Oneshot

24 2 4
                                    

Gumawa ako ng bagong account para sa mga story na gagawin ko. Hindi ko inaasahan na maraming mag aadd sakin sa account ko nato. Saad ko sa isip ko. Isa na dun si Xavier Sean Smith. Pogi, matalino, kissable lips, mahilig magbasa, mabait, mapag alaga. Nagustuhan ko din sya dahil sa ugali nya. Ang ganda ng looks niya. Meron din syang mapupungay na mga mata. Mahal na mahal ko yun simula pa nung una. Btw  hi guys I'm Luna Montenegro. Tall, mabait, sexy, morena, mahilig magbasa, writer. Naisip ko na I chat si Xavier hehe wla kasi akong magawa e. Kasalanan kuba yun.

"Hi Xav." Masayang chat ko dito.

"Hello" reply nito.

"Gawa mo po?" Tanong ko.

"Wala naman." Saad niya.

"Ah okay hehe." Saad ko naman. Owemjii nahihiya ako sakanya. Si Xavier ang crush na crush ko. Sakanya ko kasi naramdaman na safe ako. Andaming lalaki pero sya ang nagustuhan ko. Mga ilang years ko din naman syang crush. Palagi akong nag aabang sa mga post nya at agad ko naman itong nirereact. HAHAHA ako na jowain nyo supportive kaya ako. Char lang. Naalala ko marami pa pala akong gagawin ngayon. Mas inuna kupa yung l*ndi lagot nanamn ako kay mama nito.

Bumangon na ako sa room ko at inayos ko na ito. Pagkatapos nun ay naligo nadin ako at ginawa ang morning routine ko. Lumabas nadin ako at pumunta sa  kusina para magluto. Nagluto ako nga bacon, hotdog with cheese, beef loaf at fried rice. Pagkatapos nun ay nagsimula na akong kumain HAHAHA baka nagtataka kayo. Ako lang po mag isa sa bahay kasi may bahay din sila mama at papa. Only child lang kasi ako. Nasabi kong magagalit si mama sakin kay dadalawin nila ako ngayon dito. Sakto lang naman ang bahay ko. Merong tatlong kwarto at tatlong cr. May second floor kasi bahay ko. May dining area, may kusina, may library at music room din. Sa labas ng bahay ay may garden ako at may fountain. Hindi naman ako masyadong mayaman. Sariling pera ko kasi ang pinagawa ko ng bahay ko nato at ang sakanila mama din. Ang layo na ng kinikwento ko HAHAHAH. Pagkatapoa kong kumain ay naghugas nadin ako ng ppinagkainan ko at nag linis.
Kalahating oras nalang ay dadating na sila mama kaya nag bake na ako ng cake at nag timpla ng juice. Pagkatapos nun ay inantay ko nalang silang dumating. Naisipan kong manuod nalang ng tv kasi bored ako. Di naman online si Xavier. Nanuod ako sa Netflix ng His into her. Favorite ko kasi yun e. Habang nawiwili ako sa panunuod ay may nag door bell sa gate. Tinignan ko naman ito sa may bintana. Baka kasi magnanakaw e mahirap na. Nang makita kong sila mama ito ay agad ko silang pinag buksan at hinanda ko nadin ang pagkain.

"Hi sweety, kamusta kana dito?" Saad nila sakin.

"Hi ma, pa okay lang po ako dito. Gustong gusto ko ngang mag isa sa bahay e para walang____" saad ko pero pinutol din iyon ni mama.

"Walang magsasabi sayo. HAHAH ikaw talagang bata ka. Halikanga dito miss ka namin." Masayang saad nito. Umupo na kmi sa sofa sa harap ng tv. Nag bonding kami at pagkatapos ng ilang oras ay umuwi nadin sila. Wla din naman akong magawa kaya pumunta nalang ako sa kwarto ko lara magpahinga. Ipipikit kuna sana ang maga nata ko kaso biglang tumunog ang messenger ko. Sigurado akong si Xavier na yun. Masaya kong binuksan ang cellphone ko at inopen ang messenger.

*1 message*

Binuksan ko ito at nakita kong si Xavier nga. Masayang masaya ako kasi siya na ang nag uunang mag chat sakin.

"Hi luna." Bati nito.

"Hello." Reply ko.

Masaya kaming nag chat hanggang sa makatulog na ako. Nagtagal ang conversation namin hanggang sa manligaw ito sakin.

"Hi Luna may sasabihin sana ako sayo hehe." Saad ni Xavier.

"Sge ano ba yun?" Tanong ko.

"Ahmm ano kasi pwedeng manligaw?" Saad naman nito. Na shock ako sa sinabi nya. Umabot ng 1 month ang panliligaw niya at sinagot ko naman ito sa eksaktong bday nya. Natulog na ako at pagising ko ay bumungad nanaman ang text ni Xavier.

Mahal pa kita pero malaya kanaWhere stories live. Discover now