Chapter 14: Arguments

977 84 28
                                    

Arguments





I fell into a deep sleep last night. Pero nagising ako ng madaling araw dahil binangungot ako.

In my dreams, I was being chased by a horde of infected. Then I saw Lawrence, sobrang bagal ng takbo nya sa panaginip ko. Kailangan kong bumalik at itulak sya para bumilis ang kaniyang pagtakbo. Naramdaman ko ang mga kamay ng mga infected, bumabaon ito sa likod ko dahil naaabutan na nila ako. Nagising ako dahil doon at agad akong bumangon.

Sobrang sakit rin pala ng likod ko dahil sa matigas na sahig na kinahihigaan ko. Kung ano ang posisyon ko bago ako makatulog, ganoon pa rin ang posisyon ko hanggang sa magising ako kaya sumakit ng ganoon.

The whole day, Pierce and I didn't talk. Good thing Aki's back to how he treats me kaya medyo gumaan na ang pakiramdam ko pero nagsorry pa rin ako ulit sa kanya. Si Pierce nalang talaga ang problema at halatang ayaw akong makaharap. Gaya nga ng sabi nya kahapon, he wants me out of his sight kaya nirerespeto ko iyon at hindi ko na pinagpipilitan ang sarili ko.

I feel guilty when I saw him cleaned his wounds in the morning. He didn't ask for any help from any of us. He didn't look good dahil sa mga sugat nya but he also didn't look bad at all. Kailangan nya lang talaga muna ng pahinga pagkatapos ng lahat na mga nangyari. Good thing Lory volunteered to assist him in cleaning those wounds.

I took a deep breath and sigh.

"Ate Zori, ako na po muna diyan." Ani Stella.

Kasalukuyang nililigpit ko kasi ang mga basura at balat ng mga gulay. We sauted mixed veggies for dinner, may kaonting karne kaming nakuha kaya inihalo namin ito. Napamura ako sa sarap nito. Ilang araw rin kaming hindi nakakain ng preskong lutong bahay na ulam.

Pagkatapos naming maglunch at dinner, lahat kami ay pinag-uusapan ang pagkain na nakuha namin kina Millie.

Our food was so good that I can't easily get it out of my mind. Ganoon rin sa mga kasama namin.

We thanked Millie for it. Matamlay pa rin si Millie but she has Kate to cheer her up. Sina Stella, Anthony, at Lawrence naman ay nakikipagkaibigan sa babaeng dinala namin dito. Her name is Pauline. Tulala sya simula kahapon pero sumasagot naman sya kung kakausapin. I can sometimes see her just staring at us tapos lalapitan siya nila Kiana para icomfort.

"Okay lang, Stella. Last na rin naman ito. Ibababa ko lang para hindi tayo mangamoy rito." She smiled and agreed.

Madilim na sa labas dahil gabi na. We have flashlights and candles. Pero hindi namin sinindihan ang mga kandila namin. Maliwanag ang buwan at pumapasok ang liwanag sa amin dahil hinayaan lang naming bukas ang mga bintana. Pero nakakatakot nga lang dahil naririnig namin ang mga ingay ng mga infected. Mula kaninang hapon ay napansin naming dumarami sila. I hope they'll go to different areas before tomorrow. Mahihirapan kami kung marami sila sa labas. We don't know what would possibly happen.

I turned my flashlight on as I was carrying the garbage bag full of trash. Ibababa ko lang ito para lumuwag kami sa taas.

It's very dark in here kaya dahan-dahan ang paghakbang ko pababa. The darkness is horrifying as fuck pero pinilit ko lang ang sarili ko.

Wala naman kasing naiwan dito sa baba. Lahat kami ay nasa itaas pag ganitong oras. Lumalabas at bumababa lang kami dito kung oras na para magbantay. It's still quarter to eight, we start guarding at nine.

Nang makababa na ako ay agad kong binitawan ang basurang hawak ko sa may kristal na dingding. Wala akong makita sa labas dahil tinakpan nila ang buong paligid ng tela at mga papel para hindi namin makuha ang pansin ng mga infected sa labas.

The Beginning of The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon