ARTIKULO

3 1 0
                                    


Sa walong bilyong nakasilong
Ikaw ang nakasalubong
Islang pitong libo't isang daan
Ika'y natagpuan

Sa rurok ng aking pagkalito
Sa mundo kong magulo
Ikaw ang naging sandalan
Bagaman ikaw narin ang aking pahinga

Naging bahagi ng aking paglalakbay
Dito sa mundong walang sigurado
Alam kong lahat ito'y titila
Nais kong malaman mo;

Lahat ng ito'y pinlano
Sapagkat ating pagtatagpo'y bahagi ng pelikula
Tayo ang artista sa loob ng libro
Kung ito'y matatapos at magsara may masaya at natuto ako

Ikaw ang karakter na naging kaisa ko sa pagharap
Sa alinmang yugto at artikulo.

MGA TALA AT TULAWhere stories live. Discover now