalik din naman siya sa tabi ko at hinayaan na akong kumuha sa kinakain niyang nova.

"So ayun nga! Hindi ka sumama! Hindi ka tuloy nakasilay kanina."   Kahit may ideya na ako ay nagkunwari akong hindi siya na-iintindihan dahil alam kong aasarin lang naman ako ng babaitang ito.

"Ha? Sino namang sisilayan ko?"    Maang kong tanong habang patuloy pa rin ang pagdukot sa chichirya nya. Nilingunan ko naman si Athena at nagpakita ng inosenteng mukha.

"Ha? Hakdog!"     sabay dampot ng water bottle at hinampas sa ulo ko.

"Aray ko! Kanina ka pa ah!"   Sapo ko naman ang aking noo habang tinitingnan ang baliw kong katabi ngunit inirapan lang ako nito.

"Ang galing mo kasing kausap eh! Pero yun nga, si Conrad nasa baba! Ayieeee."      Sabi ko na nga ba't hindi na naman titigil ang bunganga nito. Panay pa ang pag sabi ng 'ayie' at tulak, may pasundot-sundot pa sa gilid ko hindi naman nakakakiliti!

Si Conrad ay crush ko, crush ko lang naman siya ng slight hihi. Pogi kasi talaga si Conrad, matangkad, moreno, matangos ang ilong, mahaba ang pilikmata, at malaki ang katawan. Kumbaga crush ko lang siya dahil sa physical appearance nya, hindi ko pa rin kasi siya nakakausap masyado pero alam ko lang gentleman sya pero hindi ganun kalawak ang ideya ko sa kung ano talaga ang ugali nya, kaya crush ko siya ng mga 10%.

"Eh ano naman kung nandun siya?"

"Asus, ayaw mo nun mas makikilala mo siya tsaka malay mo mapansin ka niya ayiee."

"Tss eh paano naman niya ako mapapansin eh ni hindi nga siya bitawan nung Alexandra. Konti na nga lang iisipin ko na magkadikit yung intestines ng dalawang yun kaya ikamamatay niya kapag nahiwalay sila." Inirapan lang ako ni Athena at nagpatuloy sa pagkain niya ng Nova.

...

Nagsimula na ang aming klase. Ito ang unang beses naming a-attend sa klaseng ito dahil ngayon lang daw naayos ang sched ng mga teacher sa subject na ito, kulang din daw kasi ang mga teachers. Kaya naman pala hindi mapawi ang ngiti ng katabi ko, si Mr. Ibanez pala ang nandito. Nakakatakot na ang inaakto ni Athena, napakahinhin niya kung titingnan, sabi nito kanina ay dalagang pilipina raw ang tipo ni sir kaya ganito siya umasta ngayon, sarap kaltukan eh. Pero hindi ko naman siya masisisi nakakarupok naman talaga si sir. Fresh grad lang ata si sir at mukhang hindi nalalayo ang edad niya sa amin o kaya baby face lang talaga siya. Siya yung tipong kapag pinagalitan ka niya sa halip na magalit ay magpapasalamat ka pa.

Ilang minuto pa ay hindi ito nakatiis at bumalik din si Athena sa kadaldalan niya. Tingnan mo ikamamatay niya talaga kapag hindi niya ibinuka ang kaniyang bibig. Natatawa ko na lamang siyang inilingan.

Sabi ni Mr. Ibanez ay magpapakilala muna raw kami. Gusto kasi niyang maging komportable kami sa kaniya bago siya magsimula sa kaniyang lessons kaya halos kwentuhan lang ang gusto nya para ngayong araw.

All He Ever NeedWhere stories live. Discover now