Part 17

2.1K 75 9
                                    

Tot's POV

"Sure kayo? ok lang na ihatid nyo yung mga yon?" tanong ko sa kanila

"Alam mo Tots, ang kulit mo din kausap eh no? pumayag kana kanina kay Bryle, tapos ngayon parang ayaw mo na naman.." sabi sakin ni Riri

"Oo nga, pero napag isip isip ko ngayon baka kasi mag away lang kami ni Ced" sabi ko

"Hindi kayo mag aaway kung hahabaan mo pasensya mo at kung hindi mo aasarin.." sabi naman ni Dean

Magkakasama kasi kaming apat, Riri, Dean, Gel at Ako..

Papunta kami kung saan naka park yung sasakyan ni Jho dahil doon daw sila Ced nag hihintay sabi ni Bryle.

Napatingin ako kay Gel,

"Ikaw Gel? ok lang sayo? ihatid mo yung Kyla na yon?" tanong ko sa kanya

"Oo naman, bakit naman hindi.." seryosong sabi nya

Napakamot nalang ako sa ulo ko

Ano ba yan, sige na nga, ngayon lang naman..

Nang makarating kami sa sasakyan ni Jho, nakita namin sila na nakatayo doon habang nag hihintay.

"Hay nako! ang tagal naman ni Jho, saan ba kasi dinala ni Bryle yon?" inis na tanong ni Ced

Ayan na sya, highblood na..

Napatingin samin sila Ced, 

"Hay Naku! nandito nanaman yung mga mayayabang lalo na yung isa dyan..." parinig nya na alam ko namang para sa akin yon, tiningnana ko naman sya ng masama habang nakanguso

"Hi Ces, ako na pala yung mag hahatid sayo.." sabi ni Riri kay Ces nang makalapit kami

"Bakit?" tanong ni Ces sa kanya

"eh, mukha kasing hindi nyo makakasabay si Jho pauwi, tinangay sya ni Bryle.." singit ko..

"Ay ganon ba? edi lahat kami isasabay mo Ri?" tanong ni Ces kay Riri

"Hindi, ikaw lang" sagot ni Riri

"At bakit?" kunot noong tanong ni Ced

Ayan na.. lalabas na sungay nyan..

"Kasi si Gel yung maghahatid kay Kyla, si Dean naman ang maghahatid kay Jema, at si Tots ang maghahatid sayo" paliwang ni Riri

"What?!" kunot noong tanong ni Ced, naparoll eyes naman ako habang naka cross arm.

What?? what what tin kita dyan eh.. 

"Ito? itong panda na ito? ihahatid ako?" inis na tanong nya habang nakaturo sakin, kunot noo akong napatingin sa kanya, nagtawanan naman sila Riri

"Sinong panda?? ha??" inis na tanong ko sa kanya

"Duh! magtatanong ka pa? nakaturo na nga yung limang daliri ko sayo..." irap nya sakin

"Ikaw sumosobra kana ha..! nagmamagandang loob na nga yung tao sayo eh!" inis na sabi ko

"Sorry, pero mas willing pa akong mag commute kaysa sa sumabay sayo.." sabi nya sakin, tumingin ako sa malayo saka ko kinagat yung labi ko, pagkatapos tumingi  uli ako sa kanya

"Alam mo, may nagawa ba akong mali o masama sayo? parang ang laki naman ata ng galit mo sakin?" tanong ko sa kanya

"W-Wala.." sagot nya

"Oh wala naman pala.." sabi ko, pagkatapos ngumisi ako, "o baka naman may gusto ka sakin??" tanong ko

Nag act sya na nasuka..

Let The Love BeginDonde viven las historias. Descúbrelo ahora