Book 1: Chapter 24: Truth Behind The Past War 1

212 41 0
                                    

Chapter 24: Truth Behind The Past War 1

Reyvern P.O.V.
Nasa kalagitnaan ako ngayon ng pakikipag-usap muli sa mga pinuno ng bayang ito. Mapapansin Ang mga seryosong mukha ng mga ito habang nakatingin sa akin.

"Bakit mo kame muling ipinatawag, Duke reyvern?." Tanong ng isang babaeng pinuno.

I sighed.

"Pinatawag ko kayo ngayon dahil sa importanteng sasabihin ko." Seryosong sabi ko. Agad naman Ang mga itong muling tumingin sa akin habang nakataas Ang isang kilay.

"Nais ko pong kayo muna Ang magbantay sa mga gumagawa dahil pupunta po akong kapitolyo para pumunta sa merchant hall. Kailangan kong ipa-register Ang mga building na ipapatayo ko. So habang wala po ako ay nais kong bantayan niyo dito. Kung kulang naman po kayo sa pera lapitan niyo lang po si Frank at siya na bahalang magbigay sa inyo." Nakangiting sabi ko.

Agad naman silang tumango sa akin bago nagsalita.

"Masusunod Duke reyvern." Magalang na sagot ng mga ito. Agad na din akong nagpaalam sa mga ito dahil dadaan pa din muna ako Kay frank upang magsabi ng aking gagawin.

Naabutan ko itong nagaasikaso ng mga party group na kumuha ng quest na ipinost namin sa mga guild. Lumapit ako dito at kinalabit ito. Nagtataka naman itong tumingin sa akin.

"Aalis ako ikaw na bahala dito." Sabi ko. Agad nanlaki Ang mga mata niya Ng dahil sa sinabi ko. Akmang aalis na ito ng hawakan ko ang kamay niya.

"Sandali lang. Pupunta akong merchant hall kailangan kong ipa-register Ang mga building na ipinapatayo ko." Agad kong sabi.

Agad naman itong tumigil sa pag-piglas at tumingin sa akin.

"Sige na nga. Basta bilisan mo" nakabusangot na sabi nito. Agad akong ngumiti at tumango.

Matapos naming magusap ay nagteleport na ako sa mismong bahay ni mama milva. Iniligpit ko ang mga gamit ko sa isang tabi at dahan dahang bumaba sa hagdan.

Ng makarating ako sa kusina ay naabutan ko ang mga itong kumakain. Agad akong Lumapit sa mga ito na  siyang ikinagulat ng mga ito.

"Wow! Ang sarap naman ng ulam. Sakto nagugutom na ako." Nakangiting sabi ko. Akmang kukuha na ako mg pagkain ng may humapas ng kamay ko.

Agad kong tiningnan kung sino Ang may gawa nito at nakita ko doon si Sam na Ang sama ng tingin sa akin. Lagi na lang Galit sa akin Ang isang ito wala naman' akong ginagawang masama.

"Bakit?." Takang tanong ko. Ang sakit kaya ng hampas niya. Akala niya siguro Ang Gaan Gaan ng kamay niya.

"Buti naisipan mo ng magpakita?." Seryosong sabi nito. Tumango ako at ngumit sa kanya. Miss lang ako nito kaya ganito iyan ei.

"Pasensya naman. Hindi ko na kayo nasabihan ng umalis ako dahil marami din kayong ginagawa." Pagdadahilan ko. Parang tuloy isa akong batang pinapagalitan ng nanay ngayon at si Sam Ang nanay ko.

"Ano ba kaseng ginagawa mo sa Lockwood Village?hindi ka na namin masyadong nakakausap dahil Ang sabi mo lagi ay busy ka." Nakangusong tanong ni hazel.

Tama hindi na kame masyadong nakakapagusap dahil narin sa madaming kailangang gawin doon. Maraming kailangang linisin na kalat.

"May proyekto akong pinapagawa doon." Nakangting sabi ko. Agad namang tumaas Ang mga kilay mg mga ito dahil sa aking sinabi.

"At anong proyekto naman iyon?." Takang tanong ni Ella. Buti pa ang isang ito Hindi Galit. Pero itong dalawa parang dragon kulang na lang bumuga ng apoy.

"Laboratory club at medicine shop." Nakangiting sabi ko. Agad na naibaba ng lahat Ang kanilang mga kutsara ng sabihin ko Ang aking proyekto.

Maging si mama milva at papa Rodolfo na kanina lang ay nakikinig ay ngayon gulat ding nakatingin sa akin.

CHOSEN'S HERO: THE NEW WORLDWhere stories live. Discover now