haha walang label

33 2 0
                                    


Uso ngayon yan,
Tipong walang kayo pero may selosan
Pag di kumakain napapagalitan
Halos sa lahat ng bagay pinagbabawalan

Sobrang gulo tignan
Minsan nasasaktan
Hindi mo pwedeng sabihin ng harapan
Kasi kahit baliktarin man ang mundo, wala kang karapatan

Tuwing may pinag aawayan
Pinag uusapang prangkahan
Lalo kang naguguluhan
Pagkat sa inyo'y wala namang namamagitan

"Walang Kayo"
Masakit ba tenga mo dahil sa sinabi ko?
Tipong mahal mo yung tao
Pero bawal ipagdamot kasi di naman talaga sayo

"Walang Kayo"
Ilang beses ko bang sasabihin to?
Tanungin mo muna siya kung gusto ka ba niya
Kung gusto niyo ba ang isa't isa

Tipong akala mo pagmamay ari mo na
Pero malalaman mo nalang 
Sinasabayan ka lang pala
Kasi may hinihintay siya

Natamaan ka?
Kasi parang istorya niyo tong dalawa?
Sinadya ko talaga
Wag ka mag alala di ka nag iisa

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Walang LabelWhere stories live. Discover now