Chapter 5: Pendant

433 29 16
                                    

Pagkarating ko sa bahay ay agad akong pumasok. Bumungad naman sa akin ang napakalinis na sala ng aking bahay napakunot naman ang aking noo dahil nung iwan ko ito kanina ay may nakakalat pa. Pumasok naman ako at pumunta sa may kusina, malinis din dito. Sino naman kaya ang naglinis nito?

Hindi ko na iyon pinansin at nagtungo na lang sa aking kwarto. Agad naman akong nagbihis at pumunta sa may kusina para magluto. Nagluto lang ako ng hotdog, ham, toccino at nagsaing.
Maya-maya lang ay natapos na ako sa pagluluto.

Umupo naman ako sa harapan ng mesa at nagsimula nang kumain. Napatigil naman ako ng makarinig ako ng kaluslos sa labas ng aking bahay.

Hindi ko namamalayan na 7:26 na pala ng gabi. Napatayo naman ako at kinuha ang baseball bat ko sa tabi ng pinto sabay silip sa labas ng aking bintana.

Wala naman akong nakitang tao roon kaya binuksan ko ang pinto. Napatingin naman ako sa aking paligid pero wala akong  napansin na kakaiba. Isasarado ko na sana ang pinto ng may nakita akong isang kahon sa aking paanan. Napakunot naman ang aking noo at kinuha ito.

May nakita naman akong isang papel na nakadikit sa may kahon. Isang itim na kahon ngayon ang hawak-hawak ko. Mas lalong napakunot ang noo ko ng mabasa ko ang nakasulat sa papel.

"Be ready. Hindi yan ang totoo mong buhay. Malapit ka ng bumalik sa lugar na iyong pinagmulan. Malapit na, Young Mistress. Hinihintay na namin ang iyong pagbabalik."

Basa ko sa nakasulat sa papel. Napakunot naman ang aking noo at may mga katanungan na nabubuo sa aking isipan.

"Ano ang ibig sabihin nito?" takang tanong ko.

Hindi ko naman iyon pinansin at pumasok na lang sa loob sabay sara ng pinto. Nagtungo naman ako sa may hapagkainan at doon umupo. Nilapag ko naman ang kahon na aking nakita kanina sa may ibabaw ng mesa. Hindi maalis ang tingin ko sa kahon na ito. Ano bang meron sa kahon na ito? Ano ang kaniyang laman?

Napailing naman ako at hindi nalang ito pinansin. Nagsimula na lang ulit akong kumain hanggang sa matapos na ako. Inayos ko naman ang mga pinagkainan ko at nagtungo na sa aking kwarto dala-dala yung kahon.

Pagkarating ko sa aking kwarto ay agad kong inilagay ang kahon sa ibabaw ng aking kama at umupo. Kinuha ko naman ang kahon at itinabi ang sulat na nasa ibabaw nito.

Unti-unti ko namang binuksan ang kahon at napakunot na lang ang aking noo sa aking nakita. Isang pendant na may nakaukit na MC, ano ang ibig sabihin nito? MC? ano ang ibig sabihin ng MC? Isinuri ko naman ang pendant na ito at napakaganda. Kulay gintong pendant na may nakaukit na MC at sa itaas nito ay isang corona na kulay ginto rin.

Itinabi ko naman ang kahon at humiga sa aking higaan habang tinitignan pa rin ang pendant na nasa aking kamay. Hindi ko alam pero parang may connection ako sa pendant na ito.

Sino kaya ang nagpadala sa akin nito? Ano ang kailangan niya at bakit niya ako pinadalhan ng ganito? Ano ang ibig niyang sabihin na malapit na akong babalik sa aking pinanggalingan? What the hell!

Mas lalo lang akong nalilito sa mga nangyayari ngayon. Kanina yung maingay na babae na iyon sa store at yung matandang gurang na manager ng store. Mga bully at babaeng binully, ang pagdalaw ko kanina kay mama at ngayon itong misteryosong tao na ito na nagpadala sa akin ng isang kahon at may nakasulat na malapit na raw ako babalik sa kung saan talaga ako nararapat.

Napailing nalang ako at napabuntong hininga. Marami talaga ang mga nangyari ngayong araw, meron pang weird.

Itinabi ko naman ang pendant na hawak ko sa tabi ng mesa kung saan ang kahon at saka na nag-ayos ng higa. Nagdasal naman ako bago matulog.

Ipinikit ko na ang aking mga mata at unti-unti na nga akong nakaramdam ng antok hanggang sa tuluyan akong makatulog na hindi ko namamalayan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's a Badboy's SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon