❦ CHAPTER 3 ❦

5 6 0
                                    

                     •°• FRIENDS •°•


     ILANG araw na ang nakakaraan simula noong umuwi kami ni Sibyl at kasabay namin si Mary Grace.

Nakapag-adjust na rin ako kahit papaano. Hindi na ako lonely sa room, ehe. Palagi ko kasing kasama si Sibyl.

Medyo close na rin kami ni Mary Grace. Nag-karoon din ako ng isa pang kaibigan, si Mary Angela.

Actually, hindi naman siya bago. Kaibigan na namin siya ni Sibyl noong Grade 4 pa lang kami, pero hindi namin siya masyadong close noon. Pero ngayon nakaka-bonding na namin siya.

As of now, sila pa lang naman ang nakakausap ko. Si Hanz kasi ginagawa akong hangin. Ang gorjas-gorjas ko tapos hindi niya ako pinapansin? Ano 'yon? Bastusan, ha?

Akala naman niya, pogi siya—well, oo sige, pogi siya. Pero hindi naman siya ang pinaka-poging tao sa earth para hindi mamansin, 'no? Pa-special masyado, hmp!

     NAANDITO ako ngayon sa tabi ni Sibyl. Dumayo pa ako sa pwesto niya para lang tumulala kaming dalawa habang hinihintay na dumating sina Mary Grace at Mary Angela.

Kambal ba ang dalawang iyon? Parehas silang 'Mary' pero hindi naman mukhang angel mukha nila. Para silang ipininta ni satanas, biro lang.

Ang boring-boring.

Napaka-tahimik kasi nito ni Bellann, eh. Siya 'yong tipo ng tao na tahimik, mabait at masunurin. Kaya naman nakaka-konsensya siya maging kaibigan kasi parang litaw na litaw pagiging makasalanan mo.

Maya-maya pa'y dumating na ang mga hinihintay namin.

Ibinaba muna nila Mary Grace at Mary Angela ang kanilang mga bag sa kani-kanilang upuan at saka tumabi sa amin ni Bellann.

"Anong atin?" Tanong ni Angela.

Paano niya nagagawang ngumiti? Uso ba 'yon? Ako nga, pag-gising ko nakasimangot agad ako kasi may pasok na naman, hehe.

Pero, siguro kaya nakangiti si Angela ay dahil isang magandang dilag ang bumungad sa kaniya ngayong umaga.

Okay, naiintindihan ko naman kung happy pill niya ang gorjas face ko. Normal lang 'yon. Kahanga-hanga naman kasi talaga ang taglay kong ganda ehe.

"Walang atin, akin lang siya eme," saad ko sabay sulyap sa bintana at kumanta sa aking isip kahit wala ako niyon.

🎶Kailan..Kailan kaya mapapansin ang aking pagtingin 🎶

Tama ba? Hindi ko naman alam ang kantang iyon dahil naririnig ko lang naman ito sa kung saan. Ang alam ko lang ay ang gorjas ko, ehe.

Maya-maya pa'y nagsalita si Mary Grace.

"Ang tahimik niyo. May dumaan bang anghel sa mga harapan ninyo?" Tanong nito.

Sa aming apat, siya ang pinakamadaldal, makulit at jolly. Plus, maganda din ang kaniyang boses, siya lang ang hindi eme.

"Hindi na kailangan ng anghel. Mukha ko palang mala-birhen na, haizt," taas noong sambit ko.

"HAHAHA ang galing mong mag-joke, grabe!" ani Angela.

"Pangarap mo bang maging comedian?" tanong naman ni Sibyl.

"Hindi, pangarap niyang mag-trabaho sa isang circus tapos siya 'yung clown. Mukha kasi siyang clown HAHAHA," dugtong naman ni Mary Grace at sabay-sabay silang tatlo na nag-tawanan.

Kung tumawa sila ay para bang lilitaw na ang kanilang esophagus. Ang baho pa ng mga hininga, arghh.

For the eww ang tatlong ferson, kadorti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 11, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taste Of Love (Elementary Series 1: On-going)Where stories live. Discover now