DL

16 1 0
                                    

" Cel, bat' kasama mo sya" yung pag ka rinig ko sa tono ng pagsasalita ni DL parang pinipigil nya yung galit nya

" DL, nagpasama lang ako kay Jang" sabi ko ng mahina sa kanya dahil hindi pa nakakalayo si Jang sa amin

" Bat' sa kanya ka pa nagpasama? pwede naman ako yung sumama sayo" naririnig ko sa pagsasalita nya na naiinis na sya

" Sa... sa....project kasi namin yun.... sorry na... next time sayo na ako magpapasama"


" Sige na... halika na, hahatid na kita baka malate ka pa" sabi nya sa akin sabay hawak ng kamay ko at naglakad kami sa pila ng tricyckle dahil ihahatid nya ako sa college building ko sa COC( College of communication)

Tanging ingay lamang ng makina ng tricykle ang naririnig ko,hindi nya ako kinakausap, ni-hindi sya umiimik....


Tumigil na ang tricykle at nauuna syang bumaba at nag ayad kay manong.

Tionititigan ko lang sya at iniiwas nya ang tingin nya sa akin

" Galit ka pa rin ba sa akin?"

" Naiinis lang ako... kasama mo sya" nakakunot ang kilay ni DL habang nagsasalita

" Eh' kahit naman kasama ko sya... wala pa rin namang magbabago sa atin... mahal kita... mahal mo ko' tayong dalawa lang" lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya

" Correction... mahal na mahal... na mahal.., na mahal" sabi nya sa akin at hinalikan nya ang no-o ko

" mahal din kita... sobra" umalis sya sa yakap ko at nagpaalam na sa akin nakangiti na sya... masaya

" malalate na ang future Arki husband mo!"sigaw nya"

" mag-iingat ka... mahina kong sabi' hinayaan ko ang sarili ko na makita syang makaalis...makalayo sa akin... saka ko tuluyang ibinagsak ang luha ko..dahil hindi ko na kaya itago...ikimkim... sasabihin ko ba ang totoo kung bakit ko kasama si Jang? mas masasaktan sya... silang lahat... ayokong mangyari yun... 

Akala ko projects, thesis, position paper lang at iba't ibang gawain ng estudyante ang may deadline... nakalimutan ko na... ang buhay pala natin lahat may deadline din


Sketches MemoriesWhere stories live. Discover now