𝗣𝗢𝗘𝗠#2: PASENSYA NA

3 1 0
                                    


Isa, dalawa, tatlo, hanggang apat,
Sisimulan ko ang tulang aking isinulat,
Tulang alay ko para sa isang tao,
Sa isang tao na dumurog sa puso ko.

Mahal, tanda mo pa ba?
Tanda mo pa ba yung mga araw na nangako ka,
Mga araw na sinabi mong ako lang ang nag iisa,
Pero heto ako pinapapili ka kung ako ba o sya.

Ginulo at pinasok mo yung mundo ko,
Tapos heto ako ngayon naghahabol sayo.
Nasan na yung mga pangako mo?
Nasan na yung taong minahal ko?

Umaga, tanghali hanggang gabi,
Ang kasiyahan ko ay hindi maikubli,
Kasiyahan kong ikaw ang naging dahilan,
Ngunit ang kasiyahang iyon ay sya ding magiging kalungkutan.

Sadya ngang napaka daya ng mundo,
Pinagdadamot nya yung kasiyahang gusto ko,
Minahal at pinili kita,
Pero pinili mo yung panandaliang saya.

Ngayong ayos at nakalimutan na kita babalik ka?
Babalik ka na para bang walang naging problema,
Pero mahal, pasensya na,
Wala na yung babaeng mahal na mahal ka.

Mahal pasensya na,
Kasi may tao ng sakin ay nag papasaya,
Taong nakita ang tunay kong halaga,
Taong naiiba at walang kagaya.

____________________________________

🅒︎𝗖𝗢𝗣𝗬𝗥𝗜𝗚𝗛𝗧 2022,  _leaveseria
𝐀𝐋𝐋 𝐑𝐈𝐆𝐇𝐓 𝐑𝐄𝐒𝐄𝐑𝐕𝐄𝐃

𝐏𝐋𝐀𝐆𝐈𝐀𝐑𝐈𝐒𝐌 𝐈𝐒 𝐀 𝐂𝐑𝐈𝐌𝐄:
Plagiarism is the representation of another author's language, thoughts, ideas, or expressions as one's own original work. Don't copy the author's works without him/her permission.

[ _leaveseria]

POEMS THAT COMES FROM THE HEART (ON-GOING)Where stories live. Discover now