Chapter 3

387 18 4
                                    

Habang abala ako sa kakatingin sa mga pagkain na nandito sa may grocery store ay may nakaagaw ng pansin ko. Isang grupo ng mga kalalakihan, na sa aking palagay ay mga high school students.

Napakunot naman ang aking noo ng makita ko kung ano ang ginagawa nila. Nangunguha ang mga ito ng pagkain kaya napacross-arm naman naman ako habang nakasandal sa may gilid at nakatingin sa mga ito.

Abala pa rin ang mga ito sa kanilang ginawa at hindi man lang nila ako napansin na nakatingin sa kanila.

"Ibang klase rin pala ang mga ito, hindi ba nila alam na may CCTV ang grocery store na ito? Tsk," ani ko sa aking isipan.

Napailing naman ako at aalis na sana dahil ayokong masangkot na naman sa gulo. Pero agad ding napatigil nang makita ko ang babaeng maingay kanina, na abala sa mga costumer.

"Hayst, bakit ba ako mangingialam hindi ko naman obligasyon ito, obligasyon ito ng babaeng maingay na iyon," mahina kong bulong.

Hahakbang na sana ako ng isang beses pero agad ding napatigil. Napapikit naman ako ng mariin at humarap ulit sa mga estudyanteng lalaki na patuloy pa rin sa pagkuha ng mga pagkain at nilalagay sa bag nila.

Mahina naman akong napabuntong hininga at walang gana ang mga itong tinignan. Nakapamulsa ko naman ang mga itong tinitignan at lumakad papalapit sa kanila.

Pagkarating ko sa kanilang harapan ay hindi pa rin ako ng mga ito napapansin dahil abala ang mga ito kakatingin sa kanilang mga kinuha.

"Marami ba? Mukha yatang marami ang nakuha niyo ha," walang gana kong sabi.

Sabay naman silang napatingin sa akin na gulat na gulat. Walang gana ko naman ang mga itong tinignan. Hindi pa rin ang mga itong makagalaw kaya mahina akong napatikhim na siyang nagpabalik sa kanila sa kanilang sarili.

"A-ano ang mga p-pinagsasabi mo!?" Sigaw ng isa sa akin.

Tinignan ko naman siya ng seryoso at mahinang napatawa. Sa tingin ko ay mga Junior High School ang mga ito.
Naramdaman ko naman ang pagtingin nang mga tao na namimili sa grocery store sa amin.

"Nambibintang kaba, Miss!?" Sigaw ng isa pa.

Mahina naman akong napabuntong hininga at binalingan siya ng tingin.

"No, I'm not. Why would I?" Takang tanong ko.

"Huh! Nagmamaang-maangan kapa, sino kaba ha? Alam mo bang puwede ka naming kasuhan dahil sa pambibintang mo sa amin ngayon!?" Galit na sigaw nang isang lalaki.

Walang gana ko naman silang tinignan isa-isa at palihim na napangisi. Matapang ang mga batang ito, ibang klase talaga.

"Nagmamaang-maangan? Ako? Are you sure about that? Teka, ano nga ulit ang sinabi mo? Kayo? Puwede niyo akong kasuhan dahil sa pambibintang ko sainyo? Then, try it," nakangising sabi ko.

Napatigil naman ang mga ito at hindi makapagsalita. Naramdaman ko naman ang pagdating ng babaeng maingay na nasa tabi ko.

"Ano ang nangyayari rito?" Taka niyang tanong.

"Iyan! Iyang babaeng iyan, pinagbibintangan kaming magnanakaw!" Galit na sigaw nang isa.

Mahina naman akong napatawa at inayos ang aking buhok na nasa gilid na ng aking mukha. Naramdaman ko naman ang pagtingin sa akin ng babaeng maingay pero hindi ko ito pinansin.

"Wala akong may sinabi na magnanakaw kayo, sainyo na nanggaling yan, kung ako sainyo ibalik niyo na lang ang lahat ng mga kinuha niyo para wala ng gulong mangyayari," seryoso kong sabi.

Napatawa naman ang mga ito at maangas akong tinignan. Pumunta naman sa may harapan ko ang isang lalaking matangkad at tinignan ako ng seryoso.

"Hey little girl, kung ako sa iyo umalis ka nalang sa lugar na ito dahil hindi mo kilala ang mga binangga mo." Saad nito habang dinuduro-duro ang noo ko.

She's a Badboy's SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon