Kabanata 7

2.8K 79 115
                                    

Sana

I groaned a bit as I slowly open my eyes. May maliwanag na sinag ng araw ang tumama sa mga mata ko. Bahagya ko pang hindi mabuksan ang mga 'to.

Pero nang unti-unti ko itong mabuksan ay nasa kwarto ko na pala ako. Wala sina Iñigo.

Napasinghap ako nang naalala ko ang nangyari kagabi. Nawalan pala ako ng malay. Nararamdaman ko na rin ang pagkahilo no'n pero hindi ko akalain na mahihimatay ako.

Iniangat ko ang kamay ko at nakabalot na 'yon ng bandage. Wala na rin akong nararamdamang kirot hindi katulad kagabi na sobrang sakit.

Napakunot ang noo ko at napabangon nang naalala ko sina Ferih at Dorothy. Kumusta sila? Anong nangyari sa kanila? At anong nangyari do'n sa gagong manyak kagabi.

Sandali lang ako nag-CR bago ako nagmamadaling lumabas ng room. Hindi ko alam kung anong oras na at kung ano bang mangyayari ngayon para sa event ng school kaya hindi ko alam kung nasaan sila.

May mga nakikita akong estudyante sa paligid at mukhang wala pa naman silang ginagawa. Baka maaga pa.

Napahinto ako sa tapat ng office ng camp. Sa labas ay may digital clock katabi ng isang bulletin board sa may pader. It's just 8 a.m. Maaga pa nga. Baka nasa canteen sila.

Puno rin ng estudyante sa canteen pero hindi nakatakas sa mga mata ko sina Ferih at Dorothy na kumakain. Maaliwalas naman ang ekspresyon niya. Hindi katulad kagabi na halos mahimatay na rin siya sa sobrang panginginig at takot sa nangyari. That was the first time I saw her trembling so much.

"Ferih?"

Nanlaki agad ang mga mata niya at napatayo. "Timo!" Binalingan niya agad ang kamay ko at walang pasabing kinuha 'yon. "Okay na ba 'yong kamay mo? Masakit pa ba?" Bahagya pa siyang ngumiwi na may halong pag-aalala nang tanungin ako.

Tipid akong ngumiti at tumango. "Okay naman na. Hindi na siya masakit. Kayo? Okay na kayo?" concern ko silang tiningnan parehas.

Magaan na ngumiti si Dorothy. "Oo, Timo. Okay na ako. Salamat dahil dumating ka ro'n. Hindi na rin namin alam ang gagawin ni Ferih. Natatakot lang kami nang sobra."

Napasinghap ako at pinagtagis ang panga ko bago kami naupo ni Ferih.

"Bibili lang sana kami ni Dorothy ng sweets dahil manonood sana kami bago matulog. Na-boring kasi kami sa performance. Tapos bigla kaming hinarang no'ng dalawang lalaking 'yon no'ng babalik na kami sa cottage. . . " Ferih explained.

"So, what happened? Anong na ang nangyari sa kanila ngayon?"

Tipid na ngumiti si Ferih at tumango-tango sa akin. "It's fine. Sinabi namin kay Miss De Castro ang lahat ng ginawa nilang dalawa. Nagsisisigaw kami ni Dorothy kagabi habang umiiyak dahil hindi namin alam 'yung gagawin no'ng nahimatay ka. Mabuti na lang ando'n 'yung guard na nagpa-patrol."

Mahina akong natawa dahil na-imagine ko silang dalawa na kung saan-saan tumatakbo para humanap ng tulong. But I didn't find it funny, really. "Sorry. . . ako na lang sana 'yung inaasahan niyo ako pa 'yung biglang nawalan ng malay."

Umiling agad si Ferih at pinalo ako sa braso. Hindi ko naitago ang ngiti ko nang nakakunot ang noo niya sa akin habang nakasimangot. "Ano ka ba! Para kang tanga. Ikaw pa nag-so-sorry. Wala kang kasalanan."

Natawa si Dorothy. "Oo nga! At saka ang daming nawalang dugo sa 'yo. Tapos pinipilit mo pa kaming i-guide kagabi ni Ferih. Pinapakalma mo pa kami. Ikaw na 'tong napuruhan."

"Siguro nadala lang din ako ng pag-aalala ko sa inyo. Bilang kuya rin ako. Baka natural na siya sa akin. Plus. . . may kaibigan pa akong iyakin." Tiningnan ko si Ferih na tinaasan din agad ako ng kilay.

It All Ends Here (The Ravels Inception #1)Where stories live. Discover now