013

3 2 0
                                    

Napatingin ako sa tumawag sa akin. It was Leo. Nakahinga ako ng maluwag ng makita sya. Akala ko si Xeno..

"Oh bat parang nakakita ka ng multo? Ako lang to si Leo the gwapo" napairap naman ako dahil sa kahanginan nya.

"Come on anlayo ng pinanggalingan ko tapos iirapan mo lang ako? Just kidding tara kape. Timpla mo nga lang?" tumango na lang ako dahil wala pa ring laman ang tyan ko simula kanina.

Ngunit ng malapit na kami ay saka ko lang naalala na nasa lobby nga pala sila.

"Andaming nakalabas ngayon noh? Buti na lamang at walang namamatay. Balita ko nga ay puno ang chapel" nakikinig lang ako sa kanya habang kinukurot ang sarili.

Malapit na kami sa kanila kaya mas nag kunwari akong hindi sila nakikita dahil may kausap. Nang makarating kami sa pantry ay pinaupo ko na sya habang gumagawa ako ng kape. Pansin ko ang pagtingin nila Ivan sa gawi namin. Ngunit hindi ko na lang ito pinansin at pinag tuunan ng pansin ang pag gawa ng kape.

"Tagal naman maam" pang aasar ng feeling close na lalaking toh.

"Buhos ko sayo toh e"

"Ayown! Sa wakas ay nag salita ka rin kanina ka pa tahimik e. May problema ba?" umiling naman ako at inilapag na ang kape.

Natawa naman ako sa itsura nya dahil ninamnam pa nya ito. "Hmm sarap talaga lasang nabasted ako noon" binatukan ko pa ito dahil puro kagaguhan.

"Baliw!"

Bigla naman itong nagseryoso kaya napatigil ako "Bakit nga ba kasi hindi na lang ako shyn? Balita ko yung crush mo may date" alanganin naman akong napayuko dahil don.

Bakit nga ba hindi na lang sya?

I dont know.

"Mabango kasi sya tapos matangkad" sinadya kong gawing tunog pang aasar iyon.

"Nakaka offend ka shyn ah! Kung hindi ka lang maganda iniwan na kita dito." nag tawanan naman kami dahil kung ano anong pinag sasabi nya.

Like mga kagaguhan nya noon.

"Excuse me sa ganda kong toh mahihirapan kang makahanap ng kapalit!" nagbibiro kasi itong makakahanap din sya ng kapalit ko.

"Ay dimo sure!"

Nginisihan ko naman sya dahil don. Wala akong katulad be. Mahihirapan ka sa isang yan.

"Okay congrats na lang kapagay nahanap ka pakilala mo sa akin ah" napanguso naman ito agad sa akin.

"Pfft. Mukha kang bibe" lalo naman tumulis ang nguso nito kaya napatawa ako. "Grabe ka sakin shyn. Maawa ka naman lagi mo na lang akong binubully!" lalo ko pa itong pinagtawanan ng mapaso sya sa kape. Ngunit agad din kaming napatigil ng umupo si Keisha sa harap namin.

"Nagkakasiyahan kayo ah?" ngumiti namang agad si Leo sa kaniya.

"Ah opo si Shyn kasi ay binubully ako" tinadyakan ko naman sya sa ilalim ng mesa "Nananadyak papo oh" sinamaan ko na lang sya ng tingin at inirapan.

Napalingon naman ako kay Keisha sa likod nito ay ang nakatayong si Xeno. "Look Xeno. Bagay sila noh? You should date too! Kapag gusto nya ang isa't isa mag date na agad kayo" just like the two of you. So you both like each other huh? Nakatitig lang si Xeno sa magiging ekspresyon ko ngunit hindi ako nagpatinag at nanatiling nakangiti sa kanila.

Untamed MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon