Chapter 1

5 1 2
                                    

Sa kasagsagan ng malakas na ulan na may kasamang pag kulog ang dinatnan ko habang ako ay naglalakad ng mabagal sa gilid ng kalsada gamit ang isang payong na biglang inabot sa akin ng diko kilalang lalaki sabay tanong ko sa aking sarili kung ito ba ay isa nanamang imahinasyon? Malapit na ako sa bahay ng ako ay biglang mabundol ng isang lalaking tumatakbo sabay nito ang marami nya pang kasama.

"What the he... Aray! ko naman kuya" sigaw ko itong sinabi. Ganyan na ba talaga ang mga lalaki kapag umuulan parang mga nakawala sa kural kainis! Sabay pagpag sa damit kong basang basa na.

"Sorry! Miss.." sigaw ng lalaki habang pinagpapatuloy ang pagtakbo.

Humihina na ang ulan ng makita ko ang isang wallet matapos akong mabangga ng isang lalaki.

"Wallet?" Kabado ko itong pinulot. Kanino kaya to? Tumingin ako sa paligid at ng makita ko ang laman ng wallet ito ay naglalaman ng pera at isang picture ng lalaki. What? Lalaki pa ang may ari' pano ko ito isasauli? Di kaya ito yung bumangga sa akin?

Tumigil na ang ulan ng ako ay nasa bahay na ang kalangitan at kapaligiran ay unti-unti ng lumiliwanag.

"Siiit" sitsit ng ate kong nakadungaw sa bintana habang ginagamit nya ang kanyang daliri bilang pagbabanta. Mukhang isusumbong pa ako ng bidabidang ito! kay mama.

Pumasok na ako ng bahay at diretso sa aking kwarto.

"Nakauwi din.." pabuntong hininga kong sinabi. Sabay tingin ko nito sa payong at wallet habang pinag-iisip kung kanino ko ito isasauli.

Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si freya.

"Oh! Bakit ashley.. napatawag ka?" Unang sinabi ni freya.

"Mahabang pangyayari! Pero sige ikukwento ko sayo" mahinahon kong sinabi. Ginawa pa  ata ako ng tadhana para utusan kung kanino ko ito ipagbabalik kayamot.

"Mukang mahaba nga, kwento mo nalang sa akin bukas sa canteen' mag gagabi na din! Maaga pa ang pasok natin" matamlay na sinabi ni freya na muhkang inaantok na.

Pinutol ko na ang tawagan naming dalawa ni freya ng ako ay napabuntong hininga habang nakatingin sa dalawang bagay na hindi sa akin.

"Bakit kailangan ako pa ang mamroblema dito?" Tanong ko sa aking sarili. Di kaya? Fuck ayoko ng mag-isip.

Umaga na ng pikit pa ang aking mata at may daloy pa ng laway sa aking mukha.

"Ate ashley" sigaw ng kapatid kong si calvin na halos sirain na ang pinto sa kakakatok.

Tumunog na ng dalawang beses ang aking alarm na ikinagising ko.

"Hala.. shit! Late na ako" nanlalaki kong mga mata. Kailangan ko ng magmadali...

"Ateeh!" Malakas na sigaw ni calvin.

"Oo na.. Ano ba!" Sigaw kong sagot. Sa sobrang  inis ko nabato ko ng hindi sinasadya ang payong sa pintuan.

"Ay! Hala.. sorry diko sadya.. fuck nasira ko pa ata" nagulat kong sinabi habang naka takip ang aking kamay sa aking bibig. Pinulot ko ang payong at akin itong binuksan ng biglang malaglag ang isang parte ng payong sa sahig.

"Anak ng packing tape" nakatingin sa piraso ng bakal sa sahig habang gulat na gulat ko itong sinabi. Diko akalaan na ako pa ang makakasira ng payong' Paano ko ito aayusin?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Feel Me Where stories live. Discover now